continuation

879 Words
Siya ang napapansing pinakamahusay, Wala siyang mintis sa pag-asinta at wala ring makatalo sa kanya sa isang labanan. Ito ay dahil ipinangako niya sa sariling hindi na masasaktan si Shine dahil sa kanya. Nawala sa isip ng kambal ang pagtakas sa lugar na iyon. Alam nilang hindi pa rin nila kaya, Bata pa sila at marami pang dapat matutunan, kaya nangako sila sa isa't isa na magsasanay pa at balang araw, aalis disila sa impyernong mundo na pinuwersa sa kanila at walang takot na tatalikod dito. Dahil sa araw na iyon,silang dalawa na ang pinakamagaling at wala nang makakatalo sa kanila. Ngunit nang sila ay maging labing-pitong taong gulang, dumating ang araw na higit na kinatatakutan ni. Shane. "Ipinapatawag kayo ni Papa," sabi ni Lanie. Anak to ni Uncle jim at pinsan nila. Kasalukuyan silang nagpapahinga ni Shine sa kanilang kuwarto nang pumasok ito. Nagkatinginan ang magkapatid. Masama ang kutob ni Shine sa mangyayari. "Sige, pupunta na kami," sagot ni Shane sa pinsan. Umalis na sila at pumunta sa opisina ng kanilang Pagpasok sa silid ay nakita nilang nakaupo ito nakapatong ang mga kamay sa mesa niya. "Shine, Shane, maupo kayo," utos sa kanila ng tiyuhin. Umupo sila sa dalawang upuan na tapat ng mesa. "Dalawang taon na rin simula nang dalhin ko kayo rito at natutuwa ako sa naging resulta ng inyong pagsasanay," pagsisimula nito. "Kung kaya't panahon na upang kayo ay bigyan na ng misyon. At dahil kayo ay ganap nang mga assassin, bibigyan ko kayo ng alias. Shane would be known as 'F' and Shine would be known as 'T." Oh, no! "Ano po ang magiging misyon namin?" Shane managed to ask him even though she felt sick to her stomach. Bago pa ito nagsimulang magsalita ay may ideya na siya kung ano ang ipapagawa nito. Isang bagay na alam niyang hindi niya kayang gawin. "Ang target ninyo ay si Governor Jonas Guevarra, sabi nito, sabay abot ng isang folder sa kanila na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kanilang target. "Pag-aralan ninyong mabuti ang impormasyom nariyan. Madali n'yo siyang mapapatay dahil wala siyang kaalam-alam na gusto siyang ipapatay ng mga kliyente natin." "Yes, Uncle." Tumayo na sila mula sa kinauupuan naglakad palabas. "Huwag ninyo akong bibiguin," paalala nito bago niya tuluyang maisara ang pinto. Mabibigat ang naging hakbang ni Shine papunta sa kanilang silid kasama ang kakambal. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Deep inside, alam niyang darating ang araw na ito. Ang araw na kailangan na niyang pumatay. Pagpasok sa kanilang kuwarto ay tuloy-tuloy siyang naupo sa kama niya. Nagulat pa siya nang magsalita si Shane. "Shine, ako na ang gagawa ng misyon." Napatingin siya rito. "Ano'ng sinasabi mo?" Naupo rin ito sa tabi niya. "Kambal tayo at o naniniwala ako na magkakonekta ang mga puso natin.Alam ko ang kinatatakutan mo." "Shane..." "Naalala mo ba n'ung hindi mo magawang patayin" yung baboy at naparusahan tayo?" tanong nito. Nanikip ang dibdib niya sa alaala. Tumango siya. "Yun din ang araw na ipinangako kong poprotektahan kita. Matagal ko nang pinaghahandaan ang araw na ito. Alam kong ito ang kahinaan mo,Shine." Hinawakan nito ang kamay niya. Madalas nito iyong ginagawa upang palakasin ang loob niya tulad at ngayon. "Kaya ako na ang gagawa." "Pero kailangang tayong dalawa ang gagawan. "Dalawa tayong pupunta pero isa lang ang kailangang pumatay sa target. Ako ang gagawa, Shine I want you to just watch my back. Ikaw my ang bahala sa lookout. Kapag may nakita kang paparating, kayangkaya mo silang patulugin. Ako naman sa target. Matatapos ang misyon at hindi ka papatay." "Pero, Shane-" Hindi siya nito pinagsalita. "Don't worry about me. Matagal ko nang desisyon ito." Nalungkot ang mga mata nito. "I couldn't protect our parents. Atleast, let me protect you. Will you let me do that?" Nangilid ang luha sa mga mata niya. "I'm so sorry. "Shh... shh..." Pinunasan nito ang mga mata niya... "Huwag ka nang mag-sorry. I want to do this for you. I love you." Niyakap niya ito. "I love you, too. Salamat. Thank you so much." For being my sister and for everything. "It will be our secret, simula ngayon, hanggang sa mga susunod nating misyon. Tandaan mo, walang ibang dapat makaalam." "Sigurado ka ba sa gusto mo, Shane? Hindi mo ito kailangang gawin. Somehow, alam kong kakayanin ko ring gawin 'yon." Umiling ang babae. "Hindi. Buo na ang pasya ko. nagyakapan I won't let your hands be bloodied. I'll take care of you,little sister. Ako ang panganay, hindi ba?" Lagi nitong sinasabi iyon at nagi-guilty si Shine dahil pakiramdam niya ay siya ang dahilan ng mga paghihirap nito. "Hindi ka ba magagalit sa 'kin,Shane? Ayokong mawala ka sa 'kin dahil sobra ang pagsasakripisyo mo para sa 'kin." Inalis ng kakambal ang pangamba sa puso niya. "Hindi ako magagalit sa 'yo. Busilak ang puso mo, ng mga Shine, and I want to keep it that way. Kaya 'wag kang mag-sorry at lalong huwag kang ma-guilty. You're not my burden. You're my happiness. mahal kita Kaya ito ang pasya ko. sorry. Malalagpasan natin ang lahat, hindi ba?" Ngumiti ito sa kanya. At sa kabila ng mga napag-usapan nila, her sister's smile always made her smile. masyadong mahal ni Shane ang kanyang kapatid, ito rin ang dahilan kung bakit niya ito gustong gawin. "Nang magkasama." Muli silang nagyakapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD