Episode 8

2231 Words
Hindi pa siya makakaupo narinig na niya ang boses ng boss niya sa intercom, nagmamadali na siya pumasok sa loob ng opisina nito alam niyang magbubuga na ito ng apoy. "Your six minutes late Miss Rio alam mong tambak ang trabaho dito nakuha mo pang magpa-late, sino na naman ba sa mga lalake mo ang ka-date mo kagabi" sigaw nito sa kanya pagpasok palang niya sa opisina nito. "Na-traffic lang sir" aniya para hindi na humaba pa. "Alam mo palang ma-traffic dapat inagahan mong alis sa bahay ninyo, where's my schedule for today?" singhal na naman nito sa kanya. Kaya binuksan nalang niya ang tablet na hawak at binasa dito isa isa ang mga schedule nito, atsaka siya nagpaalam at nagmamadaling tinalikuran ito Kaaga-aga bad trip na naman siya, ngayon lang naman siya na-late simula ng pumasok siya dito, hindi tuloy siya makapag-concentrate sa trabaho idagdag pa sa naiisip niya malapit ng matapos ang kontrata niya wala pa siyang ipon, malapit na ang dating ng tiyahin niya, pinang-tuition daw ng dalawang kapatid niya ang pinadala niyang pera, ang Papa naman niya ay sapat lang ang kinikita ngayon para sa pang araw-araw nilang gastusin halos kulang pa nga kung totousin. Inisa-isa nalang niya ang mga folder sa ibabaw ng table niya ido-double check nalang niya at lalagyan ng mga code, sinilip pa niya muna ang boss niya na abalang makatutok ang mga mata sa laptop nito nakita niyang nakakunot ang noo nito. Hindi nga niya alam kung bakit yung kurtina sa tapat niya ay laging makahawi hindi naman maluwang pero sapat na para masilip ang labas tuloy nakikita siya kung ano ginagawa niya hindi rin siya makapag-relax at baka makita siya ng laging may saping boss niya at magbuga ng apoy. "Good morning Miss Rio ito na yung mga folder, ikaw na bahala dyan hinihintay yata yan ni Boss, ikaw na bahalang magbigay." ani ng isang finance staff. "Okay thanks" sagot niya dito "Thank you din" anito at tinalikuran na siya, kaya napa buntong hininga nalang siya dahil isa-isahin pa niya iche-check bawat folder bago niya ipasa sa boss niya. Kahapon pa hinahanap ng boss niya ang mga report ng finance department pero ngayon lang binigay sa kanya laging late kung mag-submit ng report ang finance di tulad ng ibang department up-dated. Ng matapos na niyang ma-double check ang mga folder inayus na niya para ibigay nasa boss niya. Kumatok muna siya ng tatlong beses sa pinto ng opisina nito bago binuksan yun. "Sir ito na po yung mga report ng finance department." aniya rito at maingat niya inilapag sa ibabaw ng mesa nito ang mga folder, nakita niyang nakatitig lang ang boss niya sa kanya hindi na siya nasalita dahil iwas na iwas siya dito lagi itong naka singhal sa kanya kahit wala naman siya ginagawang masama hindi tulad ng kanyang ina napa kabait laging may nakalaan ngiti sa mga labi, hindi na niya hinintay pa itong magsalita dali-dali na siyang lumabas ng opisina nito. "Hi Margie kain na tayo anong oras na?" ani ng isang kasamahan niya nang makasalubong niya ito. "Sige kunin ko lang baon ko" aniya at nagmamadali na bumalik sa table niya. "nmNagbaon na ako nakakasawa na kasi yung mga luto sa cafeteria sa baba, kaya ito nagluto ako kanina ng tortang talong at pritong daeng na bangus, eto oh madami akung dala." alok niya sa mga kasamahan niya. "Baon ko langgunisa at paksiw na isda" ani naman ng isa. "Ako baon ko adobong manok tira lang namin ito kagabi" ani pa ng isa. Hindi naman nila napansin ang isang taong nakatayo lang sa may pinto habang pinagmamasdan sila "Mukhang napagalitan kana naman ba ni sir Al kanina mukha kasing hindi maipinta yan mukha mo kanina kaya di na kita nilapitan" saad naman ng isang kasamahan sa kanya. "Hindi naman gaano na-late kasi ako" aniko. "Ganun lang yun istrikto, laging naka-pormal, hindi yata marunong tumawa." "G'wapo nga ng boss natin marami kayang nagkaka-gusto kay sir, crush ko nga yan dati eh" "Oo nga nakaka-inlove sa kagwapohan, ikaw ba hindi kaba nagkakagusto kay sir" tanong pa ng isa na kinikilig. "Useless lang yun physical appearance kung ang ugali naman parang laging sinasapian ng masamang epiritu wag nalang, nakakawalang gana" aniya sa mga ito, samantalang dahan-dahan ng tumalikod ang taong nagmamasid sa kanila. Nakaupo na si Margie sa swivel chair niya at inabala niya ang sarili sa pagre-review ng mga dukomento sa ibabaw ng mesa niya dahil hindi naman yun nababawasan bagkus nadadag dagan pa ang mga iyon, para bukas kaunti nalang sana ang gagawin niya para maaga siyang makauwi. Napatayong bigla si Marigie ng marinig niya ang boses ng boss niya nanghihingi ito ng kape kaya dali-dali na siyang nagpunta sa pantry, habang gumagawa siya ng kape parang may nakita siyang nagdaan tao, paglingon niya wala naman kaya binaliwala nalang niya. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago niya binuksan ang pinto pagpasok niya nanglaki ang kanyang mga mata sa nakita halos hindi niya maihakbang ang mga paa sa nakikita niya sa harapan, muntikan pa niya mabitawan ang hawak na tasa ng kape. "S--so-sorry po kung naistorbo ko kayo" aniya at inilapag ang hawak sa mesa ng boss niya at nagmamadaling lumabas ng opisina nito, pero bago pa niya nabuksan ang pinto. "You b***h hindi kaba narunong kumatok" singhal ng babaeng halos nakahubad na, nakaupo sa kandungan ng boss niya, kita din niya ang naghuhumiyaw na dibdib nito. "Kumatok naman po ako ma'am hindi ko naman alam na motel pala kinatok ko akala ko po kasi opisina." sagot niya na hindi na nag aksaya pang lingonin ang mga ito, at tuloyan na siyang lumabas. Makaraan lang ang ilan minuto nakita na niya lumabas yun babae masama ang tingin nito sa kanya, tunay nga napakayaman ng dibdib nito walang-wala siya, at ang damit napakahiksi kunting yuko nalang kita na ang pundya ng salawal nito, kung meron pang suot. Dahil naging busy na siya hindi na niya namalayan ang oras. Luminga-linga pa siya ilan nalang silang naiwan dun, pero hindi pa siya tapos marami parin siyang gagawin. Gabi na pala bulong niya sa sarili ng makita ang oras sa cellphone niya kaya naman maisipan niyang silipin ang boss niya, nakita niya itong tutok na tutok sa laptop niya nakikita rin niya na mukhang masama na naman ang tabas ng mukha nito, kitang-kita niya yun dahil maliwanag ang loob ng opisina ng boss niya. Totoo naman gwapo ang boss niya kaya lang masama nga lang ang ugali ni hindi marunong ngumiti. Matangkad at lalaking-lalake ang dating, maganda ang built ng katawan mukhang alaga sa gym, makapal ang mga kilay, matangos ang ilong, mahaba at malatik ang pilik mata, makinis ang kutis nito na parang kutis ng babae. Kahit sino naman talagang babae magkaka-gusto dito sa katunayan marami nga babaeng nakakandarapa dito. Naalala niya tuloy yung nangyari kahapon ng kurutin niya ito sa tagiliran dahil inuunahan siyang sumagot sa tanong ni Zaky. Hinila nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan at pitapong sa hita nito kulang nalang na mahawakan na niya ang gitna nito dahil malapit na dun, nang mahila naman niya yun kamay niyang hawak nito naipatong naman sa hita niya kaya na inilislis nito ang laylayan ng dress niya at pasimpleng pa nitong sinilip yun sa ilalim ng mesa at dalawang beses na pinisil ang hita niya bago binitawan ang kamay niya, dahil sa ginawa nito nag-init ang pakiramdam niya, na para bang may kakaiba siyang naramdaman na hindi niya kayang ipaliwanag, alam na alam talaga nito kung paano paikutin ang isang babae sa palad nito, dahil sa naiisip napa mura siya. "A jeckoff" bigkas niya, kasabay naman noon ang pagbukas ng pinto ng opisina ng boss niya kaya dinig nito kung ano sinabi niya "What?" sigaw naman ng boss niya, hindi niya ito pinansin hindi din siya nagsalita. "I heard that" anito ng makalapit sa kanya. "Do i say something sir?" asik niya dito, bagamat kinakabahan siya, bakit kasi napalakas ang pagkakabigkas niya at sakto naman lumabas ito ng opisina. "Yes, you cursed, i heard that, loud and clear." singhal nito mahina pero madiin ang pagkakabigkas. inirapan lang niya ito. "Kung pagod kana pwede kanang lumayas d'yan" sigaw nito bago pa pumasok ng opisina nito at pabalibag na isinarado ang pinto, kaya napanganga siya. Kaya wala siyang nagawa ni hindi siya nakaimik. Dahan-dahan na siya nagligpit ng mga gamit niya, mabigat man ang kalooban niya wala na siyang magagawa nangyari na ng hindi sinasadya. Hindi na siya sanay umuwi ng maaga kadalasang uwi niya ten or eleven na ng gabi pero ngayon eight forty four palang. Naglakad lakad nalang muna siya para sa kanya maaga pa. Naibalibag naman ni Al ang flowervase malapit sa kanya ng makita niya umalis na si Margie. Hihingi lang sana siya dito ng paumanhin dahil sa ginawa niya dito nun ka-meeting sila ang pamilya ni Zaky dahil hindi paring siya napalagay dahil sa nagawa niyang paghawak sa hita nito, dahil hangga ngayon parang ramdam pa niya sa palad niya ang makinis at malambot nitong hita na sanhi ng pagkapuyat niya. Ilan beses ba niya hinalikan ang palad niya kagabi bago siya nagpasyang maligo kung pwede nga ayaw niyang mabasa ang kamay niya huwag lang mawala ang natural na amoy nitong dumikit sa palad niya. Bago ba siya mabaliw sa kaiisip tinawagan na niya ang mga kaibigan niya, kailangan niya ang mga ito ngayon para may makausap siya, tumingin pa siya sa orasan bago tawagan ang mga ito. "Ma'am san po tayo" tanong ng taxi driver kay Margie pagkasakay niya. "D'yan lang po manong kung saan pwedeng makapag-relax" sagot ni Margie habang nakapikit ang mga mata at nakasandal din ang ulo sa likod ng upuan. Gusto niya makapag-isip pero parang walang rumerehistro sa utak niya. "Ma'am andiyo napo tayo" pagbibigay imporma ng taxi driver kay Margie, makaraan ang ilang minuto. "Saan na tayo manong" tanong niya dito at luminga linga pa siya. "Dito po ma'am maganda daw po dyan mga disente po nagpupuntang tao dyan kaya alam kung safe po kayo wag lang po kayo iinum ng madami" wika nito kaya napatingin naman siya sa direksyon kung saan ito nakatingin. "Diamond Star's Bar" basa niya. "s**t" mura niya ng mabasa at makita kung saan siya dinala ng taxi driver, hindi naman siya mahilig mag bar, oo nga't nakakapasok din siya sa mga bars pero mabibilang lang yun sa mga daliri. Maingay at mausok ang sumalubong sa kanya, sanay na siya sa ganitong lugar halos gabi-gabi nga andito sila ng mga kaibigan niya pero buhat ng dumating siya galing sa business trip niya tatlong buwan ng mahigit ang nakakaipas tatlong beses palang uli siya nakasok sa galitong lugar. Dumiretso siya sa counter at umorder ng paborito niya alak, dahil wala pa ang mga kaibigan niya, paglingon niya sa may corner may nakita siya dun nakaupo nakita pa niya kung paano nito tinunga ang laman ng baso nitong hawak. "Hi gorgeous, are you alone?" tanong ng isang babaeng halos wala ng itago dahil sa suot nitong gadangkal nalang sa haba damit, pinaglandas pa nito ang daliri sa may tenga niya pababa sa dibdib niya, kaya medyo nainis siya sa ginagawa nito. Itinulak niyang bahagya ang babae para makita niya uli kung totoo bang ang secretary nga niya ang nakaupo sa may corner, naningkit ang mga mata niya ng makita niyang may humalik ditong lalake pero ng mapaharap ang babae ibang babae pala, kaya naipilig niya ang ulo nagha-hallucination lang pala siya. Habang nakaupo siya sa isa sulok malapit sa counter palinga-linga pa siya pero wala talaga siya kakilala sa loob ng bar na pwedeng makausap maaga pa hindi pa gaanong madaming tao sa bar na pinagdalhan sa kanya ng taxi. Ladies drink lang inorder niya, ayaw niyang maglasing dahil may truma na siya, nang tinunga na niya ang alak sa baso niyang hawak nahagip ng mata niya ang isang pigurang kilalang-kilala na niya, kaya dali-dali na siya tumalilis paalis sa lugar may nabangga pa siya pero wala na siyang pakialam at baka masunog na siya pagnag-abot pa sila ng boss niyang mala dragon kung makatitig pagnagagalit, buti nalang at may babaeng lumapit dito. "Fuck..damn that woman" mura niya at ilan beses pa niya ipinikit ang mga mata hinilot din niya ng ilan beses ang batok niya kung bakit nakikita niya ang mukha ng secretary niya kahit saan "Let's go" hinila na niya ang babaeng kanina pa siya ayaw tigilan. Dinala niya ito sa parking lot. "Get in" aniya dito ng may pagmamadali. "Babe san tayo pupunta" tanong naman ng babaeng ni hindi man lang niya alam ang pangalan. Pagdating nila sa kanilang distenasyon napahiga na siya pagkakita niya sa kama, habang ang babaeng kasaman niya naguumpisa na siya romansahin, pero ewan niya wala siyang maramdamang init sa ginagawa ng babae, simula ng magdikit ang mga katawan nila ng secretary niya, parang may nagbago, parang may kakaiba siyang hinahanap lalo na at nahawakan niya ang hita nito. Napabangon siyang bigla nang akmang bubukasan na ito ng zipper ng pants niya. "Stop, enough" sigaw niya dito. "Babe nag-uumpisa palang tayo" protesta nito. "Here" aniya kinuha niya ang wallet niya at hinagis dito ang lilibohin peso, tinalikuran na niya ito at tuluyan iniwan nadinig pa niyang namumura ito at tinatawag siya. Babalik nalang uli siya sa bar at baka andun na mga kaibigan niya. ......................................................... ..please follow my account and add my stories in your list.... .......:Lady Lhee"......... .....thanksguys...loveu...lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD