CHAPTER 1

1802 Words
Chapter 1 Sumasabay sa hangin ang pagsayaw ng mga puno, sandali pa nitong nakuha ang atensyon ko nang magsimulang gumalaw ang bawat hibla ng buhok ko kasabay ng pag-ihip nito. Wind. I wonder if somewhere along the wind of change, will I ever be able to find my own direction? Kasabay ng pagyakap ng hangin sa akin ay ang dahan-dahang pagsara ng mga mata ko, pakiramdam ko'y tinatangay ako nito patungo sa kapayapaan. Just as the wind longs to be seen, my soul has always been alone, wondering when will she ever be understood. Napamulat lang ako nang magsimulang magreklamo si Elle. Ghad! Here comes another stressed woman. I chuckled as I walked towards their fridge to get myself a glass of water. "This subject's stressing the f**k out of me," reklamo ni Elle habang bumababa sa hagdan. "Natapos mo na ba 'to?" Biglang baling niya sakin saka ipinatong ang mga hawak na papel sa lamesa. Hinawi ko sandali ang mga hiblang humaharang sa mata ko, mula sa lamesa ay kinuha ko ang mga papel na kanina niya pang pinag-iinitan. "Number 4?" Umangat ang kilay ko, bahagya pang natatawa. "Seryoso ka ba? Try to understand the problem, matatawa ka na lang mamaya swear! That's the easiest one, magulo lang talaga 'yong given." "How come that this one's the easiest? Saksakin mo na lang ako!" Singhal nito sa akin, lalo lang akong natawa sa inasal niya. Tumatawang kinuha ko na lang sa kabilang side ng table ang worksheets ko, inilapag ko 'yon sa harapan niya kasabay ng pag-upo ko. I heaved a sigh, giving myself a good rest after a long, tiring weekdays. "Sayo 'to?" She asked, itinaas pa ang mga papel na ibinaba ko. Tumango lang ako sa kanya. "Ayon! Aaralin ko 'yong number 4." "Francine sent me a message," rinig kong sambit ni Yeng na kakapasok lang sa bahay. "Nagtatanong kung pupunta ba tayo bukas sa birthday ni Sam. Anong isasagot ko dito?" "Woah! Tingin ko pupunta din 'yong boys." Sandaling nag-angat ng tingin si Eresh bago muling bumalik sa pagtitipa sa kanyang phone. If they're coming, malamang darating din siya and I don't think I'm ready for that one if ever. Mahihirapan lang ako kapag nakita ko na naman siya, maybe next time I can finally see him without getting hurt. Lumipat ang tingin ko kay Melfa nang makita ko siyang pumasok, mabigat ang bawat paghinga niya habang nakikinig sa mga kaibigan namin na nag uusap-usap para sa birthday celebration na paparating bukas. Sa wari ko'y naramdaman niyang may nakatitig sakaniya mula sa gawi ko kaya't lumingon ito sakin, she suddenly made a sad face before faking a laugh. Hindi ko man’lang magawang ngumiti o tumawa sa inakto niya, I can see pain though her eyes. "Are you coming?" I whispered, sapat lang para maintindihan niya. She gave me a sad smile so I stood up when she shook her head as an answer. Katulad ko, mayroon din siyang iniiwasang makita roon. I know we'll be attending for Sam and not for other people, but the idea of being with them in one place will only suffocate us. "Pupunta ka ba, Riya?" Tanong ni Gab na nagpatigil sakin sa paglalakad. "We're going, ikaw ba?" Pag-uulit niya pa. "I'll pass for now," I took the glass of water from the table to drink on it. "I have plans with Trixie, eh. Pero baka dumaan ako saglit kina Sam bukas if ever makakaabot." Sandali kong sinulyapan si Melfa nang suminghap siya. Nagpatuloy sa pag uusap-usap ang mga kaibigan namin, Melfa stood up and went straight to the kitchen so I followed her silently. "Kaya mo na ba?" She glanced at me for a second. "Na makita siya." she shrugged. I shook my head, chuckling at her question. "I'm not going for him, it's for Sam." I answered as a matter of fact. Tumawa lang siya sa naging tugon ko, napangisi na lang ako kasabay ng pagsandal ko sa countertop. "Sana kapag pwede na, ako pa rin." Is it selfish if for once, ayoko nang bumalik sa lugar na minsan na akong nakawala? I know it's still him, but I found peace without him. Kahit ngayon lang, sarili ko naman muna. I heaved a sigh kasabay nang pag-ayos ko ng tayo. "Tara muna mag-7/11." Sandali niya lang akong binalingan bago ibinalik ang tingin sa kanyang phone, tanging pag-irap na lang ang nagawa ko. She's too busy playing CODM, wala namang ka-duo! "7/11 tayo!" Pag-aaya ko kina Eresh nang maabutan ko sila sa may pool table. "Sinong naglalaban?" Tumaas ang kilay ko, tanging si Gab lang ang may hawak na cue. "Wala, ayaw ni Elle makipaglaro eh." Bumusangot si Gab kasabay ng pag-irap niya. Napatango na lang ako, natatawa sa kanya. "Pupunta lang ako saglit sa 7/11, laro tayo pagbalik ko." "Sinong kasama mo?" Tanong ni Eresh habang nagtatali ng buhok. "Ikaw." I laughed, hinatak ko na siya para makaalis na kami. She kept on complaining and cussing me habang naglalakad, patuloy lang akong tumatawa dahil muntikan na siyang tumumba kanina sa pagkakahatak ko. "It's not my fault na hindi mo nagawang ibalance katawan mo, aba!" I bit my lower lip to stop myself from laughing. "So kaninong kasalanan ang paghatak?" She glared at me. "Kasalanan ko siguro, 'no? Kasalanan ko 'yon kasi ikaw ang humatak." She sarcastically uttered, still glaring at me. "Okay, babe!" I teased her. "Kasalanan mo kaya ako ang magsosorry." "Naappreciate ko