I

441 Words
*** Sissyyyyy! Ayan nanaman po! Napaka ingay talaga ng babaeng to. Ekeshe sesh nekete ke se kresssssh!--- Sashna "Potek ka! Ayusin mo nga!" "Nakita ko nga si crush!". Kinikilig kilig pang sabi ni sashna. "O eh sino sa mga crush mo?" "Hay nako syempre si Ely sino paba!?" "Alam mo sash sa dinami mong crush di ko na alam kung sino sa kanila" jusko po itong babae na to napakaraming crush. Minsan di ko na alam kung sino sa kanila yung sinasabi eh. "Halika na nga nag kaklase na si Ma'am Social Studies habulin nanaman tayo ng kurot non" aya nya saakin. Pag pasok namin ng room ayan nanaman po kinakabahan nanaman ako. Wooooh! Kalma self! "San kayo galing? Kanina pa kayo hinahanap ni maam". Langya bat ba ako kinakausap neto? "Ah jan lang sa canteen naaya ni sash eh, inabsent na ba ako?" Kinakabahan ko pang tanong. Katakot kaya si Ma'am "Dont worry i got you". Bwisit feeling gwapo! Pwede bang manakal ng ex? Oo may ex ako sa room si kerby. Puppy love lang yon noon. Nothing serious. Di rin ako bitter wala lang talaga ako sa mood. Mood swing maybe. Pero close talaga kami neto. Nasa kasarapan ako ng upo eh nung pumasok si Ma'am Juliet, Chemistry teacher namin. Sabay ba naman patayuin kaming lahat ay nako talaga. Seating arrangement nanaman to. Nakatulala lang ako hanggang sa marinig ko na yung palapit kong apelido. "Ramirez - Reclos - Revamonte" "Rodriguez - Roxas - Santiago" Ano daw? Ay wait dun ako. Pag kaupong pagkaupo ko dinaldal agad ako ng katabi ko. Vibes ko naman tong mga to kasi nga hello third grading na po at ganto lang talaga si maam every grading nag iiba yung upuan. "Class answer this please, we have an emergency meeting, i'll be back". Dali daling lumabas si maam. "Aika paano yung gagawin dito? Nag Cr ako nung tinuro ni Ma'am eh". So ano pa nga ba? Tinuruan ko, akala ko nag sasagot na sa sarili nya pag lingon ko kay Miguel ganda ng kopya sakin. "Hehehe, galing mo jan hahaha". Ay bwisit to sana sinabi nya nalang pakopya na sayang pa laway ko. "Bat di mo kaya subukan magsagot sa sarili mo para alam mo kung pano". Sabi ko kay Miguel "Eh nakakatamad hahaha, tsaka nanjan ka naman eh". Ay tinamaan ng lintek! So pag wala sila sashna eto mang bubulabog sakin? "Ganto nalang Mr. Miguel Rodriguez, mag pustahan tayo, may dalawang grading pa at kung sinong ang makakakuha ng mataas na grade sya yung ililibre". Naghahamon kong sabi "O sige, sabi mo yan ah pero pakopya muna ngayon, hahahaha". Masisiraan ata ako ng katinuan dito buong grading period.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD