Maude's POV
Tila tinakasan ako ng tino ng mapagsino ko ang taong nasa harap ko. He looks formal today goodness. He seems like someone who can tear you apart. Dang it.
"By the way Manolo, this is my daughter, Maude Galena, Elin, this is Manolo and his son, Jerome." Wika ni Papa ngunit nanatiling nakayuko ang aking ulo. Gosh!
"Ahm.. G-good evening sir." nauutal na wika ko. Di ko mawari kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon putek. Di ko alam kung mababadtrip ba ako kay Papa kasi feeling ko sinet-up niya ako o kung yuyuko nalang ako dahil sa taong kaharap ko ngayon. Takte namaaan!
"We're here tonight not just to have dinner but also to plan your upcoming wedding." Prangkang litanya ni Manolo na naging dahil ng deretso at matalim na tingin ko sa kanya.
"Sinong nagsabing pumayag ako?" Wika ko sa katamtamang tono pero rinig sa boses ko ang pagtataray. Habang si Papa naman ay pasikretong tinatabig ang aking paa na tila sinesenyasan akong tumigil.
"Well, nandito ka ngayon naka-upo at nakakausap na kasama namin so it means pumayag ka." Walang sense na sabi ni Jerome sa akin.
"So ikaw pumayag ka?" rekta at taas-kilay kong tugon sa kanya na ikinatikom naman niya "Well then, for your information hindi ito ang sinabi sa akin ng Tatay kong pupuntahan namin. Malay ko bang matapos pumunta ng sementeryo ay dito kami dederetso. Sana pala inalayan narin kita ng bulaklak pampatay punyeta ka." Pabulong kong sabi sa huling pangungusap ko ngunit ang titigan naming halos magpatayan ay di naputol hanggang sa nagsalita si Manolo.
"Enough." Mababang tinig na sabi ni Manolo sa pagitan naming dalawa.
"Sam naipaliwanag mo naman yata sa kanya ang mangyayare kung sakaling hindi matutuloy itong napag-usapan natin hindi ba?" Tila maotoridad na bigkas ni Manolo kay Papa. Habang si Papa naman ay tila tuta ma susunod sa trainor niya. Kairita ha.
"Sa totoo niyan ay hindi ko pa talaga naipapaliwanag sa kanya ng maigi." Mapagkumbabang wika ni Papa.
"Yeah, no wonder why you acted like that." Sabat naman ni Jerome sa usapan na pinatungkulan naman ako. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay.
"Bakit magkano ba utang ni Papa sa inyo at kailangang kasal ang kapalit ng punyetang iyan? Sampung milyon? At ikaw, bakit ka pumayag 'Sir Jerome'? Ha? Sunud-sunuran para makuha ang mana? Ano tayo dito? Teleserye?" Nanggigigil na wika ko while trying not to raise my voice.
"Would you mind if I talk and enlighten this lady alone?" Tila humihingi ng permiso sa dalawang lalaking kasama namin na ikinapagtaka ko naman.
"Bakit pa hindi natin dito pag-usapan. Bakit kailangang umalis tayong dalawa para mag-usap? Hindi ba't nag-uusap na tayo dito?" Pagmamatigas ko sa kanya habang nakataas ang aking kilay dahil naiirita na talaga ako sa damuhung 'to.
"So I think you won't mind." Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at saka hinila palabas. Gusto ko sanang maghisterikal ngunit nakakawala ng class. Mas maigi narin ang makausap ko itong unggoy na 'to ng kami lang para naman mamura ko 'to kahit konti lang.
"Ano ba punyeta masyadong mahigpit hawak mo!" Bulyaw ko sa kanya ng makarating kami sa may Parking Area ng restaurant.
Binitawan niya ang kamay at saka siya humarap sa akin na tila napapatid na ang pasensya sa mga binitawan kong salita kanina.
"Alam kong parehas tayong ayaw ng kasal na 'to pero pwede ba makiayon ka nalang!" Pigil na galit niyang salita sa akin na ikinataka ko kasi kung parehas naming ayaw bakit ba ako aayon. Tanga ba siya?
"Dre mag-isip ka nga! Kung parehas nating ayaw ng kasal na 'to bakit ako papayag! Pwede ba, konting utak naman oh!" Nabubwisit kong tugon naman katangahan niya.
"Ang tatay mo pwedeng makulong ng habang-buhay but lang 'yon may babayaran ka pang compensation so doble doble ang problema mo kung nagkataon. Isipin mo nalang parehas tayong magbebenefit sa sinasabi mong kalokohan na ito." Eksplanasyon niya sa akin. Yes, I know na reclusion perpetua talaga ang magiging hatol kay Papa dahil mahigit singkwenta milyon ang utang niya at ang mali doon ay nangako siyang babayaran niya iyon ngunit hindi siya tumupad sa tamang panahon ng pagbabayad, in fact, hindi talaga siya nakakapagbayad pa.
"Alam ko kung ano ang kasong pwede niyong isampa pero ang kasal bilang kapalit? Di naman yata patas yun!" Tila nauubusan na ng pag-asang sabi ko sa kanya. Why? Why marriage?
"Pumirma ang tatay mo na ang plantasyon niyo ang magiging kapalit ng utang niya kapag hindi niya nabayaran. Pero dahil ayaw niyang tuluyang mawala ang negosyo niyo ipinagkasunduan nilang dalawa ng tatay ko ikasal nalang ang panganay nilang mga anak. Since wala na ang kuya mo at kaya ikaw at ako ang minalas na ikakasal. So kung ayaw mong makulong at mamatay ang tatay mo, sumunod ka nalang sa agos ng kamalasan." Mahaba niyang sermon sa akin. Pero teka naman putek bakit may "mamatay" na word nanaman.
"Mamatay? What do you mean by that? Ipapapatay niyo Papa ko?!" Paratang ko sa kanya.
"Hindi kami maruming tao Miss Garcia. Hindi lang kami at bangko ang napgkautangan ng tatay mong sugarol." Napasandal siya bigla sa pader habang ang mga kamay ay nakapamulsa at saka mariing tumingin sa akin.
"What do you mean by that? Nagkautang si papa sa mga sindikato ganun? Anong pakulo yun?" Tila di naniniwalang sagot ko sa kanya.
"Saka mo maiintindihan. Sa ngayon umayon ka sa agos. Dahil pagkatapos ng kasal at kapag maayos na sitwasyon pwede tayong mag-annulment." Wika niya.
Hindi ako kumbinsido sa mga usapan namin. May syota to ih tapos papayag siya ng ganito. Nakakapagtaka naman tong unggoy na to.
Maglalakad na sana siya pabalik sa loob ng magsalita ako.
"Bakit ka pumayag sa ganito? Hindi ba't may girlfriend ka? Bakit di nalang yung asawahin mo tas mag yaya nalang ako sa inyo." Tila nampipikon kong wika sa kanya. Nasa business world ang pamilya niya kaya't di malabong maibalita sa tv o sa radyo ang mga ganitong information.
"Isa iyan sa dahilan ko para ituloy 'tong kasal." Naging madilim ang tingin niya sa akin na nagpaalala naman kung bakit nga ba ako kinakabahan kanina noong nakita ko siya.
Nagulat ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko na tila ba hinihipnotismo niya ang mga mata kong tumingin o magfocus sa kanya.
Shit na malagkit naman!
"Because of your carelessness and idiocy, hiniwalayan ako ni Angel! So let's say this is my way of revenge." At saka siya naglakad papasok ng restaurant.
Dang it. Akala ko pa naman di niya ako mamumukhaan nun. Takte naman sa dami ng pwedeng maipagkasundo kay Jerome pa talaga.
Flashback
Tapos na ang shift namin ngayon Friday kaya naman ay nagyaya ang mga kaworkmates ko na magchill muna since weekend na kaya naman ay sumama na rin ako sa kanila.
"Nice! First time nating nakasama si Elin mag chill out." Wika ni Rusty sa mga kasama namin matapos niyang makita na halos lahat kami ay nakapagpalit at handa na para lumakad.
"Matagal na naming nakakasama si Elin sa mga gimik noon. Simula nung nakapasok ka sa clinic, di na namin siya nakakasama. May balat ka yata sa pwet dre." Tugon naman ni Kuya Alex sa kanya.
"Hoy Rusty popormahan mo lang si Elin eh! Nako di ka uubra diyan. Maski sapakan labanan niya wala kang panama diyan eh HAHAHAHHA!" Pangaasar naman ni Kisha kay Rusty.
"Makapag-usap kayo parang wala ako dito ah!" Tila maangas kong wika sa kanila na ikinakamot ng ulo ni Rusty.
Bagong hire palang si Rusty sa clinic kaya't di ko pa siya masyadong nakakasama sa mga gimik. Ngunit hindi rin kaila sa team ang paghanga niya sa akin. Medyo vocal siyang tao pero animo'y makahiya na natiklop pag ako na ang nagsasalita.
Nasa isang club kaming anim sa may Tomas Morato. Apat na babae at dalawang lalaki. May nakasinding pula, asul, dilaw, at berdeng ilaw na animo'y sumayaw at sumasabay sa tugtugan.
Pinili namin ang table na nasa may pangatlong row simula sa may unahan, na pangalawang pwesto mula sa kanan. May kaingayan na rin ang lugar dahil alas nuebe na ng gabi at nagsisimula na ring dumami ang mga tao.
Nag-order sila ng isang Jose Cuervo Especial at mga slices ng lemon. Dadagdagan pa sana ni Rusty ang alak ngunit sinabi ni Kuya Alex na baka may biglang duty kami bukas kaya isang bote ng alak lamang muna ang uubusin namin. Nagpaorder na rin ako ng sisig at taco para kahit papaano ay may pulutan at kutkutin kami.
Mabilis ang naging ikot ng baso. Nakaka apat na shot palang kami pero ang ilan sa kasama namin ay tila nahihilo na.
Bandang alas dies y media ng halos maubos namin ang isang bote. Medyo mabilis dahil may kasamang kwentuhan at tawanan na iyon kahit hindi na kami magkarinigan.
Alas onse pasado ng magpaalam si Kuya Alex na mauuna na sa amin umuwi kaya naman nang makaalis si Kuya Alex ay nagdagdag agad ng tequila sila Kisha na akala mo'y hindi pa natatamaan sa ininom namin.
Mas rumami na ang tao sa loob ng bar mas maingay na rin dahil marami na ang mga lasing. Maging ako rin ay medyo tinatamaan na ng alak pero hindi ganoon kalala pa.
"Ma'am Elin, single ka po ba?" biglaang tanong sa akin ni Rusty na dahilan upag tapunan siya ng asaran ng mga kasama namin ang ilan naman ay hinahampas pa siya..
"Naka naman dumadamoves na ang kalawang HAHAHAHA!" pang-aasar ni ate Shane na ikinatawa ko dahil sa pagtawag niya ng kalawang kay Rusty.
"I'm not married yet so I think I'm single." Medyo pambabara ko sa kanya na ikinakamot naman niya ng kanyang batok.
"Mam yung seryosong sagot mam.'' sabi niya ng tila nahihiya at hindi kuntento sa aking isinagot sa kanya.
"I don't have a boyfriend if that's what you mean but I'm not into relationship right now.'' prangkang tugon ko naman sa kanya na kita ang panghihinayang sa kanyang mukha.
Agad naman umeksena ang ilan naming mga katrabaho upang maalis sa aming dalawa ni Rusty ang usapan.
"Let's play a game!" maligalig na sigaw Kisha sa amin. "I have an app on my phone na parang lucky wheel then we're gonna type our names there and then when someone's name pop-up on the screen he or she will choose its either body shot or dare.'' she continues her litanies whie smirking.
"Hoy ang corni girl." Sabi ni Yhel sa kanya..
"Gaga maangas yan." pangungumbinsi niya habang tinitipa ang bawat naming pangalan sa kanyang cellphone habang ang ngiti ay tila aabot na sa magkabila niyang pisngi.
"So, let's start!" wika ni KIsha at saka pinindot ang salitang 'Start' sa kanyang cellphone.