JASMINE LOPEZ Binigyan ako ni Miss Karen ng mga flyers na hindi ko alam kung para saan. Napakunot ang noo ko, 'anong gagawin ko sa mga flyers na ito? "Excuse me, Miss Karen, may I asked kung ano po ang gagawin ko sa mga flyers na ito." sabi ko sa kanya. "Di ba ang work mo is sa field, ano ba sa tingin mo ang gagawin mo d' yan?" medyo mataray niyang sabi. Hindi ko agad nasagot si Miss Karen. Napatingin lang ako sa hawak kong makakapal na flyers, mga papel na may naka-print na promosyon ng kumpanya. Magandan kulay, simpleng design, at halatang pang-masa ang target. Halatang pinag isipan ang layout. Pero hindi ito ang trabahong in-expect ko. Alam kong magsisimula ako sa mababa, pero grabe naman na mamigay ng flyers sa kainitan ng araw. Hindi ako ng aral ng halos limang taon para lan

