II.
BAKIT SYA GALIT KAY JEFFRI TRISNU? Ang rason nya……. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa ang pride nya dahil ito lang ang lalaking hindi nagbigay ng atensyon sa kanya noon sa kabila ng lantarang pagpapakita nya ng pagkagusto ditto.
Sa bawat lugar na puntahan nya noong nasa high school sya ay pinagkakaguluhan sya ng mga kalalakihan, a not-so-tall-not-so-skinny, may matangos na ilong, natural na mapupulang labi, with the most expressive eyes and beautiful face. Idagdag pa sa listahan and pagkakaroon nya ng sexy bod, all the proportions are in its right place, ika nga ng karamihan. Malimit ring naging ugat sya ng mga break-ups ng mga magkakasintahan. Wala syang sineryoso ng mga panahong iyon, para sa kanya ay parte lamang ng kanyang pagrerebelde sa ama dahil sa kawalan nito ng panahon sa kanya mula ng maulila sa ina. Mas naging workaholic ang ama at ipinaubaya na lamang siya sa pangangalaga ng mga kasambahay. At nang makita nya ang lalaking unang nagpatibok ng puso nya ay doon sya nakaramdam ng lungkot. Animo invisible sya sa harap ng binatilyo, kahit anong pagpapakyut nya noon ay balewala lamang ito sa lalaki. Tanging sinusunod nito ay si Don Crisanto. Bawat galaw nya ay nirereport nito sa matandang Fuentes.
“YANA, where have you been again?” galit na salubong ng ama.
“Why don’t you ask him?” pabalabag na sagot nya sa ama habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa binatilyong papasok pa lamang sa pinto bago dere-deretsong umakyat sa ikalawang palapag ng mansion.
“Yana!” sigaw ng ama ngunit hindi na ito binigyang pansin pa ng dalagita. “Jeff, hijo, pasensya ka na sa anak ko, ha?” pagsuko na ng don. “Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya, Mabuti na lamang at lagi kang nakaalalay sa kanya kahit lagi ka nyang sinisigawan at ipinapahiya.”
“No worries po tito. I’ll always take care of her po. Besides, I can handle her brattiness.” Pag-papakalma ng binatilyo. Ilang beses pa na palaging madaling araw kung umuwi ang dalagita na karay-karay ni Jeffri dahil lasing. Grounded sya ng isang buwan that time ngunit nakakatakas pa rin sya sa mata ng ama.
Isang araw ay muntik na syang magahasa ngunit maagap syang natulungan ni Jeffri. Doon ay isiniwalat nya sa binata ang pagkakagusto rito ngunit binalewala lamang nito. Mula noon ay isinumpa nyang hindi na nya ito bibigyan pa ng kahit katiting na pansin. Kaya naman ng makatapos sya ng high school ay nag-request sya sa ama na doon na lamang sa Amerika mag-aaral. Doon ay malaya nyang nagagawa ang lahat ng gusto dahil malayo na sya sa ama at sa bantay nyang walang modo. Every week ay iba-iba ang kanyang ka-date. At sa bawat date, she made sure na may picture sya kasama ng ka-date na animo sweet na sweet tingnan sa larawan. Puro pangit na balita ang nakakarating sa ama pati na rin mga pictures nya with different guys. At sinisiguro din nyang makikita lahat iyon ni Jeffri. Ang hindi nya alam ay naging dahilan iyon upang magkaroon ng sakit sa puso ang ama.
The truth is that she doesn’t need her inheritance. Oo nga at malaki ang mamanahin nya ngunit mayroon naman syang sariling negosyo sa Pittsburgh, Pennsylvania. Sa katunayan ay mayroon na nga syang itinayong branch sa New York at plano rin nyang palawakin pa ito either sa Los Angeles, California or sa St. Tropez, France.
Isa syang sikat na fashion designer ngunit hindi sya nagpapa-interview sa mga fashion magazines kahit malimit kasali ang kanyang mga designs. Mas komportable kasi syang nakatago ang identity pagdating sa kanyang business. She loves her privacy that much mula noong ipinatayo nya ang D’ CHRYSANTHEMUM’s on her third year in BBA (Bachelor in Business Administration) at the University of Pittsburgh.
All her designs are under the company’s name in all the advertisements when needed. Kaibigan at kasosyo nya sa negosyo ang kapatid ng isa sa may-ari ng sikat na fashion magazine, ang Harper’s BAZAAR. Kaya naman nirerespeto ang hiling nyang privacy.
Ngayong andito sya sa Pilipinas ay wala syang problema kahit iwanan nya ng matagal ang kompanya sa pangangalaga ng kaibigan. They trust each other and they both love the company.
Back to Brylle’s question kung bakit ayaw nyang pakasal kay Jeffri, ang tunay na dahilan, ay naapektuhan pa rin sya sa presensya ng lalaki habang wala pa rin syang epekto rito. Lagi na’y nagwawala ang kanyang puso sa tuwing naiisip nya ito, at tanging pagsusuplada na lamang ang natitira nyang sandata upang hindi nito malaman matagal na niyang iniingatan lihim na pagmamahal sa binata. It took her years to forget her first heartbreak, ngunit sa muling pagkikita nila ay muling bumangon ang damdaming matagal niyang ibinaon sa limot.
“Pumasok ka sa loob, Yana,” pukaw ni Brylle mula sa malalim nyang pag-iisip. “Kailangan mo ng lakas para sa kakaharapin mong bagong responsibilidad na matagal mo ring tinalikuran.” Dagdag pa nito.
Mahabang buntong-hininga ang isinagot nya dito. Ngunit imbes na tumayomula sa pagkakasalampak sa damuhan ay nahiga pa sya. Malumanay na ang kanyang tinig nang muling magsalita.
“Mauna ka na Brylle, gusto ko munang mapag-isa, please.”
“Okay, pero mangako ka na papasok ka na maya-maya dahil lumalamig na at baka lamigin ka at sipunin ka na naman. Uhugin ka pa naman kahit mahamugan lang ng konti.” Pang-aasar nito bago tumayo at pinagpagan ang pantalon nito.
Ngumiti sya kahit alam nyang hindi na ito maaaninag ng kausap. “Salamat.”
Pumikit na sya at hindi na muling umimik pa upang ipadama sa kaibigan na nais na niyang mapag-isa. Wala naman ng nagawa pa si Brylle kundi ang tuluyan ng lumabas mansion. Piping dasal nya na nawa ay maliwanagan ang kaibigan at hindi na sumpungin pa ng isanlibo’t isang katarayan para sa ikabubuti ng kompanya at ng buong sambahayan ng mga Fuentes, lalo na at doon rin titira si Jeffri.
Bago tuluyang lumabas ng gate ay bumalik siya sa tabi ng dalaga. “Aalis na ako, Yana. Iyong bilin ko kung ayaw mong gisingin ko ang buong angkan at kaladkarin ka papasok.” Aniya.
Naulinigan pa nya ang huling sinambit ng kababata ngunit hindi na lamang nya pinansin pa ito. Unti-unti siyang hinila ng antok at di na nya namalayan pa ang lalaking matamang nakatitig sa kanyang maamong mukha.