Episode 22

2155 Words
"Maharut na malakas na musika ang sumalubong samin ng mga kaibigan ko pagpasok namin dito sa bar bukod pa sa usok. Mga samot sari din kulay ng mga ilaw ang nagpapatay sindi sa magulong dance floor sa dami ng tao dahil opening ng bar ng isa sa kaibigan ko. "Hello gorgeous" bati ng isang babae sobrang pula ng mga labi dahil sa kapal ng lipstick at make-up at ang damit halos wala ng tinago. "Bakit kasi hindi nalang naghubad" bulong ko na narinig naman pala ng katabi ko. "f**k you Al parang hindi ka sanay na may naghuhubad sa harap mong babae" saad niya na may kalakas dahil sa lakas din ng sound kaya kailangan talagang lakasan ang boses sabay lagok niya ng alak na hawak. Nawalan na kasi ako ng gana sa ibang mga babae buhat ng may mangyari samin ni Margie. Para akong nagkakasala sa kanya pag sinusubukan kung gumamit pa ng ibang babae matatakot akung malaman niyang may iba pa akung babae bukod sa kanya. Alam ko ring hindi yun maniniwala na wala nakung ibang babae dahil nakita niyang kung sinu sinong babae ang nagpupunta sa opisina. Marahan kung itunulak ang babae palayu sakin dahil nakaupo na siya sa lap ko hinihimas na niya ang dibdib ko. "s**t" mariin kung mura dahil 'tong babae sa tabi ko bigla nalang akung dinakma. Kaya tinabig ko ang kamay niyang nakahawak pa sakin. "Your hot babe, i know the place." bulong niya sa tenga ko na kinagat pa ng bahagya. Kaya naitulak ko siyang bigla na muntikan niya ikahulog sa kinauupuan niyang bangko. "Whooee!! sigaw ni Brandon kaya sinaman ko siya ng tingin. "Mukhang may napapansing ako sayo ngayon buhat nuon nawala si Margie lagi mainitin ulo mo nawala narin mga babae mo" pangaasar pa ni Noel sakin. "May tsimis din na may binabahay kana daw ngayon" ani naman ni Lucio. "Ipakilala mo naman kami huwag mong sarilin." malakas na wika naman ni Vincent. "f**k you Asshole!" sigaw ko sa kanya. Katabi niya ang pinsan iyang parang pansan ang mundo alam ko kung bakit ito sumama dahil kanina pa ako kinukulit tungkol sa girlfriend niyang si Melissa. Buti nga siya magkaka-anak na ako nga maglilimang buwan na kaming nasasama ni Margie hindi parin makabuo halos ginagabi gabi ko nga wala pa rin. Mabuntis ko siya ang tanging paraan lang para hindi siya umalis sa tabi ko, para hindi niya ako iwan. Mag-a- alas tres na ng madaling araw ako naka uwi dahil nakarami ako ng inum kaya dito nalang ako tumuloy sa penthouse dahil mas malapit ito sa bar kung saan kami na inuman. Kinabukasan nagmamadali akung nagtungo sa condo kung nasaan si Margie. Alam kung sa mga oras na ito nasa rooftop siya. Kaya daig ko pa ang magnanakaw na pumasok sa loob ng sarili kung tahanan. Patingkiyad ako umakyat sa hagdan, maingat na pumasok sa silid ni Margie. Kailangan matiyak kung wala siyang ginagamit na birth control dahil nagtataka na ako hanggang ngayon hindi parin siya nabubuntis. Bawat kabinet hinahalungkat ko maging sa pagitan ng mga damit niya kung may makikita akung mga pills. Maingat ko rin binabalik ang mga bagay na binubuklat ko para hindi mahalatang nagalaw. Tagaktak na ang pawis ko sa noo at likod pero wala akung nakita maliban nalang sa dalawang banig ng vitamins at isang banig ng pain relievers na tatlong piraso nalang natira. Hanggang sa kusina hinalungkat ko narin. Nilingon ko pa ang paligid ng bahay ko kung may nagalaw ba akong iba na hindi ko naibalik sa dati dahil baka magtaka si Margie. Nagmasiguro ko na ayus na nagmanadali nakung lumabas ng bahay at baka maabutan pa niya ako. Nagmatapos ang board meeting lumabas nako ng conference room dumiratso ako sa opisina ko. Humarap ako sa transparent wall glass at tinanaw ang malawak na siyudad. Habang nasa isang kamay ko ang wine glass goblet. Nag-iisip nanama ako ng pwedeng iregalo kay Margie this is our 5th. monthsary na hindi man lang niya nahahalata na buwan-buwan nalang ako nagbibigay ng cake sa kanya at regalo o talaga lang wala siyang alam sa mga anniversary dahil hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend. Naalala ko pa noun minsan umuwi ako.. .........flashback.......... "Hey! what a mess... ang kalat anong nangyari bakit natapon?" tanong ko agad dahil nakita ko siyang nakatuwad paharap sa oven puro powder ang lamesa at meron din sa mukha niya, namumuti rin ang suot niya apron. .... "Ayy palakang lumundag!!..? sigaw niya sa gulat dahil bigla nalang akung sumulpot sa harap niya. "Ano ka ba naman lagi ka nalang nanggugulat. Lumayas ka nga rito" angil niya sakin pero natawa lang ako sa kanya dahil sa hitsura niya. Binuksan niya ang oven at inilabas niya ang niluluto niyang tinapay. Naamoy kung mabango yun. "Mukhang masarap yan huh" aniko. "Umakyat kana duon at magbihis ihahanda ko mieryenda mo bilis na." pagtataboy niya sakin. Kaya tinalikuran ko na siya. Pagbalik ko sa kusina nakahain na ang dalawang cupcakes at isang basong malamig na juice. "Meryienda kana dyan" aniya kaya pinagmamasdan ko lang ginagawa niya mahigit isang oras niya ginawa ang isang three layers fondant cakes at mga cupcakes. "Kanino yan" tanong ko sa kanya ng matapos na niyang gawin may nakalagay kasing Happy Birthday. Napakaganda ng ginawa niya. Masarap din yun cupcake na binigay niya sakin. "Sa kaibigan kung matanda birthday niya ngayon ito nalang regalo ko sa kanya." Nakasimangot niya saad. "Ano sa tingin mo magugustuhan kaya niya yan" tanong niya sakin. "Maganda masarap din itong cupcakes" puri ko sa kanya. Hindi ko alam na marunong pala siyang mag-bake ng tinapay at gumawa ng cakes. "Wait lang maliligo lang ako." aniya habang pinagmamasdan niya ako. "Pwede mo ba akong samahan kila Mrs. Wilson ihahatid ko lang ang mga ito?" tanong niya sakin matapos tumingin sa wall clock. "Ok sa isang kondisyon" aniko. At pinagmasdan ang cake na ginawa niya. "Bakit naman meron pang kondisyon. OA naman." maktol niya. "Ano ba yun." tamad niya tanong sakin. "Gawan mo ring ako ng ganyan lagyan mo ng initial na A.M. kahit maliit lang." aniko. "Sus! yun lang pala. Ano bang flavor gusto mo" aniya. "Bahala kana kung anung gusto mo." sagot ko. "Ok basta bumili ka ng mga ingredients ubus na kasi yun inorder ko online." "Ok deal. Ilista mo lahat ng kailangan." aniko. ....end of the flashback.... Mahihinang katok sa pinto ng opisina ko ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Kasunod ang pagbukas nito na hindi ko pinag-aksayahan lingonin kung sino man ang pumasok. "Hello babe, I miss you." maarteng wika niya at niyakap niya ako sa aking likuran. "What the hell are you doing here." inis kung wika sa kanya sabay baklas sa mga kamay niyang nakapulupot sa bewang ko. "My Mom invite you tomorrow night wedding anniversary nila." saad niya at nagpa-cute pa. "Sorry may appointment akong importante" aniko na hindi ko pinag-aksayahang lingunin. "Mas importante pa ba yan kaysa akin" ani Aletha at humarap saki na parang asawa ko siya. "Importante talaga ang pupuntahan ko bukas kaya hindi ako makakapunta sa wedding anniversary ng mga magulang mo. Send my warm greetings nalang." aniko. Dahil bukas din ang 5th monthsary namin ni Margie kahit hindi niya alam nagce-celabrate parin ako. Ganuon ko siya kamahal. Kahit bali wala ako sa kanya ok lang basta nasa tabi ko siya, basta kasama ko siya maligaya nako. Bawat araw na lumilipas nangangamba ako. Natatakot na mawawala na siya sakin. Iiwanan na niya ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko sa kanya sa dami ng mga masasakit na salitang binitawan ko sa kanya, sa mga pangungutya ko sa kanya, sa mga pananakit physically. Natotorpe ako pagkaharap ko na siya. "Damn! paano ko ba siya mabubuntis" bulong niya sa kawalan. "Margie napaganda naman ng kwentas mo regalo ba yan ni Mr. Hernaiz" tanong ni Mrs. Wilson nagmakita niyang lumabas ang kwentas mula sa aking damit nangyumuko ako. Ito ang bigay na kwentas ni Al sakin, kulay pulang puso na nahahati sa gitna. Regalo daw niya sakin dahil ginawan ko siya ng cake nuon isang araw. Isinuot niya sakin ang kalahati at ang kalahati naman isinuot niya. Mas mahaba lang ang chain nuon suot niya, may maliit na tatlong diamond sa may taas. Isang buong puso yun ng iabot niya sakin pero bago niya isuot sa leeg ko inutusan niya akung pindutin ko raw yun isang maliit na diamond sa gitna kaya ng pinindut ko naman yun bigla nalang nahati sa gitna. "Mahal na mahal ka talaga ni Mr. Hernaiz" ani pa Mrs. Wilson. Kaya nangiti nalang ako. "Sana nga totoo" pipi bulong niya. Ito na ang araw na hinihintay niya handa na ang lahat, naipadala na ng kaibigan niyang si Vicky lahat ng kailangan niyang papeles maging ang mga ticket niya sa eroplano patungon USA. Nakaempake narin siya. Ito ang huling araw niya sa kontrata nila ng binata. Bukas ng madaling araw lilisanin na niya ang bahay na naging piping saksi sa lahat ng pinagdaan niya sa piling ng binata maganda man ito o masama "but i only collect all the good memories and kept it in my heart" bulong niya sa kawalang at hinagkan ang suot na kwentas na bigay ng binata. Ayaw man niyang aminin pero nasaksaktan din siya sa paghihiwalay nila ni Al dahil sa maiksing panahon minahal na niya ito kahit sinaktan siya nito nuon una physically. May kasalanan din naman siya kaya umabot sila sa sakitan. Kaya lahat ng mahahalagang bagay na bigay nito sa kanya kinuha niya. "The only things that remind you and keep you in my heart." bulong niya sa mga regalo nito. Kanina pa hindi mapalagay si Al gustong gusto na niyang umalis. Ngayon ang 6th. monthsary nila ni Margie pero nasa Palawan pa siya. "Damn it! bakit ba ngayon pa nangyari ito." sigaw niya. Natataranta nadin ang mga tao sa paligid niya dahil sa kasisigaw niya. Kulang nalang magbuga na ng apoy ang bunganga niya. Ini-inspection niyan mabuti lahat ng materials kasama na ang pondasyon ng itatayung building, ilang gabi na siyang walang tulog. Nakahinga siya ng maluwag ng sabihin ng City building Inspctors Engineer team na wala ng problema isang poste lang daw ang gumuho dahil lumambot ang lupa dahil sa nagdaang bagyo. Minor injury lang din natamo ng dalawang tao niya. Gusto parin niya makasiguro kaya lahat pinatingnan niya. Maging mga tao niya pinadala niya sa hospital kahit tutol pa ang mga ito. Kaya laking pasasalamat ng pamilya ng mga ito sa kanya. Ala una y media na ng madaling araw siya nakauwi sa condo nila ni Margie bitbit niya ang isang cake na inorder pa niya sa palawan bago siya umuwi. Dinaanan din niya sa penthouse niya ang regalo niya para kay Margie binili pa niya sa Italy. "Hey! Sweetheart wake up nagugutom ako baka pwede mo akung ipaghain pagod na pagod nako ilang araw ng wala akung matinong tulog." panggigising niya sa dalaga kaya pupungaspungas na bumangon ito. Hinila na niya ito pababa ng hagdan. "Sandali huwag mo naman akung kaladkarin baka masubsub ako." reklamo nito. Kaya niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa palapulsuhan niya. "Umupo ka nalang diyan at ipaghahain kita." utos niya pero sumunod lang ako sa kanya. Hanggang matapos kaming kumain hinintay ko siya. "Matulog kana sabi mo antok na antok kana, sige na tulog ka na" patataboy niya sakin tinulak pa niya ako sa likod palabas ng kitchen. "Stay with me Sweetheart we can talk tomorrow." aniko matapos ang maalab na tagpo pinagsaluhan namin. Bahagya pa siya nitong niyakap dahil alam nitong iiwan na niya ito pagnakatapos na sila. Pero sa pagkakataong ito hindi ito umalis sa tabi niya, ito pa ang yumakap at humalik sa labi niya kaya napangiti siya. Kung hindi lang siya antok na antok na baka hindi niya ito tigilan naramdam din niyang hinalikan siya nito sa noon. Sa pagod at puyat hindi ko na napaglaban na hindi ipikit ang aking mga mata at hilahin ng kadiliman. Sinamantala naman ni Margie na yakapin ang hubad na katawan ng binatang tulog na tulog. Kinuha pa niya sa cellphone nito at nag selfies sila lahat yata ng pose ginawa niya pinictural din niya ito ng whole body na nakahubot hubad tinangal niya ang kumot nito at idinapa ng bahagya para hindi makita ang harap nito. Meron din nakadapa at kayakap niya ang hubad na likod nito, meron nakaunan siya sa maambok na pisngi ng pwet nito, meron din magkalapat ang mga labi nila sa isat isa lahat ginawa niya. Nagmagsawa tumayo na siya hindi niya alintana ang hubad niyang katawan Kailangan na niya kumilos, kailangan niyang makarating sa tamang oras para sa flight niya. "Time's over.... and there's no turning back." anas niya saka siya dumukwang at kinintalang ng isang halik sa labi ang binata. "I love you" huling usal niya. At tuloy tuloy ng lumabas ng kwarto na walang lingon likod. . . . . . ......................................................... please follow my account ....add my stories in your library ........."Lady Lhee"........ ...thanksguys....loveu....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD