JASMINE LOPEZ Gulong gulo ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko muna mapag isa para makapag isip ako ng tamang gawin. Bumalik ako sa sasakyan ko at pinatakbo ko ito ng walang direksyon. Bahala na kung saan ako dalahin... Basta patuloy lang ako sa pag da-drive. Hanggang sa napadpad ako sa isang beach resort sa Batangas. Lumabas siya ng kotse niya at nag check in siya sa isang room para doon muna siya magpalipas ng gabi. Bumalik ako sa sasakyan ko t kinuha ko lahat ng importateng gamit na dala ko. Saka ako naglakad pabalik sa hotel at dumiretso sa room na kinuha ko. Dito ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat ng takot ko at pag aalala. Hindi ko alam kung papaano ko ba haharapin si Anton, pagkatapos ng nalaman ko. Natatatakot ako na baka husgahan niya ako, n

