Chapter 2: Reminiscing the Past

2056 Words
Chapter 2: Remembering the Past Maagang nagising si Niko dahil sa ingay ng kusina niya at agad naman siyang bumangon para tignan kung sino ang andun. Agad naman nakita niya ang isang babae na nagluluto ng almusal na kahit umagang umaga ay sobrang ayos nito. Naka sports wear pa ito halatang galing pa ito ng exercise. Agad naman lumingon ang babae at nakita siyang papalapit ito sa kanya at ito ay si Erika. “Why you wake up so late it’s already 10AM now?” Tanong ng babae na ngayon ay nag lalagay na nang mga pinggan kutsara’t tinidor sa mesa. Agad naman naupo si Niko. “My body was still aching my love” Niko answered as he was drinking his coffee. Naupo naman agad si Erika at naglagay na ng pagkain sa pinggan niya. “ You know what Niko, you should quit now with that basketball it’s not good for you. I mean look at you now, you have injury and you should have to rest that for how many months? 2 months? 3 months? Like mag model kana lang kaya or mag artista I guess madali nalang yun sayo kasi you’re already popular. Try something new na hindi yung ganyan ipapahamak mo katawan mo.” “Are you done?“ tanong naman ni Niko na hindi man lang tinignan si Erika na parang walang ganang makinig. “Niko are you really listening to me? It’s not for my own good, it’s yours iniisip ko lang kung saan ka nababagay. Kung hindi kaman maging successful sa pag aartista but atleast you’ve tried. You already proven that you are really good in basketball. I think that’s already enough. Hindi ka masaya sa basketball I can see and feel that. Hindi naman ako tanga Niko not to noticed it.” Parang tutulo na ang luha ni Erika sa pagkakataon iyon. “ yeah I’m not happy because I know you don’t really support me. You just support me just for a show and that’s how fucki** sad. Kailangan ko pang magsinungaling sa sarili ko para lang masabi ng mga tao na we are perfect couple, that we are really supporting each other. I’m sad yes but that doesn’t mean I don’t want this. I want this basketball kahit pa nung di pa kita kilala.” Niko still being calm saying all of this. After a minute of silent tumayo na si Niko at agad naman nagsalita ulit ng nakatalikod na siya kay Erika na ngayon ay nakatitig lang sa pagkain niya. “What do you really want Erika? You want me to quit the basketball?” “Yes” Erika answered directly without thinking of it. “Why?” Niko still standing at hinarap ulit si Erika “Because I just want your best. I just want that you’re always safe. Malayo na ang narating mo sa pagiging basketball player and I’m proud of you with that. Just try something new if it didn’t work out you still have the fall back your business.“ pagpapaliwanag ni Erika na ngayon ay nakatayo na at lumapit kay Niko. “Okay!” One word but that’s enough for Niko to decide. Agad naman naglakad si Niko papunta sa room niya at bago pa siya makarating sa may pintuan ay agad niyang nilingon si Erika. “Paki lock nalang ng pinto pag alis mo cause I still want to take a rest for a bit and about the party later I will just call you by 5PM if I go cause I’m still not in mood right now to go out.” Nang makapasok na sa room si Niko ay agad naman lumabas si Erika na malungkot ang mukha. Nasa room lang si Niko and he just on his phone, scrolling his f*******: then he accidentally saw Francesca on his news feed she was on the page of the bar he just followed. She seems so happy looking on this candid shot with a guy looking at her na napakasaya nila. Na alala niya bigla nung nakaraang isang linggo ay nakita niya ito at mas gumanda lalo pero nanatili parin pagiging simple. Gusto niya itong lapitan pero nakita niya na may kasama itong lalaki at itong lalaki rin ang lalaking nasa picture na nakikita niya ngayon. Sa isip ni Niko ay napakalaking tanga niya ay sobrang pagsisi talaga niya nuon ng hiwalayan niya si Francesca. Sa isipan ni Niko binalikan niya ang nakaraan niya 7 years ago.... Nasa canteen nuon sila Niko at ang kanyang mga kaibigan na sina Kyle, Emir, Anton, Jeff and Noah ng mahagip ng tingin ni Niko ang isang babae na anim na buwan na niyang sinusulyapan. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makalapit nito. Pero alam niya sa sarili niya na interesado siya sa babae at naghihintay lang siya ng tamang oras. Ang babaeng yun ay si Francesca na isang transferee sa Unibersidad nila galing Cebu. “Oyy!! Sigaw ni Kyle kay Niko na ngayon ay malayo ang tanaw. “Dude are you listening to us or are you with us? Parang ang lalim ng iniisip mo.” Pagsasabi ni Kyle kay Niko “Okay sorry, saan nga ba tayo? I mean ano naba napag-uusapan natin?” Pagpapaumanhin ni Niko na ngayon ay agad naman binalik ang katinuan sa mga kaibigan niya. “ May problema kaba Nikz?” Pagtatanong ni Emir na kaibigan din ni Niko “ ahh wala naman” sagot ni Niko Agad naman nilang binalik ang usapan nila na mag night out this weekend at hindi pa rin maalis sa isip ni Niko yung babaeng transferee. Agad naman humiwalay si Niko sa mga kaibigan dahil minsan ayaw niya din talaga sumama sa mga ito sa kadahi-lanan na puro ito anak ng mayaman at alam niya sa sarili niya na mayaman din sila pero ayaw niyang isipin iyon ng mga tao. Naging kaibigan lamang niya ang mga ito dahil kay Kyle. Si Kyle lang kasi ang friend niya since kindergarten. At nakita nga ni Niko ang babaeng transferee na nasa likod ng building kung saan may mga malaking puno ito at may mga mesa at upuan. Wala itong gaanong tao dahil may class na yung karamihan. Naglakas loob ng lumapit si Niko sa babae na ngayon ay nakaupo sa isang mesa at nagsusulat. Sakto din na yun nalang kabilang inuupuan ni Francesca ang hindi pa occupied kaya may rason si Niko para duon umupo. “Hi.. pede ba makaupo dito?” Pagpapaalam ni Niko “Okay” sagot ni Francesca na hindi man lang binigyan tingin si Niko patuloy lamang ito sa pagsusulat. Agad naman umupo si Niko at tinignan lamang si Francesca na busy parin sa pagsusulat natigil lamang siya ng maramdaman niya na may nakatitig sa kanya. Agad naman niya tinignan ang isang lalaki na sobrang gwapo at kilala niya ito dahil kay Dennise na friend niya from Cebu. “Ahmm is there something wrong? I mean why you’re staring at me?” Francesca feel ashamed while she was asking him “Ahm no! there is nothing wrong I just want to a...sk, I mean I want to make a conversation with you” Niko said it while smiling “Okay?” Pagaalinlangan na sagot ni Francesca “ Okay! Ahm are you a friend of Dennise right?” tanong ni Niko “Yes she is my only friend here in Manila” sagot naman Francesca na ngayon ay huminto na sa pagsusulat “A I see, I know Dennise since Grade School because she is my classmate back then” Niko trying to explain “I know because she told me that” Francesca said it hurriedly “Oh so you already know me?” Pagtatakang tanong ni Niko. “Yes ug pede mag bisaya ta?”laugh a little bit while saying it. “Hahaha o uy, bisaya man d ai ta parehas”At bigla nalang sila nagtawanan ng sabay. Sa loob ng isang oras na pag-uusap nila alam ni Niko na nakuha na niya ang loob ng babae at ngayon ang iisipin nalang niya ay paano kukunin ang number nito. “Ahm pede naa koy pangutana? It’s not that too personal” “Yes” sagot ni Francesca “Ngano wa Kay friends kaayo diri? 6 months are long enough naman guru para naa kay ma build na friendship”Parang nagsisisi tuloy si