ANTON DEVIER Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas mula nang umalis si Jasmine. Ang alam ko lang, paulit-ulit na lang na ganito ang eksena sa buhay ko. Gigising sa gitna ng magulong isip, hilong-hilo dahil sa alak na akala ko makakapagpatahimik sa lahat, pero mas lalo lang palang nagpapalugmok sa akin sa kalungkutan. Nakaupo ako sa sahig ng penthouse ko habang nakasandal sa sofa, hawak ang isang basong hindi ko na maalala kung pang-ilan ko na ngayong gabi. Wala na akong sense ng oras. Pare-pareho na lang ang araw.. madilim kahit maliwanag, tahimik kahit maingay. Ang tanging malinaw lang sa akin ay isang pangalan. At yun ay ang pangalang ng babaeng labis kong minahal pero siya rin ang labig na nagpapahirap sa akin.... Si Jasmine. Paulit-ulit at para na akong sirang palaka na p

