XXXII: Three Muskeeters

2372 Words

XXXII. Tatlong mahihinang katok ang nagpabalik sa ulirat ni Aryana. Mula kaninang pumanhik siya at pumasok sa kanyang silid ay hindi na siya bumaba para maiwasan pansamantala si Jefferson. Ngunit alam naman niya na wala siyang kawala kung sakaling gustuhin ng lalaki na makipag-usap ito sa kanya, naturalmente, nasa pamamahay siya nito. "Saglit!"  Isinuot niya ang bathrobe bago binuksan ang pintuang nagdudugtong sa silid nila ng binata. "May kailangan ka ba, Mr. Lee?" Tanong niya rito. "Maaari bang pumasok?" Imbes na sagutin siya ay tanong nito. Nag-atubili si Aryana kung papasukin o hindi ang binatang nasa harapan. Maliit lang kasi ang pagkaka-awang ng pintuan. "Paumanhin, alam kong wala akong karapatang manghimasok, pero pwede naman na siguro akong pumasok?" Pangungulit nito. "Baha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD