Daig niya pa ang nakalunok ng tinik sa binitawang salita ni King. Puno ito ng sinseridad. Lihim siyang tumikhim upang mawala ang bikig sa lalamunan. Iniwas niya ang paningin kay King dahil hindi niya ito kayang makipagtitigan pa sa lalaki nang mapagtanto ang ginawa nila. "Don't move," malambing na usal ni King nang makita niya ang pagngiwi ni Nenita nang akma itong ilayo ang katawan sa kanya. Ang damit ni King na hinubad niya ginawa niyang pamunas iyon sa sariling dumi na nakakalat sa hita ni Nenita. Habang si Nenita ay nasa malayo ang tingin dahil sa hiya. Hindi parin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at hinayaan niyang mangyari ito. Hinayaan niyang bihisan siya ni King. Masakit ang ibaba niya kapag gagalaw at pakiramdam niya parang binug

