Lian's POV Hawak ko ang kaliwang kamay ni Alex habang wala pa rin itong malay. Nakahiga ito sa kama at payapang natutulog. It's been two weeks since nagkaroon ng shoot-out sa yate, sa awa ng dyos ay okey lang naman ang anak naming si Lyka na mino-monitor ng pedia para sa aftershock na sessions. Naiiyak ako habang nakatanaw sa kawawang asawa ko, para akong nanghihina na kamuntikan nang mawala siya sa akin. "Please wake up, kailangan ka namin." Sabi ko pa habang masuyong hinalikan ang kaniyang noo. Sabi ng doktor ay maayos na ang lagay niya mula nang maoperahan ang kaniyang dibdib. Doon bumaon ang isang bala na natanggap niya mula kay Vanessa. Patungkol naman kay Vanessa, namatay ito sa isang putok rin ng baril sa oras ding iyon, nabaril siya sa ulo ng pulis na kasamahan nila Alex, natu

