"Alas... don't leave me... please… Alas... PLEAAASSEEE!!!!" Nagising ako nang may maramdaman akong may humawak sa kamay ko. Mabigat ang bawat paghinga ko. Hawak ko ngayon ang aking dibdib dahil sa habol ko ang paghinga ko. "Are you okay, Odele? Akala ko may pumasok na sa kwarto mo kaya nanakbo ako… you're screaming." nag-aalalang tanong ni Tito Norman na bitbit ang nag-aalala rin na si Ozzie. Umupo ako mula sa pagkakahiga at nagsimula na akong umiyak. "Hey, what happened?" tanong ni Tito at tumabi sila ni Ozzie sa akin, niyakap agad ako ni Ozzie dahil sa biglaang pag-iyak ko. Bukas ang aircon ng kwarto ko, pero ramdam na ramdam ko ang matinding pawis at ng mabilis na pagtibok ng aking puso. "We broke up." sabi ko habang nakatakip sa aking mukha, dahil sa hindi ko mapigilan ang pag-i

