ANTON DEVIER Nagising ako dito sa condo ko dahil sa masakit sa balat na sinag ng araw na nag mumula sa aking bintan. Pinilit kong tumayo pero ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Napahawak pa ako sa aking ulo ng maramdaman ko ang pagkahilo ng bigla akong tumayo Tumayo ako sa kama ko para pumunta ng banyo. Nagulat pa ako ng makita ko na wala akong kahit anong suot na damit. "s**t!" Ano bang nangyari kagabi? Wala akong maalala? Ang natatandaan ko lang ay nag inom kami ng mga kaibigan ko dahil sa nakipag hiwalay sa akin ang finace ko. Pumasok ako sa aking banyo para maligo, masakit ang ulo ko dahil sa hang over. Habang naliligo ako ay may bigla akong naalala na isang babae. Ipinikit ko ang mata ko at pilit kong hinahanap yung babae sa aking alaala. Napadilat ako bigla. May pira-pirasong

