XANTINA Pababa ako ng hagdan ng dumating si Mama. Pupunta sana ako sa kusina dahil nauuhaw ako. Tumingin siya sa akin. “Anong meron? Hindi ka yata umalis ngayon ng bahay?” nagtatakang tanong niya sa akin. Siguro dahul sanay siya na tuwing gabi ay umaalis ako dahil sa klase ng negosyo na meron ako. “Tinatamad akong lumabas,” simpleng sagot ko. Kahit hindi naman ako pumunta sa Freedom, may mga tauhan naman ako doon na maasahan ko. Tumango siya pero napansin ko na parang nakakainom yata siya. “Kayo, saan kayo galing?” Alas nuwebe na ng gabi at hindi naman niya ugali ang umuwi ng late. Madalas nga ay nasa bahay lang siya maliban na lang kung may party o dinner siyang pupuntahan. Madalang din siyang dumalaw sa mga salon na pagmamay-ari niya. “Kailan ka pa natutong magtanong sa mga lak

