Kabanata 2

1258 Words
Hilam ng luha ang aking mga mata habang si Atlas naman ay naririnig ko pa ang paghinga nito ng malalim sa aking ibabaw. Nakayapos ito sa akin na para bang takot itong makawala ako. Na para bang tatakbuhan ko siya. "Tapos ka na ba?" tanong ko. Itinaas ko ang aking paningin at tiningnan si Atlas. Bumungad kaagad sa akin ang kaniyang makapal na kilay at nakakunot na noo. Habang ang mga mata nito'y sinusuyod ang aking mukha. Napakurap ako ng ilang beses upang palisin ang nagbabadya ba namang pagtulo ng aking mga luha. Umalis si Atlas sa aking ibabaw at gumulong ito sa aking tabi. Dinig na dinig ko ang kaniyang mga buntong-hininga at mga mahihinang pagmumura. Ang mukha ng isang taong galit at ang kilos ng isang taong matindi ang galit. Natanong ko tuloy sa aking sarili kong nagsisisi ba ito sa nagawa sa akin ngunit, agad kong pinalis iyon. Why would he regret? Alam ko namang sa umpisa pa lang ayaw na niya sa akin. Namumuhi na siya sa akin, kaya bakit pa ako aasa. "Hindi ako sasama sa'yo, bukas! May lakad ako kasama si Trina. Huwag ka na ulit pupunta sa café niya at susugod. Hindi pa ba sapat na nakakasama mo ako kahit ayaw ko?!" Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin ko. I don't know if I should look at Atlas and beg him to come with me. Hindi ko rin alam kung manhid ba talaga ito o nagmamanhid-manhiran lang. Why'd he still can't see the things that is always been there? Always there that he just need to open his eyes. Mahal ko siya. Mahirap ba talagang paniwalaan iyon? "Kahit kailan gusto mo napapaikot ang lahat, Olive!" dagdag pa nito. I sighed. Pinilit kong mawala ang bara sa aking lalamunan. Pilit ko ring pinapakalma ang aking sarili sa nagbabadyang paglukob ng isang mapait na pakiramdam. I don't want to feel and look pity. Sawang-sawa na akong maawa sa sarili ko. "I know. Sige, sa susunod hindi na ako lalapit sa kaniya." Napailing ako. Alam kong iba ang bersyon ni Trina sa nangyari kanina. Iba rin ang bersyon ko. Kahit sabihin ko pa kay Atlas ang totoo, hindi rin naman siya maniniwala sa akin. Napangiti ako ng mapait. Kailan ba naniwala si Atlas sa akin? "Sana magtanda ka na." Doon ko nagawang ibaling ang tingin kay Atlas. Naghuhimiyaw ang puso ko sa kaniyang sinabi. Ganoon ba talaga ako kababa para sa kaniya? Gusto ko siyang saktan at pagsasampalin ngunit sadyang mahina ako. Hindi ko makuhang manindigan para sa aking sarili dahil alam ko naman na totoo. Alam kong kasalanan ko. Na dapat lang sa akin ang mga bagay na ginagawa niya sa akin. Isang parusa para sa pagiging makasarili ko. Iniwan ako ni Atlas pagkatapos niyang sabihin sa akin ang mga katagang iyon. Nanatili ako sa aking kama at hinayaan ang sarili na nakahubad. Latang-lata ang aking pakiramdam dahil sa nangyari. Maging ang aking isip ay pagod din. Hindi lang pisikal kundi maging emosyonal na sakit ay kayang iparanas sa akin ni Atlas. Kaya niya akong durugin ng paulit-ulit. Ngunit, kailangan kong pilitin na sanayin ang sarili. Kailangan kong maging manhid sa lahat. This isn't about me anymore. This is also about my career. The name that I always taking care of. The respect and inspiration that I am getting from the people. The trust of my father that is always been looking forward to my future and my children. This is about my whole life. The pain that I felt from Atlas lies the from the things I don't want to be known and ruin. I sighed. I will just let myself be drowned from the pain. Maybe that way, I can finally forget the situation that I am in. I will just let myself fall into slumber and be numb, for a while. I woke up late the next morning. Masakit ang ulo ko pati na ang aking katawan. Pinilit ko pa rin ang sarili na bumangon at mag-ayos ng sarili. I have a very important patients for today. A VIP to be exact. Nagmamadali akong lumabas sa aking  kwarto. Suot ang aking usual outfit na skinny jeans at sleeveless black ruffled blouse ay magaan ang mga hakbang ko. Bitbit ko rin ang aking shoulder bag sa kanang kamay. Nagulat pa ako nang madatnan ko si Atlas sa aming kusina. Mukhang kakagising lang din nito at nagtitimpla ng kape. "Good morning," bati ko dito. Inilapag ko ang bag sa mesa maingat na kumuha ng bottled water sa ref. "Hindi ka man lang kakain?" Nagulat ako sa sinabi ni Atlas. Nilingon ko siya mula sa hamba ng pintuan ng kusina at pinakatitigang mabuti. Nakakunot din ang noo ko habang ito naman ay abala sa ginagawa. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko mawari kong dinadaya lamang ba ako ng aking pandinig. Gusto kong buksan ang bibig ko para magtanong sa kaniya kung ako ba ang kinakausap niya o may sinasabi ba siya sa akin ngunit, walang salita ang namutawi sa akin. Parang ang lahat ay napakahirap bigkasin. Parang ang lahat ay napaka-imposible. Sa huli, napabuntong-hininga na lamang ako. Laglag ang balikat na nagpatuloy sa paglalakad paalis sa aming bahay. When I got inside my car, I wiped away all my worries. Kahit kailan hindi ko hinayaan ang sarili ko na malunod sa sakit. I will always find a way on how to handled it. I will always be in composure and professional. Bakit nga ba hindi? Namaster ko na yata ang pagiging mapagpanggap. Sinalubong agad ako ng aking sekretarya pagpasok pa lang sa aking clinic. Nakangiti ito sa akin habang binabati ako. Tango lamang ang tanging naging tugon ko dito at nagpatuloy na sa aking opisina. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad kaagad sa akin ang aking pasyente. Seryoso habang nakatitig sa akin. Habang ang kasama naman nito ay pilit ang ngiti at may nag-aalalang tingin. It was a very quick session for me. Hindi ko pinilit dahil halata sa awra ni Mr. Monterio ang hindi pagsang-ayon. Maging ang mga sagot nito ay pabalang. Napapailing na lamang ako habang galit nitong binalingan ang asawa. I never thought, the hottest billionaire in the Philippines will become as hardheaded as it was, a while ago. Very stubborn and hard to tame. "I'm sorry, Anya but we can't force Andrius to do things against his will. Mas makabubuti kung hayaan na muna natin siyang makapag-isip." seryosong turan ko dito nang iwan kami ni Mr. Monterio. Hinawakan ko rin ang kamay nito. "Please, be patient. I know, it's very hard for you." "Nakakainis naman kasi! Nakakaputang*na!" Napangiwi ako sa sinabi nito. Gayunpaman ay hindi ko na lamang ito pinansin. Bagkus, ay marami akong sinabi dito para makatulong sa sitwasyon nito at ni Mr. Monterio. Staying in love to the person who can't love me back is a choice that I made. Staying with Atlas is the only option that I set in myself. Staying to be hurt is always been my consequence. Naisip kong katulad ko nasasaktan din si Mrs. Monterio. Mas malalim nga lamang siguro ang sakit na nararanasan ko kumpara dito. I kept myself busy for the last hours of my work. Marami akong kliyente. Iba't ibang mga kilalang tao at personalidad. Marami din ang bumibisita. Mga kamag-anak man o kakilala. May iilang imbitasyon sa mga magazine at isang guest interview sa isang medical show. Napapailing na lamang ako habang papalapit ang oras ng pag-uwi. Some people needs me. They wanted me. But for Atlas, I'm some random trash that can easily be thrown. Walang silbi. Walang pakinabang. Hindi importante. @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD