Nakikita ko ang saya at excitement kila Leighton at Nevaeh ng malaman nilang next month na kami uuwi ng Pilipinas. Katakot-takot na bilin ko sa kanila kung anong dapat gawin upang makaiwas sa gulo. Ayaw kung may mangyari hindi maganda sa pag-uwi namin. Panay naman ang promise nila na wala silang gagawing hindi ko magugustuhan basta daw makita lang nila ang kanilang ama kahit sa malayo lang. Hindi naman kasi madali ang hinihiling ng mga anak ko pero pagbibigyan ko sila para makita man lang nila ang kanilang ama. Ipinaliwanag ko naman sa kanila ng maayos ang sitwasyon namin ng Daddy nila. Mulat naman sila sa mga pamilyang magkahiwalay ang mga magulang ilan din kasi sa mga classmate nila ang divorce ang mga magulang. Kailangan na namin ma-meet up yun hinihinala naming mga kapatid. Pene-pre

