JASMINE LOPEZ "Mom, ano pong sinasabi ninyo?" maang-mangan kong tanon. "Just kidding, Iha, let's go downstairs. Kanina pa doon nag hihintay ang sundo mo." sabi sa akin ni Mommy. Napakunot ang noo ko, sino naman kaya ang susundo sa akin? "Bilisan mo anak at kanina pa naghihintay ang malaking pusa sa baba." saad ni mommy habang pasimple ang pagngiti niya. "Mom, you're teasing me. Parang may alam ka, tell me, mom." daddag ko pa, habang naglalakad kami sa hallway pababa ng hagdan. "What?" nakangiti siya sa akin. "Wala akong alam sa sinasabi mo, iha. Di ba nga't ikaw ang may sabi na may pusa kagabi sa kwarto mo." ulit pa niya. "You're so weird, mom." sagot ko. Pababa na kami ng hagdan nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa living room namin. Likod pa lang niya, kilala ko n