talaga, apology accepted huh!" Umirap sya sa kawalan. Napapailing na itinulak ko na lang pinto ng 7/11 nang makarating na kami rito. "Whose treat?" Tanong nya mula sa kabilang aisle, bahagya pang nakadungaw. "Your treat, ako nagyaya eh." Sagot ko, tumatawa. "Half-half!" She tucked her tongue out before pulling herself back behind her aisle's track. Napailing na lang ako at tumingin ng mga bibilhin. I was about to get a pack of chips when my phone suddenly beeped, umayos ako ng tayo para tingnan kung sinong nag-message. Trixie sent you a message. I opened my notification as soon as I unlocked my pin. She just reminded me regarding our plans for tomorrow, in-off ko na rin agad 'yon pagkatapos kong magreply. Narinig ko na ang pagtawag sa akin ni Eresh mula sa kabilang aisle kaya sinimulan ko nang humakbang patungo sakanya. Nakatuon lang ang atensyon ko sa mga nadadaanan kong shelf nang mapatigil ako sa paglalakad. Someone bumped onto me, halatang nagmamadali siya sa hindi ko mawaring dahilan. "Hey, be careful." I hissed, kumunot ang noo ko habang umaayos ng tindig. I almost fell dahil sa lakas ng pagkakabangga niya sa’kin kanina. "f**k! I'm sorry," he apologized, umaayos din ng tayo. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa siko ko, marahan kong hinawi 'yon. He looks familiar! Parang kilala ko 'to. Nanatili ang tingin ko sa kanya, it took me a second before I realized that he's Johan Juarez, a senior-high student from the other campus. Madalas ko siyang nakikita sa campus namin kapag may municipal meet since sa amin madalas ang nagiging home court. He's wearing a pair of black clean-cut shorts and a white basic t-shirt. I won't deny the fact that he looks simple and clean. I shrugged off my thoughts and gave him a small nod. "Were you hurt?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin sakin. "No," I wasn't able to finish my words when someone called him, mabilis lang siyang tumango sa akin bago tumakbo patungo sa isang babae. I bit my lower lip when I saw how his forehead creased habang nag-uusap silang dalawa, halata sa babae ang inis sa kausap.  "Okay ka lang?" Tumatawang sumulpot sa tabi ko si Eresh habang bitbit ang mga nakuha niya. Napairap na lang ako at naglakad patungo sa counter to have our items punched. Patuloy na tumatawa ang kasama ko habang ikinukwento ang nakita niya kanina. Kasabay ng pagtunog ng bawat punched items ay ang pagtakbo ng kung ano-ano sa isip ko. I wonder if they're arguing, iba kasi 'yong itsura ng babae kanina nang makalapit sakaniya si Johan. Well, the f**k I care? Lumingon ako sa kanilang gawi, his arms wrapped around her waist as he kissed her forehead, kalmado na rin ang babae kumpara kanina. I chuckled bitterly, napairap pa ako ng bahagya bago bumaling sa cashier to lend my money. "Akin na 'to," I raised a brow at Eresh when she pouted. Bumalik na kami sa bahay nila Elle nang makuha namin ang mga pinamili. "Salamat," tumatawang inilagay ni Eresh ang wallet niya sa bag ko, inilapag ko na ang bag sa table pagkapasok namin sa bahay. "Magdala ka nga ng bag mo sa susunod," kunot-noong sambit ko habang kumukuha ng tubig sa fridge. "Saka next time, sagot mo na lahat ng bibilhin natin." I smirked. "Kadayaan mong taglay!" she hissed before taking the glass of water from my hand, mabilis kong iniwas 'yon sa kanya kaya hindi niya nakuha. "Wag kang tamad, ayan lang ang fridge oh," I glared at her. "Kumuha ka ng sayo." I pulled the stool from the countertop and sat on it, inilapag ko ang baso ng tubig na hawak ko bago buksan ang laptop na nasa ibabaw. "It was Tiffany," napatigil ako sa pagttype nang magsalita si Eresh, kumunot ang noo ko sa kaniya. "Johan's girlfriend, 'yong kasama niya kanina." I just curved my lips into an 'O', wondering why she's telling me this. "I don't know, huh?" She shrugged before taking a seat in front of me. "But I find their relationship toxic." "Toxic or not, I'm not interested to someone else's relationship." Humalukipkip ako habang nakatitig pa rin sa screen ng laptop na kaharap ko. "Oh? Let me remind you that he was once your crush," mahinang sambit niya na tila ba'y gusto lang mang-asar. "Was he?" I chuckled sarcastically. "I'm still not interested." I smirked as I stood up, iniwan ko siyang mag-isa roon habang tumatawa. Totoo na naging crush ko dati si Johan, kahit sino naman siguro ay napapahanga niya sa napakaraming bagay. I won't deny the fact that he's good at sports, sinong hindi magkakagusto roon? Though, sandali ko lang naman siyang naging crush kaya hindi ko maintindihan kung bakit nang-aasar si Eresh ngayon. She should start minding her own life! Sumalubong sa akin ang paglubog ng araw. I crossed my arms as I watch the sunset. Sometimes I wonder why sunset is more colorful than sunrise, is it because in order for us to begin, one must end? But then I remembered the peace I had after letting go of what's not meant to be mine. Just like the beauty of sunset, better things come after a goodbye. The sky speaks in a thousand of colors when my lips can't find the right words to express what I feel. There I knew, even endings can be beautiful. ***  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD