Nakatatlong music na nung iniwan ko si Vincent dahil mukhang nag-eenjoy na siya sa iba. Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong sumayaw lang kami. Of course it's not just that. Ilang beses rin kaming nag-make out. We were safe dahil masyadong madilim sa loob. Hindi rin namin alintana yung mga nakatingin sa amin dahil wala lang yun sa kanila. I'm already tipsy kaya pumunta muna ako sa C.R. Marami akong nakabangga dahil sa lakad kong pagewang-gewang na dulot sa sakit ng aking ulo. Maging ang paningin ko ay unti-unti na rin nanlalabo. Maya-maya pa ay lumabas na ako. Halos gusto nang sumirado yung talukip ng mata ko. Pupunta pa lang ako ng Dance stage nang may humablot sa bewang ko. Wala na akong labanan kung sino man yun dahil sa wala na rin akong lakas. Hindi ko na makita yung mukha

