Epilogue

1583 Words

Nagising ako dahil sa nararamdaman ko na ang sinag ng araw na dumampi sa aking balat. Randam ko rin yung paghaplos ng maliliit na kamay ni Vin sa mukha ko. Pinaglaruan pa niya yung bawat parte ng aking mukha. Pilit niyang ipinabubuka yung mga nakapikit ko pang mata. Ilang ulit niya ring pinisil yung ilong ko. Akmang napangiti ako sa ginagawa niya pero nakapikit pa rin ako. Naramdaman ko ang pagtayo niya sa kama. Pangilang beses siyang tumalon-talon don para gisingin lamang ako. "Mommy! Mommy!" sumigaw na talaga siya. Sinubukan niya pang hilain ang aking kamay para bumangon ako pero di niya kaya yung bigat ko. "Wake up mommy!" At his third attempt of waking me up ay doon na ako dumilat. Ngumiti ako sa anghel na bumungad sa harapan ko. Isang anghel na kamukha ng lalaking mahal ko. "Mommy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD