IX. Hindi na nagsalita si Aryana mula nang mangyari ang paghalik nya dito. Wala sa plano nya ang halikan ang asawa sa harap ng maraming tao ngunit hindi na nya napigilan ang sarili lalo na ng marinig nyang pupuntahan nito ang lalaking ka-live in nito sa America. Nasaktan sya ng labis ngunit nagsisisi pa rin sya sa inakto. "My princess, I'm so..." "I don't want to talk about it!" sabi nito at nagpatiuna ng tumayo. Nag-iwan na lamang ng dalawang libo sa lamesa si Jeffri at sumunod na sa asawang nagmamadali. "Damn!" mura nya sa sarili. Ngayon hindi na naman nya alam kung paano pakikitunguhan ang tanging babaeng nagpatibok ng kanyang puso at patuloy na nagpapabilis ng t***k nito. "I'm going back to the US tomorrow." walang emosyong sabi ni Aryana pagkapasok nila sa bahay. "That soon?" ma

