JASMINE LOPEZ Napakurap - kurap ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ani ang sasabihin ko. Halos mag 1 month pa lang kaming magkakilala pero parang pakiramdam ko nanliligaw na siya sa akin ngayon. “That I’m starting to like you more than I should.” Paulit-ulit na bumabalaim sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Seryoso ba talaga siya. Mabilis kong hinila ang kamay kong hawak niya palayo sa kanya. Hindi dahil ayaw ko kundi dahil bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na baka mahulog ako sa kanya at lokohin niya rin ako kagaya ng ginawa ng ex ko. Hindi pa rin naman ako sigurado sa kanya na wala siyang sabit. Napansin niya yata ang pagbabago ng ekspresyon ko, dahil agad ding nawala ang ngiti sa labi niya. "Hey... did I say something wrong?" mahina niyang sabi. Napailin

