THIRD PERSON Halos madaling araw na ng ihatid ni Anton si Jasmine sa bahay nila. Gusto pa sanang pumasok ni Anton pero pinigilan na ito ni Jass. "Bukas na lang tayo ulit magkita, umuwi ka na. Late na rin kaya mas magadang makapagpahinga ka, pareho pa tayong may pasok bukas." Sabi ni Jasmine. Pababa na sana siya ng sasakyan ng pigilan siya ni Anton, pag harap niy ay sinalubong siya ng labi ni Anton at agad siyang siniil ng halik. Hindi naman ito nagtagal at agad ding binitawan ng binata ang labi niya. "Goodnight, sweetie..." sabi sa kanya ng binata. "Goodnight, daddy," malambing din na sabi ni Jass, bago siya tuluyang bumaba sa sasakyan ni Anton. Tahimik na pinagmasdan ni Anton si Jasmine habang naglalakad papasok sa loob ng bahay nila. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niy

