PART 16

2738 Words

"SI ANDY!" Nagliwanag ang mukha ni Yolly nang nakilala niya ang sasakyan. Kumawala agad siya sa pagkakayakap kay Leandro at sinalubong ang bagong dating na asawa. Siya na ang nagbukas ng gate. Nakatayo lamang si Leandro. Ngunit nababakas na nito ang matinding galit sa mukha ni Andy dahil nagkakatitigan na sila nang masama. Alam ni Leandro na nakita ni Andy ang pagyakap sa kanya ni Yolly. Kaya naman hindi nito maiwasang hindi mag-alala para kay Yolly. Gayunman ayaw nitong makialam sa mag-asawa. Mananatili pa rin ito oo, kahit na dumating na si Andy pero para alalayan lamang ang kaibigan. Hindi nito iiwanan si Yolly. Lalo't kitang-kita nito ang matinding galit ni Andy. "Andy, galit ka pa rin ba sa'kin?" naiiyak na tanong ni Yolly sa asawang bumaba sa sasakyan dahil napakabagsik ang tingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD