Chapter 6

1044 Words
Hindi na ako dumaan pa sa tambayan namin ni Xander noon at sinabi ko na lang kay Marco na hatid na ako sa condo. Habang nasa loob kami ng sasakyan niya ay tahimik lang kaming dalawa at wala ni isa sa amin ang nagsalita. Siguro pati siya ay naiilang at nabigla din dahil sa pag amin niya sa akin. “Nandito na tayo." Aniya sa akin. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko man lang napansin na nakarating na kami sa building kung saan ako nakatira. “Thank you sa paghatid sa akin.” Ani ko na agad nang kinalas ang seat belt at binuksan na ang pinto ng sasakyan. “Seryoso ako sa sinabi ko Marga, kaya asahan mong mula ngayon na mas madalas mo na akong makikita ngayon at kung nasaan ka ay nandoon din ako.” Aniya sa akin ng akmang baba na ako sa sasakyan niya. Hindi ako sumagot sa kanya at tuluyan na akong bumaba ng kanyang sasakyan. Nalilito na rin ako sa nararamdaman ko sa kanya mula ng marinig ko ang sinabi niya na mahal niya ako. Bumuga ako ng hangin at pinindot na ang elevator para maka akyat na sa condo. Masyadong marami ang nangyari ngayong gabi at pagod na din ako. Hindi lang ang katawan ko ang pagod kundi pati ang isip ko. Nang bukas ang elevator sa floor kung saan ang unit ko ay agad na akong lumabas ng elevator pero agad din akong napatigil ng makita kong may nakatayo sa labas ng aking condo. Nag lakad ako palapit dito at ganun na lang ang pag bilis ng t***k ng puso ng makilala ko ito. Napalunok ako ng laway at pinigilan ko ang luha ko na tumulo. “Babe–” tawag nito sa akin ng makita niya ako. Tumikhim muna ako para tanggalin ang bara sa lalamunan ko bago sumagot dito. " Ano ang ginagawa mo dito?” Malamig na tanong ko sa kanya. Oo nga at umaasa ako na balikan niya ako pero hindi ibig sabihin nun ay lalambot na agad ako sa kanya. “Babe–” napatitig ako sa kanya. " Kung wala kang sasabihin umalis ka na lang Xander.” Ani ko at binuksan ang pinto ng aking condo. "Gusto ko lang sana na maka usap ka para iabot to kina tita.” Aniya na inabot sa akin ang isang paper bag. " Hindi na kailangan, isa pa wala naman na tayong kaya hindi mo na kailangan mag effort para mabigyan sina mommy at daddy ng gift.” Mataray na saad ko sa kanya. Isa lang naman ang gusto ko eh, ang sabihin niya sa akin kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin. “Mahal pa rin kita Marga.” Aniya kaya lumingon at paklang tumawa. "Mahal? Kung mahal mo ako Xander, hindi mo ako sasaktan. Pero ano ang ginawa? Nakipaghiwalay ka sa akin na walang dahilan ang tanging sinabi mo lang ay napagod ka sa relasyon nating dalawa. Ilang beses kitang tinanong kung saan ka napagod? Ilang beses akong nagmamakaawa sayo na wag mo akong iwan at ayusin natin to pero ano ang ginawa mo? Mas pinili mo ang saktan ako.” Sumbat ko sa kanya. Hindi na rin tumulo ang luha ko dahil na rin siguro na naubos na noong gabi gabi akong umiyak sa kanya. "Dahil yon ang gusto ng kuya mo at ni Marco” saad niya na namumula ang mata. “Ano naman ang kinalaman ni kuya at ni Marco sa pakikipaghiwalay mo sa akin?” Kunot ang noo na tanong ko. " Naalala mo ba nung nag paalam ako na makipag inuman kasama ang kuya mo?" Tumango ako sa kanya ng maalala ko na pina alam siya nun ni kuya sa akin na mag iinom sila. " Ano ang kinalaman nun?" Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni kuya sa party kanina. “Nung una maayos naman ang pag inom namin ni kuya JD sa bar nina tito Vince hanggang sa dumating si Marco na may kasamang dalawang babae. Siguro dahil sa takot ni kuya JD kay ate Suzy ay binigay nila sa akin ang isang babae kahit na todo tanggi dahil ayaw ko masaktan ka kapag nalaman mo. Pero si Marco mismo ang nagsabi na wag daw ako mag alala dahil hindi naman daw makakarating sayo at mga kaibigan naman daw nila ang babae.” bumuga muna siya ng hangin at tumingin sa mata ko. “Hanggang sa nalasing ako at ganun din ang babaeng katabi ko. Ang sabi ko nun kay kuya JD na aakyat na ako sa VIP room na kinuha niya para sa amin. Ang alam ko kasi magkasama kaming apat sa kwarto yong. Pero ng tumayo ako sa mesa sinabi ni Marco na alalayan na ako ng babae hanggang sa makarating ako sa kwarto. Hanggang sa maka akyat kami ay naging mabilis ang kilos ng babae. Lasing lang ako nun babe, pero ilang beses ko pa noon tinulak ang babae hanggang sa– hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa ibabaw ng kama kasama siya. At nang magising ako nun kasama ko pa rin ang babae at doon ko lang nakilala na isa siya sa kaklase ko.” nasaktan ako sa pag amin niya pero mas lamang ang galit ko para kay kuya at Marco. Kung kaklase ni Xander ang kasama niyang babae noon sinama ni Marco sa bar ibig sabihin ay pinlano nila ang lahat. Pero paano nila nagawa sa akin to? “bakit hindi mo agad sinabi sa akin non?” Kuyom ang kamay na na tanong ko. " Dahil natatakot ako na hiwalayan mo. Mahal na mahal kita Marga at alam mo yon, wala akong planong lokohin o saktan ka dahil hindi ko kayang ipagpalit ang halos anim na taon natin na relasyon kesa sa babaeng hindi ko naman lubusan na kilala. Pero ano ba ang magagawa ko? Isang araw pinuntahan na lang ako ni Marco at sinabi na layuan na kita dahil kung hindi ay ipagkakalat niya ang s*x video ko kasama ang babaeng yon.” Tuluyan ng tumulo ang luha ni Xander ng sabihin niya iyon sa akin. Ngayon ay alam ko na kung bakit bigla na lang siya nakipaghiwalay sa akin noon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD