XANTINA Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at mabilis akong napabangon ng makita ko si Yohan. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, hindi ito ang kwartong tinutuluyan ko. Saka ko lang naalala ang nangyari kagabi. Sinundo niya ako pero dito ako nakatulog sa condo niya. We kissed. Walang nangyari. Magkatabi lang kaming natulog na dalawa. “Good morning,” nakangiting bati niya sa akin. Nakabihis na siya ngayon. Halatang papasok na siya sa trabaho kaya napatingin ako sa orasang nasa may side table. Almost eight na. “Good morning,” ani ko. Mabilis na akong bumangon. Nakasuot lang ako ng osang white long sleeves niya. Ito ang sinuot ko kagabi bago ako matulog. “I already cooked your breakfast, don't forget to eat.” Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Hahalikan pa

