Rana's POV
Ever since I was a child, I dreamed of working abroad.
It wasn't just about seeing new places—it was about building a better future for myself and my family.
I graduated with a degree in Hotel and Restaurant Management from Adamson University, earning the honor of Summa c*m Laude. As part of my training, I completed my On-the-Job Training in New York, which gave me hands-on experience and a glimpse of the international hospitality world I hoped to join.
Not long after graduation, my cousin—who works as a manager at the Olympus Grand Hotel in Italy—reached out to me. He told me that he was set to transfer to their newly opened branch in Dubai, and he wanted me to apply for a position at Olympus Grand before he left.
He believed in my potential and said the timing was perfect.
So, I sent him my CVs.
A few days later, I was officially hired. My cousin arranged for me to work directly under him as his assistant, at least until his transfer to Dubai was finalized. It was my first real step into the professional world, and I knew I had to prove myself—not just because of our family connection, but because I wanted to earn everything on my own merit.
Dumating na rin ang araw ng pag-alis ko. Habang nag-aayos ako ng maleta, tinutupi ang mga damit na hindi ko sigurado kung kakasya pa, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Si Mama.
"Anak, sigurado ka na ba talaga?"
Tumigil ako. Hawak niya 'yung paborito kong kumot—'yung ginagamit ko tuwing may sakit ako o pag uuwi galing eskwela na pagod na pagod. Hawak niya ito na parang ayaw niyang bitawan. Namumugto na ang mata niya.
"Oo, Ma. Ito na 'yon... Ito na 'yung matagal ko nang pangarap."
Sinabi ko 'yon nang buong tapang. Pero sa loob-loob ko, may kirot. Alam kong mahirap din sa kanila ito—nag-iisang anak lang ako. Babae ako—kaya siguro akala nila hindi ko kayang mamuhay mag-isa.
To be honest, hindi ko naman talaga kailangan magtrabaho abroad. May maayos kaming buhay. Si Papa, isang kilalang politiko, at si Mama, may sariling negosyo. Hindi ko kailangang mangibang-bansa para mabuhay.
Pero iba 'yung gusto kong patunayan sa sarili ko.
Gusto kong i-challenge ang sarili ko. Gusto kong maranasan kung paano magsimula sa wala, paano tumayo sa sariling paa, paano mabuhay sa mundong walang kilala kundi sarili ko lang.
Matagal ko nang pangarap ang Europe. Oo, nakapunta na ako ng U.S.—in fact, inalok pa nga ako ng permanent job sa hotel na pinag-OJT-han ko sa New York. Pero nung nakita ko ang lifestyle doon... parang may kulang. Masyadong mabilis. Masyadong magulo. Hindi ako naging at home.
Originally, Germany talaga ang plano ko. May kaibigan akong matagal nang nandoon, paulit-ulit akong iniimbitahan na mag-apply sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Pero hindi bilang manager—Sales Executive sa luxury goods ang position na ino-offer niya.
Pero bago pa man ako makapagsimula sa pag-aapply, tumawag ang pinsan kong si Kuya Renzo. Siya ang manager ng Olympus Grand Hotel sa Italy. Sabi niya, kailangan nila ng mapagkakatiwalaang Assistant Manager. Siya na raw mismo ang magte-train sa akin dahil ma-transfer sa branch nila sa Dubai.
That was the turning point.
Italy. A country rich in culture, elegance, at hospitality—at hindi lang ako basta employee, kundi Assistant Manager agad. Mas challenging, mas mataas ang responsibility. At higit sa lahat, mas fulfilling.
Kaya kahit maraming tanong sa puso ko, kahit ramdam ko ang lungkot nina Mama at Papa, tinuloy ko.
Kinaumagahan, flight ko na. Alas-onse ang check-in ko kaya maaga pa lang, naghahanda na kami. Maaga pa lang, gising na si Mama, nilutuan pa ako ng paborito kong almusal—tuyo, itlog, at sinangag.
Tahimik lang kami habang kumakain, pero ramdam ko 'yung bigat ng athmosphere sa pagitan namin. Si Papa naman, kunwaring busy sa pag-aayos ng mga gamit ko, pero nakita ko rin ang paminsan-minsang pagpunas niya sa mata niya.
Pagdating namin sa airport, hindi na napigilan ang iyakan. Si Mama, todo yakap. Si Papa, tahimik lang pero mahigpit ang hawak sa balikat ko. Parang ayaw nila akong pakawalan.
“Bigyan niyo lang ako ng tatlong taon, Ma, Pa. Pag nakapag-ipon ako, ay uuwi rin ako. Baka nga mas maaga pa. Basta… hintayin niyo ako.”
Sinabi ko rin sa kanila na bisitahin nila ako minsan sa Italy. Alam kong kaya naman nila. Hindi kami sobrang mayaman, pero may kakayahan silang magbakasyon kung gugustuhin nila. At alam kong gusto rin nila akong makita sa bagong buhay na papasukin ko.
Sa huling yakapan namin, pinilit ko ‘yung sarili kong hindi umiyak, pero nang humiwalay na ako at pumasok sa immigration, hindi ko na napigilan. Isang luha ang kusa na lang tumulo sa aking mga mata.
Nang paakyat na ako sa eroplano, huminto muna ako saglit sa may gate, at lumingon ako pabalik. Hindi ko na sila makita, pero sa isip ko, andun pa rin sila—nakatingin, nakaabang, nag-aalala pero alam kung proud sila sa akin.
“Bye for now, Philippines… I’ll see you after three years. Maybe.”
At sa kabila ng lahat ng lungkot, napangiti ako.
Hindi dahil masaya akong umaalis—pero dahil alam kong, sa wakas, sinisimulan ko na ang pangarap ko.
Mahaba ang biyahe ko—halos 20 hours lahat-lahat. May stopover ako sa Dubai bago tuluyang lumipad papuntang Italy. Hindi pa man ako nakakarating sa final destination ko, ay pagod na katawan ko. Pero nang makalapag na ang eroplano sa Dubai, napawi ang pagod ko sa unang sulyap pa lang sa airport.
Grabe. Ang ganda. Ang linis. Ang laki.
Modernong arkitektura, glass ceilings, high-end stores, art installations—parang nasa five-star hotel ako, hindi airport. Dahil may 3-hour layover pa ako bago ang connecting flight ko pa-Italy, naisip kong libutin muna ang airport at maghanap ng makakainan.
Habang kumakain ako sa isang café sa loob, biglang may umupong lalaki sa mesa sa tabi ko. Na-sense ko agad ang presence niya. Minsan kasi kahit hindi mo tingnan, ramdam mong may nakiupo sa tabi mo. At ayun na nga—nung mapalingon ako sa kanan, nagkatinginan kami.
Ngumiti siya sa akin.
Napangiti rin ako, out of politeness—ayoko kasing isipin niya na suplada ang mga Filipina. Pero to be honest, medyo kinilig ako. Sahil gwapo kasi siya.
Matangkad—siguro mga 6'3. Maputi, may defined jawline, at fit ang katawan. Hindi ako sigurado kung anong lahi niya, pero may Spanish vibe siya. Sharp features, curly brown hair, at nang ngumiti siya, nasilayan ko ang kanyang mapuputing ngipin… at dimples.
"Sht… crush ko na ba 'tong lalaking 'to?"
Pigil at kilig na kilig ako.
Hindi naman siya nagsalita, pero napansin kong panakaw siyang sumusulyap sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain, kunyari hindi ako affected. Ayoko maging assuming. Baka friendly lang talaga siya.
Pagkatapos kong kumain, kailangan ko nang mag-check-in sa next gate ko. Tumayo ako, at na gulat pa ako, tumayo rin siya.
Coincidence? Siguro. Baka pareho kami ng gate. Kaya deadma. Lakad lang.
Pero habang naglalakad ako papunta sa Gate 27, napansin kong nakasunod pa rin siya. Hindi naman siya dikit na dikit, pero obvious—na kasabay ko siya.
“Okay, chill lang… baka pareho kami ng flight.”
Pagdating ko sa waiting area, umupo ako sa dulo para makapagpahinga. Ilang minuto lang ang lumipas, umupo rin siya—ilang upuan lang ang pagitan sa akin. Pero this time, hindi na siya ngumiti. Tahimik lang siya. Mukhang focused sa phone niya.
So ako? Deadma mode. Kasi 'di ba, ayoko namang isipin niya na feelingera ako.
Hindi na rin siya lumapit o nagsalita, kaya pinili ko na lang na wag na siyang pansinin.
Pero sa loob-loob ko…
"Sino kaya siya? At bakit parang gusto ko pa siyang makita ulit?"
Tinawag na ang flight namin. Tulad ng inaasahan, una ang Business Class. Doon ko nakita si mystery guy—tumayo siya agad, dala ang kanyang leather carry-on at pasport. Relaxed, confident, effortless.
Ako naman, naghihintay pa rin ng tawag sa general boarding. Ilang minuto ang lumipas, bigla akong narinig mula sa PA system:
“Passenger under seat 48B, please proceed to the counter. Your seat has been upgraded.”
Ha? Ako 'yon ah.
Naglakad ako papunta sa gate counter, nagpakita ng boarding pass. Sinabi ng ground staff na na-upgrade daw ang seat ko to Business Class, no additional cost. Natural, nagtaka ako.
“Baka si Kuya Renzo 'to… baka ginawan niya ng paraan.”
Hindi naman malabo. May koneksyon 'yon sa travel department ng hotel. Marami siyang kilala, at malamang gusto lang niyang comfortable ako sa flight ko. So pumasok na lang ako sa eroplano, bitbit ang pagod at excitement.