"What now Vince?" Bungad ko sa kanya pagkapasok ko pa lang sa office niya habang siya naman ay prenteng-prenteng nakaupo. It's my first day in my job pero kanina pa ako pabalik balik sa opisina niya kasi andaming inuutos. Ewan ko ba kung secretary nga ba ang posisyon ko or what? "Missed me?" Walang pagdadalawang isip pa, kinuha ko yung sapatos na suot ko saka siya binato buti di siya natamaan. Pasalamat na lang siya at magaling siyang umilag. Paanong hindi ka maiinis kung sa dinamidami mong inaasikasong papeles bigla kang papupuntahin sa opisina niya tapos itatanong lang kung namiss ko siya? Ilang minuto pa lang yung nakalipas nung nagkita kami kanina tapos itatanong niya yun? Ganun na ba siya kadesperadong bwesitin yung buhay ko? Naku! Kung hindi lang siya ang ama ng anak ko edi sana ma

