Lana Serrano POV Napakatahimik ng biyahe namin papunta sa Forbes Park. Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang ugong ng makina ng sasakyan. Mabigat ang hangin sa loob, parang unti-unting sumisikip ang dibdib ko habang tumatagal. Nakatingin ako sa labas ng bintana, pilit kinakalma ang sarili, pero hindi pa rin mawala ang kaba at inis ko. Pagkapasok ng sasakyan sa gate, bumungad agad ang mansyong gawa sa salamin, bato, at bakal. Sa itsura pa lang, alam mong hindi ito basta-basta. Moderno ang disenyo pero masyadong pormal at malamig—walang 'buhay' na mararamdaman. Halatang itinayo lang para magpasikat ng yaman at posisyon. Para itong si Eros—mukhang perpekto sa labas, pero walang pakiramdam sa loob. Huminto ang sasakyan sa tapat ng main e

