Chapter 5

1231 Words
Malakas na itinulak ko ang pinto ng kwarto ni Papa dahilan para lumikha iyon ng ingay at sabay silang mapatingin sa akin. “X...” naiiyak na saad ni Mama. Napailing naman ang ama ko nang makita niya ang reaksyon ng ina ko. Para bang nagpapakampi siya sa akin. “Why don't you just leave us?” tanong ko habang nakatingin sa ama ko. “You keep on fighting, aren't you tired? Nakakasawa na. Kailan ba matatapos? Ano bang nangyari? Hindi naman tayo ganito dati hindi ba? Pa, bakit? Hindi pa ba kami sapat para humanap ka ng iba?” puno ng panunumbat na tanong ko sa kaniya. “Will you just leave us? Baka kapag umalis ka matahimik na tayong lahat.” Gusto ko silang hayaan palaging mag-away. Pero bakit si mama iyong kailangang magmakaawa palagti para mag-stay ang ama ko gayong si papa naman ang may kasalanan? Bakit kailangang si mama ang makiusap sa kaniya gayong siya ang biktima. “Kapag iniwan ko ba ang mama, sasama ka sa akin?” tanong ni Papa. Mapait na napangiti ako sa kaniya. Masakit na makitang maghiwalay na silang dalawa pero ayaw ko naman na magsama sila tapos hindi naman na sila nagkakasundo. Pero iiwan pala talaga niya si Mama. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pa niya akong isama? Matanda na ako, tinatanong na nga niya ako kung kailan ko balak mag-asawa pero kung makatanong siya na kung sasama ba ako sa kaniya para bang bata pa ako na hindi kayang mabuhay na wala siya. Higit sa lahat hindi ko iiwan ang ina ko. “Arnold, tumigil ka! Hindi ka aalis. You will stay here, walang aalis sa pamamahay na ito,” mariing saad ni Mama. “Sige na, X. May pupuntahan ka pa hindi ba? Huwag mo na lang kaming pansinin ng papa mo. We will just talk. Go,” pagtataboy sa akin ng ina ko. Wala na akong nagawa kundi iwan silang dalawa. Hindi ko sila maintindihan. Hindi ko ma-gets kung bakit ayaw pakawalan ng ina ko ang ama ko. Bakit pilit niyang pinagsisiksikan ang sarili sa isang tao na hindi naman na siya mahal? Suko na ako sa pagiging tanga ng ina ko. Mas pinili ko na lang na maligo at maghanda para pumunta sa trabaho ko. Kaya minsan nakakatamad umuwi ng bahay, dahil kay mama at papa. Hindi ko masisi si Xander kung bakit umalis agad siya ng bahay noong magkaroon siya ng chance. Ready na akong umalis. Kinuha ko na ang susi ko at lumabas na ako ng kwarto nang makasalubong ko si Mama. “Pwede ba tayong mag-usap muna sandali?” tanong niya at kahit hindi pa ako sumasagot ay nagtungo na siya sa may terrace kaya sumunod ako sa kaniya. “Pasensya ka na kung palagi mo kaming nakikitang nag-aaway ng ama mo. Pero sana hayaan mo na lang kami. Ayaw kong madamay ka pa sa away namin ng ama mo. Kaya X, pagpasensyahan mo na si Mama, ha? Hindi ko gustong makita mo kaming ganoon ng papa mo, alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari kaya sorry.” “Bakit hindi n'yo na lang siya pakawalan?” “Anak... mahal ko ang papa mo. Alam kong katangahan ang ginagawa ko, pero sana maintindihan mo. Kapag nagmahal ka na—” “Kapag nagmahal ako, magtitira ako para sa sarili ko, Ma. Hindi ako magpapakatanga para sa isang lalaking hindi naman ako kayang mahalin hanggang sa dulo,” putol ko sa sasabihin niya. “Mom, sometimes we should when to hold on and to let go. Kasi may mga bagay na kapag pinilit natin, mas masasaktan lang tayo.” Ang dami ko nang payo sa kaniya pero wala naman siyang pinakikinggan kahit isa. “No, magkakabati pa kami ng papa mo. Magiging maayos pa ang pamilya natin. Magtiwala ka kay Mama.” Minsan naaawa ako kay Mama, minsan naiinis na ako sa kaniya. Malungkot na ngumiti siya sa akin. Parang mukha siya palaging kawawa, pero sa ginagawa niya naiinis na ako. Sobra na. Sobra na ang katangahan niya, parang hindi ko na kinakaya pa. Iniwan ko na lang siya. Nauumay na akong makinig sa kaniya. Ano bang meron kay Papa at hindi niya magawang iwan. Kahit naman maghiwalay silang dalawa, kaya naman niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Palabas ako ng bahay ay nakita ko kotse ng ama ko na muling umaalis. Gabi na, pero umalis ulit siya. Mabilis akong sumakay ng kotse ko at sinundan siya. Tumawag na naman ba ang babae niya kaya nagmamadali siyang umalis? Kauuwi pa lang niya pero parang hindi nag-iinit ang pwet niya sa pamamahay namin. Sinundan ko ang sasakyan niya. Gusto kong mahuli sa aktong may ibang babae ang ama ko. Lagi kasing babae sinasabi ni Mama na may ibang babae si Papa, iyon ang alam kong dahilan kaya madalas silang mag-away pero hindi ko pa talaga nakikita si papa kasama ang kabit niya. Kaya ngayon, gusto ko siyang mahuli sa akto. Gusto kong makilala ang babaeng dahilan kinalolokohan ng ama ko. Ang dahilan ng pagkawasak ng pamilya ko. Mabilis ang pagpapatakbo ni Papa pero sinugurado kong hindi siya mawawala sa paningin ko. Pumasok siya sa isang subdivision. Bumilis ang t***k ng puso ko. Medyo nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa steering wheel. Hinarang pa ako ng guard dahil wala akong ticket sa kotse ko para makapasok ako pero ibaba ko ang bintana at makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Hindi ito ang unang beses na pumasok ako sa Land Ville Subdivision. Maraming beses na akong nakapunta dito kaya maaring pamilyar na ako sa naka-duty na guard. Kinuha lang niya ang ID ko gaya ng sa protocol bago ako pinapasok. Dito ang bahay nina Yohan. Madalas na pumupunta ako dati kay Tita Yonna kasama si Mama kaya alam ko ang lugar na ito. Pero anong ginagawa ni Papa rito? Dito rin ba nakatira ang kabit niya? Nawala sa paningin ko ang sasakyan ni papa, kaya binagalan ko takbo ko para hanapin ang kotse niya. Didiretso na sana ako sa may court malapit sa may playground nang makita ko ang sasakyan ng ama ko sa dulo sa may pagliko sa kanan. Napahinto ako at tinataw ang sasakyan niya. Gumalaw ang panga ko at umusbong ang galit na nararamdaman ko. Ibig sabihin may pinuntahan talaga siya. Hindi ako eskandalosa pero sa pagkakataong ito, parang gusto kong magwala. Handa na akong lumapit sa sasakyan niya nang mapahinto ako. Napagtanto ko kung kaninong bahay nakatigil ang sasakyan ng ama ko. Kasabay noon ay nakangiting lumabas si Papa, kasama niya ang isang matangkad na babae. Pinagbuksan ito ng ama ko ng pinto ng kotse para makasakay ito bago umikot si Papa papunta sa driver's seat. Habang ako naman ay nanigas lang sa loob ng kotse. Hindi makapaniwala sa kakikita ko. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Dahil sa galit at gulat na nararamdaman ko ngayon. Dumoble iyong sakit na nararamdaman ko. Gusto ko silang sugurin pero hindi ako makagalaw. Parang may pumipiga sa puso ko at nahihirapan akong huminga. Parang ang hirap paniwalaan. Ayaw kong paniwalaan pero kitang-kita ng dalawang mata ko. Sana pala hindi ko na lang nalaman kung sino ang kabit ni Papa. Sana hindi ko na lang siya sinundan. Sana hindi ko na lang inalam. I saw my father's mistress. But why her? Sa dami ng babae sa mundo, bakit siya pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD