Chapter 2

2989 Words
Sakay na sila ng gray na van, walo silang galing sa Pinas at ang driver nila na si kuya Bob. Malaki ang sasakyan na iyon na parang pasadya ang pagkakagawa para gawing pansundon talaga. Kahit naglalakihan kasi ang mga maleta nilang dala ay nagkasya pa rin sila sa loob. Katabi niya ulit si Len sa sasakyan. Sa sitwasyong ganoon parang si Len ang tangi niyang kakampi, iyon ang nararamdaman niya dahil nga nasa ibang lugar na sila. Nakakapanibago ang lahat. Makwento at masayahin ang sumundo sa kanila ang sabi nito ay isa daw ito sa mga magiging coordinator nila sa kumpanya, kaya parang nafeel niya na mabait na tao ito. Ang tatay daw nito ang taga doon sa China at pilipina naman ang ina nito. Habang daan ay ang daming kwento ni kuya Bob at syempre si kuya Alex ang tuwirang kakwentuhan nito na doon umupo sa driver seat, nakikinig lang sila pero minsan ay napapatanong din sila. Ibinaling niya ang tingin sa nadadaanan nilang lugar. Maayos  ang paligid at kahit tabi tabi ang mga outlet na tindahan ay malinis pa rin ang itsura, na malayo sa itsura sa pinas, puro chinese character ang mga karatula doon kaya wala silang maintindihan kahit isa. "Oh kapag nakasahod na kayo. Pwede na kayong pumunta dito at magshopping, madali lang pumunta dito isang oras mula sa tutuluyan niyong dorm, sasakay lang kayo ng tren tapos dalawang station lang dito na kayo. Mura mga bilihin diyan at halos nga mga pilipino dito ay diyan nagshoshoping." Nakatawa ito habang nagsasalita, ang tinutukoy nito ay ang mga parang tsangge na nadadaanan nila. Natutuwa siya sa mata nito dahil halos wala ng makita kapag ngumingiti ito. Singkit na singkit kasi. "Sa una lang kayo malilito dito sa lugar pero kalaunan ay masasanay din kayo, madali lang naman matutunan lalo na yung mga pagsakay sa mga train. Meron ding bus at taxi. Pagdating niyo sa dorm niyo pakiramdam niyo ay nasa Pilipinas pa rin kayo ulit dahil puro mga pilipino ang nakatira doon. May kasama kayo na mga ibang company naman sila pero bukod ang lalaki at babae na building." Mahabang paliwanag nito. Tinatandaan niya lang na mabuti ang lahat ng sinasabi ni Kuya Bob. Dagdag pa nito na huwag silang mag aalala dahil magkakaroon pa sila ng isang araw na orientation sa dorm nila bago sila dalhin sa factory, doon ay marami silang malalaman na mga patakaran, mga bawal gawin at hindi dapat gawin at mga policy ng China. Hindi na niya masyadong naiintindihan ang mga iba pang sinasabi ng Driver dahil nakuha na nang magagandang tanawin sa labas ang kanyang atensyon. Parang sa tingin niya ay nakalabas na sila ng pinakacentral na lugar dahil ang natatanaw na niya ngayon ay ang napakaluwag na paligid sa right side nila, sa kabila naman ay mga mountain na maraming halaman at mga puno. "Maraming magagandang lugar pa dito malalaman niyo rin kapag matagal na kayo dito, at kapag winter ay natatabunan iyan ng mga snow kaya lalong gumaganda dahil sa puting tanawin. Nagdala ba kayo ng mga jacket niyo?" Tanong nito sa kanila. Napansin siguro nito na lahat sila ay nakatingin sa labas ng van. " Mayron naman po kuya Bob, pero mga dalawa o tatlo lang." Narinig niyang sabi ni Len. "Oh hindi bale may mabibili naman kayong makakapal na jacket malapit lang sa tutuluyan niyo saka mga three months pa bago lalamig ng sobra dito kaya magkakaroon na rin kayo ng pambili siguro." Sabi nito muli, sa tingin niya  ay hindi ito talaga napapagod na magsalita siguro dahil sa trabaho talaga nito iyon. Napansin niya na napapatingin pala sa kanya ito mula sa rear view mirror nito, ewan niya kung bakit pero ayaw niyang mag isip ng negatibo. Inisip na lang niya marahil ay napuputian ito sa kanya, siya kasi ang pinakamaputi sa lahat tapos ay pagkatsinita din siya pero hindi naman sobra na kagaya ng mata nito. Sa tingin niya ay nagmana siya sa kanya ina nasa pagkakaalam niya ay may lahing kastila. Tama lang ang kanyang height na 5'2 at balingkinitan ang kanyang katawan. Hindi talaga siya tabain kahit minsan ay napapatakaw siya dahil ang nanay niya ay saksakan ng payat, nasa lahi na talaga nila. "Kuya Bob malayo pa po ang tutuluyan namin?" Naisipan niyang itanong na lang dito, kasi nagkakatinginan na sila at mula kanina ay hindi pa siya nagsasalita. "Siguro mga forty minuto na lang nandoon na tayo. Mas mabilis kasi kapag train dahil shortcut ang mga daan unlike kung ganitong biyahe ng sasakyan, mas matagal ang biyahe." Mahabang paliwanag nito. "Gutom na ba kayo?" Tanong nito sa kanila. "Kaya pa naman na magtiis." Nakatawang sabi ni kuya Alex dito. "Yaan niyo pagdating sa dorm ay may nakaready nang pentang doon para sa inyo." Sabi nito kaya nacurious siya kung ano iyon. "Ano po yong pentang?" Tanong niya dito. "Ahh. Iyon ang pagkain niyo, malalaman niyo rin pagdating natin doon." Tumango sila dito. Wala ngang isang oras ay huminto na sila sa malaking gate. Mula doon ay tanaw nila ang iba't ibang kulay ng mga building. May kulay green, may blue, may pink, may orange iyon ang mga kita na building kapag nasa may gate kapa. Buti na lang at mga gentleman ang mga kasama nilang lalaki dahil ang mga ito na ang nagbaba ng kani kanilang maleta. Medyo  nakakaramdam na rin kasi siya ng pagod. Deneretso sila sa canteen ng dormitory at kaya nalaman na niya kung ano ang sinasabing pentang ni kuya Bob. Isang box iyon na pagkain na kapag binuksan ay may kanin at dalawang ulam na sa loob kaya lang ay nanibago siya sa lasa ng pagkain dahil nga sa pangchinese iyon. May tokwa na may kasamang mga gulay gulay na niluto yata sa oyster sauce at ang isa naman ay parang beef steak ang itsura pero iba ang lasa niyon. Pero dahil sa gutom na siya ay nagawa pa niyang ubusin ang laman ng box. Bumawi na lang siya sa orange juice na kasama. Wala nga silang usap usap habang kumakain sila, lahat sila ay pagod at gusto nang magpahinga. Pero hindi pa niya sigurado kung makakapagpahinga na sila. After ng mga isang oras na pamamalagi sa canteen ay tinawag na sila ni kuya Bob at dinala sa isang may kalakihan na kwarto na maraming upuan. Tapos ay may binigay na form na kailangan nilang sagutan at pirmahan, para daw iyon sa magiging files nila sa dormitory. Binigyan din sila ng mga iba pa nilang kailangan tulad ng maliit na kandado na panglock sa mga cabinet nila, card na pangswaka din, dahil ang gate ng dorm na iyon ay laging sarado at kailangan daw isensor iyon para makapasok sila sa loob kung lalabas sila. Binilinan din sila na dapat alas otso impunto bukas ng umaga ay nakabalik na sila doon para sa iba pang mga briefing at may mga darating na personnel doon para makapag apply sila ng magiging resident Id card nila sa bansang iyon, dahil iba naman ang kanilang citizenship at kung lalabas sila ng facility na iyon dahil sa iba't ibang kadahilanan ay marapat na may id nga silang bitbit dahil may mga nagroroving na mga pulis kadalasan na kapag nakakita ng ibang lahi ay hinihingi ang kanilang id card para masiguro na valid ang kanilang pagsstay sa bansang iyon at hindi sila mga tnt. Sinabi pa ni kuya Bob na istrikto daw ang mga chinese people sa time na di tulad nilang mga pilipino na palate late. "Sigurado ka na diyan Len na diyan ka na pupwesto?" Tanong niya sa kaibigan. Pinili kasi nito ang lugar na malapit sa bintana at aircon at siya ay doon sa katabi nito, iniisip niya kasi na baka lamigin ito ng sobra kapag nagwinter na doon. Nasa sixth floor sila ng yellow building at bawat kwarto ay tig aapat lang ang pwede mag occupy. Kaya nagprisinta na sila Mae at Rose na sila na lang ang sa katapat na silid, alam niya kasi na super close din ang dalawa, dahil hindi sila pwedeng magsama na anim doon. Ang dalawa pa nilang kasama na mga lalaki ay sa ibang building naman napunta dahil nga sa separate ang girls sa boys. "Oo carry na to Dol. Don't worry." Sagot nito, pumunta ito sa glass window at nagmasid sa labas kaya nakigaya din siya. Medyo nalula siya dahil nasa taas nga sila. "Buti guys may banyo na rin pala tayo." Napalingon sila kay Terry na nasa bandang pintuan at tinitignan ang maliit na cubicle doon. Pumunta naman silang dalawa doon at sumunod din si Anne para makita kung maayos ba ang Cr nila. Para sa kanya ay sapat na iyon, katamtaman ang laki, may maliit na lababo sa bukana at inodoro na nakalapat sa sahig, medyo asiwa lang dahil hindi nila nakasanayan ang ganoon pero sino naman sila para magreklamo pa. Ang korte naman ng kanilang kwarto ay square, na pagpasok mo ay makikita na kabilaan ang higaan pero nakaelevated lahat dahil ang ilalim ng bed ay siyang magsisilbing mini table ng bawat isa at sa left side nila ay ang kani kanilang cabinet na may isang dipa na luwag at five feet ang taas. Para sa kanya ay tamang tama na iyon, at magiging komportable na siya doon, kung tutuusin ay mas okay pa iyon sa tinutuluyan niya sa pinas. Sinubukan niyang umakyat sa kanyang bed, nakita niya doon na may nakaready na rin palang beddings na kulay blue at bago pa dahil sealed pa iyon, kanina pa nga niya naiisip paano ang higaan nila kaya buti na lang pala at may nakahanda na palang ganoon. Bigla siyang naalimpungatan, hindi niya napansin na nakatulog na pala talaga siya habang nakikinig ng mahinang music sa phone niya ang balak niya lang ay magpahinga sandali. Madilim ang buong paligid pinatay siguro ng mga kasama niya ilaw para makatulog nga sila ng maayos, wala pa naman siyang balak na matulog dahil balak pa niyang magshower pero nasandal lang yata siya sa bed niya at dumeretso na ang pagkaantok niya. Dama niya kasi ang matinding pagod. Kanina basta na lamang niya inilagay ang mga damit at mga gamit niya sa kanyang munting space, balak niya na baka bukas na niya isalansan ng maayos ang mga iyon sa loob at feeling jetlag pa talaga siya. Tinignan niya ang oras sa phone niya kaya nalaman niya na ala una pa lang pala ng madaling araw pero feeling niya ay napakahaba na ng naitulog niya. Naisip pa niya na baka naghihilik pa siya kanina sa sobrang pagod kaya nagsipagtulog na ang mga kasama niya rin. Ala sais ng hapon sila nakarating sa dorm na iyon sa pagkakaalam niya. Tumayo siya at dahan dahan na kumilos pababa ng bed niya, para hindi siya makabulahaw sa mga kasama, buti na lang ay naihanda na niya ang mga kailangan niya sa paliligo kanina kundi ay magbubuklat pa siya ng maleta niya at maaaring makagawa siya ng ingay, nakakahiya kung magigising niya ang mga ito dahil alam niya na sobrang pagod din ang mga kasama niya. Kasalukuyan na siyang nakatapat sa shower, nadiskubre nga niya na may heater pala iyon, kapag pinihit pakaliwa ay iinit na ang lumalabas na tubig sa shower, napapasarap tuloy ang pagbababad niya ng katawan sa tubig. Dinampot niya ang kanyang papaya soap para sabunan ang katawan niya. Simula noon pa ay hiyang na siya sa sabon na iyon kaya hindi na siya nagpapalit pa, nangangati kasi siya sa iba lalo na kapag milk soap. Medyo hininaan niya ang tulo ng tubig para makapagsabon siya na mabuti. s Sinimulan niya sa kanyang leeg, naalala niya na iyong parte ng katawan niyang iyon ang laging hinahalikan nuon ni Toby tapos ay bababa sa kanyang dibdib, ang sukat niyon ay 36A, paborito iyon na halik halikan ng lalaki, gusto sana niyang makaramdam ng pag iinit ng katawan ang kaso ay mas natatabunan iyon ng malaking pagkadismaya sa pinakasalan niyang lalaki, nawala na anumang atraksyon na mayroon siya dito. Sinabon niya iyong mabuti, yung parang gusto niyang maalis lahat ng dumi na nakakapit duon lalo na ang dumi ng nakaraan, dati ay totoong nag iinit din siya kapag nagsisimula na si Toby sa pagpaparamdam sa kanya ng pangangailangan nito, noong mahal pa niya ito at hindi pa niya natutuklasan ang lahat ng kasamaan nitong ginagawa. Pero ngayon ay wala siyang ibang gusto kundi ang burahin lahat ng alaala nang kanyang asawa sa kanyang balintataw. Sana nga ay naiisama iyon sa pagsasabon ng kanyang katawan para hindi na niya maalala pa. Nakakadama kasi siya ng pandidiri na hindi niya maintindihan kapag naaalala niya ang mga pagkakataon na nakikipagtalik siya dito. Siguro ngayon kahit ultimo sumayad lang ang labi niya sa labi nito ay diring diri na siya pakiramdam niya ay napakaraming dumi ni Toby sa katawan nito, mga dumi ng kasalanan na ayaw na ayaw niyang mapupunta sa kanya. Sigurado na siya na kahit katiting ay walang wala na siyang natitirang pag ibig dito, naalala pa tuloy niya yung panget na tagpo na iyon na ayaw na sana niyang maalala pang muli pero bumabalik sa kanyang gunita. Sinutok siya nito ng malakas sa braso kaya napaiyak siya ng malakas, halos manghina siya doon dahil pilit nitong kinukuha ang sahod niya at ito na daw muna ang magbabadget para sa kanila, ayaw niyang ibigay kaya sinaktan na siya nito, sa takot niya ay tumakbo siya ng mabilis habang nakatalikod ito para itong lasing pero hindi naman amoy alak. Hinabol siya nito kaya binilisan pa niya ang takbo hanggan sa makalabas na siya ng malapad na kalsada, alam niya na mabilis itong tumakbo at tiyak na mahahabol siya nito nasa bulsa kasi ng kanyang suot ang mga perang sahod niya, naisip niya na magtago sa pader na nadaanan niya, ibinaluktot niya ang kanyang katawan doon at yumuko, takot na takot siya noon, alam niya kasi na wala sa katinuan ng pag iisip si Toby, nakita pa niya na lumingon ito sa lugar kung saan siya nagtatago kaya lalo siyang napasiksik kahit na madumi doon ay wala siyang pakialam, buti na lang at hindi yata siya nito nakita at tumakbo pa palayo sa pwesto niya, sinamantala niya iyon para sa kabilang dakong kalsada ang tahakin niyang landas. Pasalamat siya sa bestfriend niyang si Janice noong college days niya dahil pumayag ito na pansamantala siyang makituloy sa mga ito, naawa kasi ito ng sobra ng makita nito ang malaking pasa niya sa kanyang braso dahil sa ginawang panununtok ng kanyang asawa. Mga isang linggo siyang nagtagal doon at nagpalamig, itinaon din niya na alam niyang wala sa bahay si Toby bago siya umuwe para kunin ang lahat ng mga damit niya at gamit. Laking pagkadismaya nga niya dahil pati ang alkansya niya na puro barya ay nakita niyang nakabukas na at sinimot na ang laman, pati ang dalawang pares ng kanyang hikaw at wristwatch ay wala na din. Hindi niya mapigil na hindi umiyak tuloy habang mabilis na inaayos ang mga gamit niya sa malaking bag at aalis na siya doon para hindi na muling bumalik, wala na siyang pakialam sa asawa niyany iyon na puro problema lang ang ibinibigay sa kanya. May kontak na siya na bahay na tutuluyan niya, makikibed space siya doon, hindi naman kamahalan ang upa, at isang sakay mula doon papunta sa working place niya. Magaan ang kanyang mga hakbang habang palayo sa lugar na iyon . Kahit hindi na niya ito makita habang buhay ay ayos na ayos lang sa kanya. Ang malungkot na parte lang ay yung kaalaman na kasal na siya dito at hindi na muli siya na pwedeng magpakasal sa iba. Kiniskiss niya ng bimpo ang kanyang buong katawan, gusto niyang itapon ang masasakit at nakakadiring mga alala na iyon. Hinding hindi na niya maaatim na muling makasiping pang muli ang ex husband na niyang iyon. Pasalamat na rin siya at mahigit apat na taon na itong hindi nanggugulo sa kanya kaya naisip niya na siguro ay may ibang kinakasama na ito at iyon ang kasalukuyang nakukunsumi dito, gusto lang talaga niya ay piece of mind. Ni hindi nga alam nito na nakaalis na siya at kung malalaman man nito ay tiyak na tiyak niya na hindi na siya mahahabol pa nito. Sa totoo lang ay gustong gusto niya itong murahin dahil sa pagkakatanda niya noong huling nagkita sila ay hinihingan siya nito ng bente mil para daw sa kalayaan niya na hindi na siya guguluhin pa nito, wala talaga sa katinuan ang pag iisip. Nakaisip na lang siya ng alibi na sinabi niya na kung maaari ay hulug hulugan na lang niya. Ang ginawa niya ay nagbigay muna siya ng dalawang libo at sinabi niya nasa susunod na sweldo niya ay bibigyan niya muli ito na buti naman ay napapayag niya. Kaya nakapagdesisyon siya na lumipat agad ng matitirhan na hindi nito nalalaman. Ang ginawa naman nito ay nagpunta sa trabaho niya at hinahanap siya. Nakiusap na lang siya sa guard nang lapitan siya nito habang kumakain siya sa canteen na sabihin na isang buwan na siyang wala doon at lumipat na ng ibang trabaho. Sinabi niya kasi sa guwardiya na isang adik ang asawa niya kaya naawa naman ito at iyon nga ang sinabi nito kay Toby na nasa labas. Simula nuon ay hindi na siya natagpuan nito. At ngayon at sigurado siya na hinding hindi na talaga siya makikita nito kahit pa haluglugin pa nito ang buong Pilipinas. Parang kahit papaano ay natanggalan siya ng tinik sa kanyang lalamunan, dahil sa napakalayo na niya sa Pinas. Ang balak na lang niya ngayon ay pagbutihin ang pagtatrabaho doon at magtagal doon. Ibubuhos na lang niya ang kanyang panahon sa paghahanapbuhay ng tahimik at malayo sa lahat ng mga taong walang ginawa kundi ang saktan lang siya at bigyan ng sama ng loob. Mahirap man aminin pero parang hindi na tao ang tingin niya sa mga iyon, dahil sa lahat ng naipon na mga sakit na bumaon sa pinakamalalim na bahagi ng puso niya. Mahirap lumimot, mistula iyon na mga masasamang bangungot na patuloy na nagpaparamdam sa kanya gabi gabi na ayaw mawala sa kanyang gunita. Kung kailan iyon maghihilom ay wala siyang ideya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD