"Stacy Point Of View"
Nagising siya sa isang malaking kwarto kaya kahit nanlalabo pa ang mga mata Niya ay mabilis siyang bumangon para alamin kung nasaan siyang Lugar.
Nung medyo malinaw na Ang mga paningin Niya ay agad siyang nagtungo samay pinto at mabilis na binuksan para makatakas at makaalis.
Pero Hindi pa siya nakakaalis nung makasalubong Niya Ang mga lalaking nambugbog sa mga magulang Niya.
"Mabuti naman gising ka na miss beautiful hahaha inaantay ka na ni Boss sa baba" Alam niyang Wala siyang laban sa mga ito kaya taimtim nalang siyang sumunod sa mga ito halos mapangiwi din siya sa sobrang laki ng mansyon na nilalakaran nila Maya maya pa ay nakababa na sila sa may Sala at naabutan nila Ang lalaking nakatalikod na para bang may tinitingnan ito.
Hindi naman Niya napigilan Ang Hindi magalit dito dahil ito Ang may kasalanan kung bakit nabugbog Ang mga magulang Niya.
"Walangya ka napaka Sama mo!" Sigaw Niya at susugurin Sana Ang lalaking nakatalikod pero bago paman siya makalapit dito ay nahawakan na siya nang dalawang lalaki.
"Oops manahimik ka nga miss beautiful baka magalit si boss"
"Ang kapal naman ng mukha mo para*sob*ipabugbog Ang mga magulang ko*sniff*walangya ka!!"Agad na lumingon sa kanya Ang lalaki at halos magulat siya na makitang sobrang gwapo nito pero Hindi Niya pa din pinahalata iyon dahil galit siya sa lalaking ito.
"Hindi ba dapat ako Ang magalit! pinatay ng mga magulang mo Ang babaeng Mahal ko! kaya bilang kapalit ikaw Ang kukuhanin ko para magbayad sa kasalanan nila!!!" Halos manlaki ang mga mata Niya sa sobrang Gulat.
"Kaya sila naman Ang magdudusa para sa pagkawala ng anak nila! ikaw Ang kukunin ko tss!"Nang makabawi siya sa pagkagulat ay agad siyang nagsalita..
"Pero Wala akong kasalanan sayo! bakit kailangang madamay pa ako! hindi pa ba sapat sayo na pinabugbog mo sila!" Balik sigaw Niya dito saka Niya lang napansin na Wala na pala Ang dalawang lalaki na nasa tabi Niya kanina..
"Hindi saka lang ako magiging ayos kapag Nakita ko ng naghihirap Ang mga magulang mo at pati na rin ikaw!" Nakangiting Sagot ng Binata sa kanya dahilan para mas tumulo ang luha Niya..
Sino ba namang Hindi mapapaiyak? ni hindi nga siya tinuring na anak ng mag Asawa pero kahit ganon Mahal na mahal Niya pa din ang mga ito kahit paulit ulit na sinasabi ng mga ito na Hindi naman siya anak ng mga ito..
Magdudusa siya samantalang Ang mga tinuring niyang magulang Ang may kasalanan sa lahat pero kahit na ganon Wala siyang magagawa dahil nandito na siya at Wala na siyang magagawa pa don.
"Kung ganon hayaan mong ako Ang magbayad sa lahat ng utang nila basta wag mo na silang gagalawin"Mahinang sabi Niya sa lalaking kaharap Niya..
"Ako Ang masusunod Sating dalawa! Makakabalik ka na sa kwarto mo!" maya maya pa ay muling lumapit Ang dalawang lalaki saka inakay siya papunta sa kwartong pinanggalingan Niya kanina.
"Hindi niyo na ako kailangan hawakan kaya ko namang maglakad!" Inis na sabi Niya dito saka bumitaw sa mga hawak ng mga ito
"okay easy hahahah" Hindi na Niya pinansin pa ang lalaking medyo gwapo na pabiro pero Hindi maaalis na isa ito sa mga nambugbog sa mga magulang Niya..
*****
Hindi Niya alam kung ilang Oras na siyang umiiyak at nakatulala habang nakatitig samay kisame. Mahal na mahal Niya Ang mga tinuring niyang magulang kaya kahit ano pa ang ipagawa ng mga ito sa kanya ay balewala kaya nga kahit siya Ang maging kabayaran ng mga kasalanan ng mga ito ay ayos lang sa kanya dahil kahit papaano ay may utang na loob pa din siya sa mga ito dahil kinupkop siya ng mga ito.
Dahil sa pagod ay Hindi Niya namalayang nakatulog na pala ulit siya .
"Drake Point Of View"
Nang matapos sa ginagawa ay napatingin siya sa kanyang relo at alas otso na ng Gabi naalala din niyang hindi pa nababa Ang dalaga Mula kanina nung magkasagutan silang dalawa .
Mabilis naman niyang kinuha ang cellphone Niya at may tinawag at Maya maya pa ay dumating na Ang tinawagan Niya at may dalang pagkain. .
"Dalhin mo yan sa babaeng yun baka mamatay sa gutom Hindi ko gustong mamatay siya ng maaga dahil mas mahirap pa ang mga ipapagawa ko sa kanya" Cold niyang sabi sa lalaking kakarating lang.
"Siya ba talaga Ang pagbabayarin mo sa kasalanan ng mga magulang Niya? pero Wala siyang kasalanan Drake" Sagot ng kaibigan niyang si Curt
"Tss magdudusa sila dahil nasa akin Ang Kaisa isang anak nila tss pagkatapos mong dalhan ng pagkain Ang babaeng yun makakaalis ka na" Magsasalita pa Sana Ang kaibigan pero sinamaan na Niya ito ng tingin kaya Napabuntong hininga nalang ito at nagtungo sa kwarto ng dalaga .
Alam niyang Mali Ang ginawa niyang desisyon pero eto nalang Ang naisip niyang paraan para maiganti Ang babaeng Mahal Niya..
Mahal na mahal Niya si Keanna kaya nung malaman niyang patay na ito dahil sa nag Asawa ay halos gumuho Ang Mundo Niya..
Si Keanna lang ang babaeng nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na Hindi Niya naramdaman sa mga magulang Niya dahil Bata pa lang ay naulila na agad siya dahil sa mga gangster na pumatay na sa mga magulang Niya kaya ipinangako Niya na hahanapin Niya Ang pumatay sa mga magulang Niya hanggang sa dumating nga si Keanna Ang babaeng tumanggap sa kanya ng buo..
Pero agad din itong kinuha dahil sa mag Asawang walangya na pumatay kay Keanna kaya kahit Mali na Ang anak ng mga ito Ang kabayaran ay ayos lang sa kanya..
Bumalik lang siya sa katinuan nung magsalita ulit ang kaibigan Niya kaya agad Niya itong tinitigan .
"Aalis na ako" Paalam nito pero agad din Niya itong pinigilan..
"Kumain ba siya?" Mahinang tanong Niya dito dahilan para matahimik itong saglit pero sumagot din agad.
"Nung iniwan ko siya ayaw Niya talagang kumain pero naghintay ako saglit samay pinto at narinig kong kumain din naman siya siguro nagutom" Mahabang paliwanag ni Curt sa kanya
"Ganon ba hmm sige makakauwi ka na.." Tumango lang ang kaibigan saka umalis at naiwan naman siya kaya binalik nalang Niya Ang tingin sa ginagawa Niya..
***
A/n:Sana may magbasa salamat.. enjoy