THIRD PERSON POV Makalipas ang mahigit isang taon…. “Xander, bilisan mo!” sigaw ni Nimfa sa anak niyang nasa taas pa. Agad namang bumaba si Xander. Naka-casual attire lang siya ngayon. “Ang bagal mong kumilos. Sabi ko naman sa iyo, agapan mo ang gising dahil dadalaw tayo sa ate mo,” pagsesermon ni Nimfa sa anak. “How about dad?” tanong ni Xander sa ina niya habang palabas na sila ng bahay. Hindi na niya pinansin ang sermon ng ina. “Papunta na rin daw siya. Magkita na lang tayo doon,” sagot ni Nimfa sa anak. Tumango naman si Xander bago naunang lumabas ng bahay. Isang taon na ang nakakaraan. Maayos nang naghiwalay ang mga magulang nila pero mas naging maayos ang takbo ng buhay nila. Nagkabati na sina Nimfa at Arnold, pero mas pinili na nilang maghiwalay ng maayos at maging magkaibiga

