Saktong pagtingin ko sa orasan ay 6:30 p.m na. Hindi ko na namalayan ang oras. Itinuon ko lang ang atensyon sa mga paper works buong magdamag. Buong araw akong lumagi sa kwarto ko at mas minabuting trabahuin na lang ang mga papeles sa kompanya kaysa naman sa wala akong gagawin kundi ang tumunganga at tingnan kung gaano sila kasaya. I sighed at the thought that I needed to go downstairs para sa business party ngayong 7:00 ng gabi. Hindi pa lang nagsisimula ang kasiyahan ay gusto ko nang matapos agad ang gabing ito. Nakaupo pa rin ako sa kama. Kakatapos ko lang maligo pero wala akong planong suotin ang damit na nakaratay at inihanda nila para sa susuotin ko. Balak kong titigan lang ito magdamag. Ayokong lumabas mula rito sa kwarto ko. Ayokong masaktan na naman ako sa makikita ko. Hindi ak

