CINDY Nakakainis! Umalis ako at bahala na sila sa buhay nila! Magsama sila ng babaeng 'yun! Pagkalabas ng tent ay sinalubong ako ng mga staff at tinanong ako. "Aalis na tayo?" tanong ng isa. Kinalma ko ang sarili ko para humarap ng ayos sa kanila. "Huh?" sabi ko kasi hindi ko naman alam kung saan pupunta. "Sasama daw sina Direk, napilit ni Sally para daw masaya mamaya sa club marami tayo," sabi niya. "Ah, no. Sorry pero may biglang appointment ako bukas ng maaga kaya hindi puwedeng magpuyat," pagsisinungaling ko. "Direk! Hindi daw sasama si Cindy?" sabi nung isang staff kay direk nung tinawag sa 'di kalayuan. "Why?" tanong ni Direk nung makalapit. "Pasensiya na direk may maaga akong appointment bukas eh," pagsisinungaling ko, "Enjoy na lang kayo ha, next time na lang ako, I need t

