Lana Serrano POV Maaga pa lang ay ramdam ko na ang bigat sa loob ng mansyon. Pagkatapos ng tawag kagabi mula sa hindi kilalang tao, parang bawat sulok ng bahay ay binabantayan na ni Marcus at ng security team niya. Hindi na rin ako masyadong makapag-focus sa trabaho ko para sa Knight Plaza dahil sa bawat pagpindot ko sa laptop, ang mukha ni Victor Vance ang naaalala ko. Pumasok ako sa dining room at nakita ko si Eros na seryosong kausap si Marcus sa isang tabi. Si Gina naman ay busy sa pagpapakain sa triplets. "Kailangan nating i-check lahat ng log-in details sa New York branch. Hindi pwedeng basta na lang silang makaka-access sa server natin dito," marinig kong utos ni Eros. "Done, Sir. Pero ang problema, gumagamit sila ng encrypted bridge. It looks like they’ve been planning this for

