Lana SerranoPOV Maingay ang lagutok ng apoy mula sa fire pit dito sa garden. Ang amoy ng nasusunog na kahoy at ang tamis ng tinutunaw na marshmallows ay dapat sana ay nakaka-relax, pero habang pinapanood ko sina Bolt at Ace na nag-aagawan sa graham crackers, hindi ko maiwasang mapatingin sa bintana ng study room sa taas. Nandoon pa rin si Marcus, malamang ay tinatapos ang flight manifest namin para bukas. “Mommy, look! My marshmallow is on fire!” sigaw ni Bolt habang iwinagayway ang stick niya na may maliit na apoy sa dulo. “Hala! Hipan mo, Bolt! Baka masunog yung kamay mo!” dali-dali kong inagaw ang stick at hinipan ang apoy hanggang sa maging uling na lang ang puting marshmallow. “Ayan, sunog na. Kuha ka na lang ng bago.” “Sayang naman, Mommy. Favorite ko pa naman yung toasted,” malu

