KABANATA X- Patience

1308 Words

CINDY Hindi ako makatulog sa dami ng iniisip ko. Mamamatay ba ulit ang ilaw? Magpapakita ba ulit si Celine? Mapapanaginipan ko ba siya ulit? Maririnig ko na naman ba ang pangalan ko? May sasabihin na naman ba si Celine sa panaginip ko? Maya-maya ay sumagi sa isip ko ay si Gary naman. Nakakainis, hindi niya ako tinetext o tinatawagan man lang. Ayaw na ba niya sa akin? Tuluyan na bang matatapos ang relasyon namin? s**t, I can't help myself from crying. "Miss Cindy, may masakit po ba sa inyo?" tanong ni Jaz mula sa ibaba ng kama. Narinig siguro niya ang mahina kong paghikbi. Kasama ko si Jazz sa kuwarto ko dahil hindi ko pa kayang mag-isa. "I'm okay, matulog na tayo," sabi ko na lang at tumagilid para talikuran si Jaz. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ako dalawin ng antok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD