CHAPTER 4

2221 Words
CARY’S POV KINABUKASAN, hindi agad ako bumaba pagkagising ko. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama. Nakatitig sa salamin habang binu-bully ko ‘yong sarili ko. Kasi ilang taon akong namuhay sa New York na wala akong pake kung sino mang lalaki ang masaktan sa pagiging playgirl ko. Tapos sa isang gabi lang, sa isang random bar, sa isang lalaking hindi ko nga kilala, ang dahilan kung bakit isang buwan na akong nawawalan ng self-confidence. At matutuklasan ko pa na ninong ko siya? Nakakahiya! Bakit kasi sa dami ng lalaki sa mundo, siya pa talaga ang nakita ni Olga nang gabing iyon? “s**t, Carys,” bulong ko sa sarili ko. “You grew up in New York. You don’t get shy. You don’t do regret.” Pero muntikan pa ring umurong ang dila ko nang bumaba ako at nadatnan ko siya sa dining room. Nakaupo, nagkakape, naka-fitted na polo na bakat na bakat ‘yong mga braso niyang matipuno, at nagbabasa ng newspaper na parang wala lang ‘yong nangyari sa amin sa New York. Samantalang ako, halos isang buwan ko na iyong ikinakahiya at ikinagagalit. “Morning,” bati ko, at pinilit kong gawing casual ‘yong boses ko kahit halatang may inis pa rin. “Sleep well?” Napatingin siya sa akin. Mabilis lang. Casual lang din. Tapos balik agad sa binabasa niya na parang hindi ko siya hinalikan at hindi niya ako ni-reject. One month ago. “Morning,” sagot din niya. “Yeah. I did. You… get some rest?” “Me? I’m fine,” sabi ko at ngumisi ako habang nagtitimpla ng kape ko. “I bounce back fast. It’s a New York thing. You get rejected, you drink coffee, you pretend it didn’t happen.” Bounce back fast, huh? Kaya pala isang buwan ka nang naghahanap sa kaniya para bumawi? bully sa'kin ng isip ko. Tumigil siya sa pagbabasa. Pero hindi siya sumagot. Parang nakikiramdam lang sa bawat kilos ko. O sa susunod na sasabihin ko. “So, yeah, I’m good,” sabi ko uli kahit hindi siya nag-comment sa sarcasm ko. “Masarap ang tulog ko. Because I’m gonna need the energy. Especially since I have a tour guide today, sabi ni Lola. Ipapasyal mo raw ako sa mga lupain niya. Sounds… fun.” May diin ‘yong huling salita ko kasi inis na inis pa rin ako. Hindi dahil ayaw ko kay Ninong Emerson kundi dahil siya ‘yong unang lalaking tumanggi sa akin. Ako na sanay na lahat ng nilalapitan ko sa New York, bumibigay. Sanay ako na ako ang may kontrol sa mga lalaki. Napatingin siya sa akin. Sandali lang. “Good,” maikli niyang sagot. Tapos inubos na niya ang kape niya. Pagkatapos ng ilang segundo, saka siya nagsalita uli. “Kumain ka muna. Malawak ang iikutin natin mamaya." CARYS’ POV HINDI ang mamahaling sasakyan ni Ninong Emerson ang ginamit namin kundi ang lumang pickup ni Lola. Medyo maputik daw kasi umulan kagabi. Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe namin. Siya ang nagda-drive. Ako naman nakatingin lang sa labas ng bintana. Kunwari ine-enjoy ko ‘yong tanawin ng mga palayan, niyugan, at mga mais na pag-aari din daw ni Lola. Pero ang totoo, nakikinig ako sa bawat paghinga ni Ninong. Sa bawat pag-ikot niya sa manibela. Iniisip ko kung ano ba ang iniisip niya sa’kin ngayon pagkatapos niyang nalaman na ako ‘yong babaeng humalik sa kaniya sa bar. Ako na inaanak niya pala. “Ano'ng tingin mo sa San Benitez?” bigla niyang tanong. Pero hindi siya lumingon. “It’s… quiet,” sagot ko. “Too quiet for someone like me. I’m used to noise, to traffic, to people who don’t sleep. Dito, parang lahat natutulog na ng eight PM.” “Maybe that’s why you need it,” sabi niya. “Para makapaghinga ka naman at hindi puro ingay ang naririnig mo.” Napatawa ako nang bahagya. Pero ‘yong tawa ko na may tapang at may pait kahit parang wala naman siyang ibang ibig sabihin. It's just... I hate him! “Excuse me? I’m twenty-two. I built my life alone in New York after my parents died. I pay my own bills. Don’t act like I don’t know how to handle peace.” Doon siya lumingon saglit. Nakita ko ‘yong bahagyang pag-igting ng panga niya. “I wasn’t saying that,” depensa ni Ninong. “I’m saying maybe you deserve some