KABANATA XXII- Promise

1013 Words

"Black magic?" ulit ko sa sinabi ni Dante. "Ang dami ring tanong sa isip ko kaya naisipan kong sumama sa matanda para pakinggan ko ang kuwento niya hanggang sa sinabi nga niya na isinumpa ako ni Celine. Ang sabi niya, hindi raw ako magiging maligaya sa relasyon ko sa babaeng mahal ko at sa sobarang galit daw ni Celine ay isinumpa rin niya ang libro niya," kuwento ni Dante. "Paanong pati libro niya?" tanong ko. "Sabi pa nung matanda nagsisisi raw siyang tinulungan niya si Celine dahil nakokonsensiya raw siya sa ginawa niya dahil matagal na siyang tumigil sa ganung trabaho, pero nagmakaawa raw si Celine noon at hindi niya akalaing magpapakamatay. Tanging si Celine lang daw ang makapagpapawala ng bisa ng sumpa.. pero wala na siya," sabi ni Dante. Hindi ko alam pero parang gusto ko ng maiya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD