ANTON DEVIER "Bro, kailan mo naman balak bumalik ng Pilipinas?" Tanong sa akin ni Pax. "Pina - rebook ko na ang ticket ko sa secretary ko, hinihintay ko na lang ang email sa akin." Sagot ko. "Sure ka na ba talaga na ayos ka na? Naka pag move on ka na?" muli niyang tanong. "Hindi pa ako totally nakakapag-move on, but I'm getting there." Sabi ko sa kanila. Totoo naman ang sinabi ko, hindi pa ako totally nakaka move on pero malapit na. Naagaw ang attention ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong dinukot sa bulsa ko at tinignan kung sino ang natawag sa akin. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Sharmaine sa screen ng cellphone ko. Agad kong pinindot ang answer botton at sinagot ang tawag niya. "Hello!" bungad kong bati sa kanya. "Anton, kamusta ka na

