ANTON DEVIER Parang tumigil ang mundo ko habang salo ko si Jasmine sa mga bisig ko. “Sweetie… look at me.” nanginginig ang boses na sabi ko. Pero hindi siya sumasagot. Namumutla siya at pinagpapawisan. Kita ko rin na nanghihina na siya. Pero kahit na kita kong mahina siya. Ramdam ko pa rin ang unti - unti niyang paglayo sa akin kahit na hawak ko na siya. “Jasmine!” sigaw ko ulit, mas malakas na ngayon. Lumapit ang mommy at daddy niya saka siya inalalayan ng mga ito. “Anong ginawa mo sa anak ko?!” galit na sigaw ng Daddy niya habang hinihila siya palayo sa akin. “Sir, hindi ko alam kung ano nangyayari sa kanya!” gulat kong sagot habang pilit na sumusunod. Pero bigla akong hinarangan. “Kapag may nangyari sa anak ko, sisiguraduhin kong mananagot ka, Anton!” madiin niyang sabi. Na

