JASMINE LOPEZ Tahimik lang ako habang sakay ng sasakyan ni Anton. Hindi naman ako kinakabahan pero pakiramdam ko sumasakit ang tyan ko sa tuwing malapit siya sa akin. "You look tense." sabi niya habang ang mga mata niya ay nakatingin sa kalsada. "Ha! Ako tense? Paano mo naman nasabi? Manghuhula ka ba." Sagot ko sa kanya. "Hahaha... Look at your face, hindi naman halatang tense na tense ka. Don't worry, wala naman akong gagawin sayo. Promise kakain lang tayo." Sabi niya sa akin na ang lakas pa ng tawa niya. "Alam mo feeler ka talaga, hindi naman ako na te-tense lalo na sayo. Anong akala mo ang gwapo mo para matense ako? Eww... Para na nga kitang tatay jan." sabi ko sa kanya. "Ouch! Ang shakit naman, meron bang tatay na kasing gwapo ko." sagot niya sa akin. Napatingin ako sa kan