peace.” Natahimik ako kasi hindi ko in-expect ‘yon. Hindi pala siya nangangaral. Concern lang siya sa’kin. At mas lalo akong nainis kasi hindi ko alam kung paano i-process ‘yon. Huminto kami sa isang malawak na bukid. Tapos naglakad kami sa pagitan ng mga palay na medyo maputik. At kahit naka-heels ako, hindi ako nagreklamo. Kasi ayokong magmukhang prinsesa sa harap niya. Ayokong isipin niya na mahina ako. Na magiging pabigat lang ako sa kaniya tulad ng ibang inaanak sa pangalawang magulang nila. “All of this,” sabi niya at inikot niya ‘yong kamay niya, “belonged to your Lola. And one day, maybe to you.” “Don’t,” putol ko agad. “Don’t treat me like a kid who needs a lesson about inheritance. I’m not here for that. I’m here for Lola. I have my own money in New York. I don’t need anything from anyone.” Napabuntong-hininga siya. “Fine. You don’t need anything.” Tumingin siya sa akin nang diretso. “Then why are you still mad at me? Akala ko ba kalimutan na natin 'yong nangyari sa New York?" “Who said I’m mad?” sabi ko at tinaas ko ‘yong chin ko. Bakit napunta na naman ang topic do'n? “I’m just… surprised. Na ‘yong lalaking hinalikan ko sa bar sa New York, tapos tinalikuran ako na parang wala lang, makikita ko uli dito sa gitna ng nowhere sa Pinas. At ninong ko pa! That’s a plot twist, don’t you think? Small world.” Kumunot ‘yong noo niya. “I walked away because it was wrong,” mariing paliwanag niya. “Because you were drunk. Because I didn’t know you. At sinabi ko naman sa’yo kagabi… masiyado kang bata para sa’kin.” “Ahh, so, ‘yon ‘yon,” sabi ko at tumango-tango ako na parang naliwanagan pero halatang sarcastic. Pinatunayan ko lang na hindi totoo ang sinabi ko kagabi na kalimutan na lang namin 'yon. “Bata. Got it.” Ngumisi ako. “Good to know. So, I’ll make sure to act my age. By doing whatever the hell I want. Like I did in New York.” Huminto siya sa paglalakad. Tumingin siya sa mga palayan bago tumingin sa akin. “Do whatever you want, Carys,” sabi niya. Mababa ‘yong boses pero may babala. “Just don’t do it here. Nandito ka sa poder ng lola mo. Wala ka sa New York. Lalo na ngayon na sa’kin ka niya ipinagkatiwala.” Ngumisi ako at sinalubong ko ‘yong tingin niya nang hindi man lang kumurap. “Relax. Hindi naman kita pinipilit na mag-babysit.” Naglakad ako papunta sa pilapil at sinipa-sipa ko ‘yong natitirang tuyong lupa na parang wala lang. “Besides, I’ve been taking care of myself since I was seventeen in New York. I think I can handle a month here without causing a scandal.” Lumingon ako sa kaniya at itinaas ko ‘yong isang kilay ko. “Unless ‘yon ang kinakatakot mo? Na baka makagawa ako ng eksena sa poder ni Lola at ikaw ang dahilan?” Pinagkrus ko ‘yong mga braso ko. “Don’t worry. I’m on my best behavior. For Lola. Not for you.” Hindi siya sumagot agad. Tinitigan lang niya ako, at kita ko kung paano humigpit ‘yong mga panga niya. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, huminga siya nang malalim. “Mabuti naman kung gano’n,” sabi niya sa wakas. Mahinahon pero walang emosyon. “Sana nga.” Humakbang siya at nauna na siyang naglakad sa pilapil, na hindi man lang ako nilingon. Tumingin siya sa malayo. “That’s the south field,” pag-iiba niya ng usapan. “It floods every rainy season.” Sumunod ako sa kaniya pero hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hindi ako interesado. At lalong hindi ko naman gets ‘yon. “Ang pagiging mas bata ko lang ba talaga ang dahilan kung bakit mo ako ni-reject nang gabing iyon, Ninong?” tanong ko ulit. Hindi kasi talaga ako satisfied sa explaination niya. My God! Sa panahon ngayon, uso na ang age gap. “Kasi kung ang problema mo lang ay masiyado akong bata sa’yo, eh ‘di sana, hindi mo ako tinalikuran. Sana kinausap mo ako nang maayos. Pero hindi, eh. You just walked away. Like… I was nothing!” Huminto siya pagkalayo ng dalawang hakbang pero nakatalikod pa rin siya sa akin. May binubulong siya na ayaw niyang iparinig sa'kin kaya lalo lang akong nairita. Dumidikit sa balat ko ang init ng araw. Pero mas mainit ‘yong tensyon sa pagitan naming dalawa. Pagkaraan ng ilang segundo na parang isang taon, nagsalita siya ulit at sa pagkakataong ‘to, humarap na siya sa’kin ulit. “Because if I didn’t stop it then, I would’ve done something I’d regret.” Pinisil niya ‘yong tulay ng ilong niya na parang pinipigilan ang sarili na sumabog, at napabuntong-hininga siya. “And I don’t make mistakes like that, Carys. Not anymore.” Napatigil ako. Not anymore? Ibig sabihin, ginawa na niya dati at pinagsisihan niya? Gusto kong magtanong. Pero hindi iyon lumabas sa bibig ko kasi ano ba ang pake ko kung nagkamali na siya noon? Kaya tumingin na lang ako sa malayo, sa ibang parte ng lupain. Sa may kalabaw na ngumunguya na parang nang-aasar pa. Pinilit kong maging matatag kahit na kumakabog ‘yong dibdib ko nang mahuli ko si Ninong Emerson na nakatitig pala sa’kin. “Wow,” sabi ko at inirapan ko ‘yong kalabaw na ngumunguya pa rin habang nakatingin sa akin. “Ang lalim naman ng pinagdadaanan mo, Ninong.” Tumingin ako sa kaniya nang isang segundo lang, sapat lang para makita ko ‘yong paniningkit ng mga mata niya. “Good for you. At least natututo ka sa mistakes mo. Ang mature.” Humakbang ako palayo at sumipol pa ako na parang wala lang. Lumingon ako saglit sa kaniya at ngumisi. “Sana all,” panggagaya ko sa expression na madalas kong marinig sa Pinay cleaner ko sa New York. Pero kahit naglalakad na ako, ramdam ko pa rin ‘yong tingin niya sa likod ko. At mas lalo akong humakbang nang mabilis para makalayo sa kaniya. CARYS’ POV PAG-UWI namin, sinalubong kami ni Lola Molly sa veranda na may dalang suman at kape. Umupo kaming tatlo sa rattan chairs. At habang nagkukuwento si Lola tungkol sa kabataan ni Mommy at ni Ninong, ako naman ay paminsan-minsang sumusulyap sa kaniya. Hindi na siya kasing stiff kanina. Minsan natatawa siya sa biro ni Lola. Sinasagot niya rin minsan ang mga tanong ko tungkol sa kabataan nila ni Mommy. Magkaklase pala sila since elementary. Taga-rito rin pala siya sa Pampanga pero sa ibang bayan naman. Maikli lang pero diretso ang bawat sagot ni Ninong sa mga tanong ko. Parang hindi lang kami nagkasagutan sa palayan kanina. At sa mga oras na ‘yon ay nakakalimutan ko saglit na may nangyari sa amin sa New York. Pero pagdating ng gabi, paghiga ko sa kama, bumabalik pa rin lahat. ‘Yong paghalik ko sa kaniya, ‘yong pagtalikod niya sa’kin. Ang malulutong na tawa ni Olga dahil lumalaos na raw ang beauty ko. Nanggigigil na naman ako sa inis sa tuwing naaalala ko kung paano ako pagtawanan ng kaibigan ko dahil lang kay Ninong. At eksaktong ayaw akong patulugin ng pride ko nang may tatlong mahihinang katok sa pinto ang narinig ko. Tumaas ang kilay ko nang pagbukas ko, mukha niya ang bumungad sa’kin. “Can I come in?” tanong niya mula sa labas. Kalmado ‘yong boses niya. Binuksan ko ‘yong pinto, pero hindi ko siya pinapasok. Nakatayo lang ako sa bungad. Naka-cross pa rin ang arms ko. Hindi para takpan ang manipis kong pantulog na bakat ang mga n*pple ko. Kundi para iparamdam kay ninong ang buong awra ko. “Don’t mess with me unless you mean it,” mataray na sabi ko. “Just checking if you’re okay,” sa halip ay mahinahon na sagot niya. Nakatayo siya sa hallway, isang kamay nasa bulsa. Pero nakita ko ang mabilis na pag-iwas niya ng tingin nang makita ang suot ko. Sa isip ko, natawa ako. Sa tanda niyang 'yan, hindi pa siya sanay makakita ng n*pple? O gano'n lang talaga kapag biyudo na? “Sorry kung napahiya kita that night. That wasn’t my intention. I just…” “Okay,” mabilis na sabi ko. Napahigpit ang pagkapit ko sa mga braso ko. Tapos ngumisi ako. “Kalimutan na natin ‘yon. And this time, seryoso na talaga ako. Ayaw ko nang pag-usapan pa ulit 'yon kapag nagkita tayo, Ninong." Tapos sinarado ko na ‘yong pinto bago pa siya makasagot. Sumandal ako sa pinto nang marinig ko ang papalayo niyang mga yabag. Napapikit ako. Kaya ko nga bang kalimutan ang nangyari? Nang gano'n gano'n lang? Paano naman ang pride ko? Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD