Erin's PoV: "What makes us human?" Tanong ng Prof namin ngayon. Wala kang maririnig na ingay sa bawat estudyante. Katahimikan ang namayani sa buong kwarto. Nagpapakiramdaman ang lahat. "Anyone? Ugh! I already tackled this lesson a few days ago." Our Professor exclaimed. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa nga kaklase ko. Well, kilala kasing mahilig mambagsak nitong si Sir. Kaya talagang hindi ko sila masisisi kung kinakabahan talaga sila. Napalinga-linga ako muli sa paligid at ni isa sa mga kaklase ko ay walang nagtataas ng kamay or nagvovolunteer na sumagot. Nakita kong napahilot sa sentido si Sir. "Okay fine. It seems like no one wants to answer my question." He said. Parang nagdiwang naman ang mga kaklase ko. "Magtatawag na lang ako gamit ito." At inilabas ang mahiwagang index c

