“Manong ito oh, keep the change!” Inabot ni Megan ang buong isang libo sa matandang drayber na naghatid sa kaniya sa bagong apartment. Tatlong araw na rin simula ng lumipat siya roon. Kahit paano ay nag-aadjust pa rin siya. Sobrang layo ng katayuan ng apartment niya kumpara sa dati na kahit paano ay maalwan para sa kaniya tumira. Pero wala siyang pamimilian. Kailangan niya magtipid habang wala pang nakikita na permanenteng trabaho. She accepted Leander's offer but she can't stop trying to find a better job. Kung tutuusin hindi naman gano'n kasama ang trabaho niya sa kompanya ng kaibigan pero hindi siya pwedeng mag-walang-bahala na lang sa magiging kinabukasan niya. Kahit nga nagtatrabaho siya para sa pera hindi niya maalis sa isipan na umaasa siya sa tulong ng kaibigan. And for some re