Niko ng maitanong niya ito kay Francesca na ngayon ay parang naging seryoso na yung mukha. “ yeah, di man gud ko friendly and beside naa si Dennise and she was enough for me. Ang mga tao diri si school kay mga datu which I am not. Kahibaw ba ka, I’m ashamed sometimes because mostly of my classmates are having this branded things pero ako unsa ra? Branded lagi pero ukay-ukay ra.”After Francesca said this words she just smile. At hindi nga nagkamali si Niko she was really different from the other girls. “Ayy naku kailangan kuna pumasok sa next class ko. Sige mauna na ako” pagpapaalam ni Francesca na ngayon ay dali-daling nilagay sa bag niya ang mga gamit niya. At agad naman siya naglakad patungo sa loob ng University. Bigla nlang naalala ni Niko na hindi pa niya nakuha full name nito. Pero napangiti na lamang ito dahil may plano itong iba. Kinagabihan ay agad nag-open ng f*******: si Niko at nag search siya kay Dennise, good thing is that they are already friend at makikita niya agad hinahanap niya. Sa pag scroll nga ni Niko sa Timeline ng sss ni Dennise ay nakita niya agad ang hinahanap niya at good thing naka tagged ito and her name was Francesca Jimenez. Agad naman nag-add friend si Niko at nag message siya kay Francesca. Niko: Hi ? 30 minutes later ng makita ni Francesca ang message pero hindi pa rin niya ito ina-accept ang friend request ni Niko. Agad naman tinignan ni Niko ang messenger niya if nag reply ba si Francesca ngunit pag tingin niya ay seenzoned lamang ito kaya nag message siya uli. Niko: Hi Francesca si Niko ni katong guy imo nakaila ganina ? Francesca: A ok ? Agad naman inaccept ni Francesca ang friend request ni Niko ngunit nahihiya na si Niko mag message ulit dahil parang wala naman interest makipag-usap sa kanya si Francesca dahil sa sobrang dry ng reply nito. ... BACK TO PRESENT Nakatulog na lamang si Niko sa pagbabalik tanaw niya sa nakaraan. Alam niya na mahal niya pa rin talaga si Francesca ngunit di niya alam bakit galit siya rito. Mga 6PM na nang magising si Niko at marami ng missed calls ang naka register galing kay Kyle at Erika. Agad naman niya itong tinawagan. Niko: Hi! Sorry my love, napasarap tulog ko. Nagsimula na ba? Erika: No! But it’s fine if you can’t be here just rest for now. Halata sa boses nito na disappointment siya pero wala ng magagawa si Niko dahil alam naman talaga ni Erika na ayaw ni Niko sa ganun mga event. Niko: ok so sorry talaga my love, promise I will take you to a place wherever you want to go. Erika: okay Agad ini-off yung call ni Erika kaya hindi man lang nakapag paalam si Niko. Di nalang gaanong iniisip yun ni Niko dahil mas may pag iisipan pa siya ang mag retire sa Basketball or hindi. Matagal na rin itong pinag isipan ni Niko dahil ang kanyang pinsan na nag manage sa company ay sa US na maninirahan. Mostly sa family ni Niko ay nasa ibang bansa na iilan nalang siyang pamilya niya rito. Minsan nga mapag usapan na ibebenta nalang nila yung company para silang lahat ay dun na sa ibang bansa manirahan ngunit si Niko talaga ang ayaw at gusto niya tuparin yung bilin ng Lolo niya na bigyan importansya yung company kung saan dugo at pawis ito ng kanyang Lolo.Minsan na rin nagkaproblema ang company at duon humarap ang pamilya sa crisis ngunit ginawan ito ng paraan ni Niko sa pagbabasket niya at pag momodel kaya ayaw talaga ni Niko na maibenta ito dahil din may foundation itong umaasa rin sa company. At buo na ang desisyon ni Niko na mag retire sa basketball at bumalik na sa Cebu para mag manage ng company. Hindi pa alam ni Erika ang kanyang desisyon pero alam niya na magagalit ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD