Simula

1139 Words
"Y-Yes! Mrs. Monterio. This is noted. Okay, we're going to meet tomorrow. Sige po. Bye!" Pagkatapos kong maibaba ang tawag ay napabuntong-hininga na lamang ako. Mabilis rin ang mga lakad ko habang papasok sa clubhouse ng South Ridge Village, isang eksklusibong lugar na kinabibilangan ng mga mayayaman at prominenting tao. Napapailing na lamang ako habang pinagmamasdan ang aking hitsura mula sa salaming dingding nito. Pawisan at halatang pagod mula sa mahabang paglalakad. "Malas!" bulong ko sa sarili. Sa entrada pa lamang nang nasabing lugar ay kapansin-pansin na ang magarbong interior nito. Ang namumukod tanging fountain na nasa sentro mismo nang pavilion at ang malawak na function hall. Minimalist ang desinyo at kulay ng lugar kaya napakaganda at napakaaliwalas nitong tingnan. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang naggagandahang mga muwebles na aking nadadaanan. Ang naghuhumiyaw na kaelegantehan ng lugar at ang magarbong marmol na sahig na lahat ay halatang pinagkagastusan. Ngumiti ako sabay napailing. South Ridge Village screams luxury the main reason why I always wanted to live in the place. "Alam mo ba? 'Yang bagong lipat d'yan sa kabila, kabit pala 'yan?" Tumaas kaagad ang kilay ko nang marinig ang isang bulungan mula sa aking harapan. Kakaupo ko pa lamang mula sa mahabang paglalakad ngunit iyon na kaagad ang bumungad sa akin. Parehong sopistikada at nagsusumigaw sa karangyaan ang mga ito na prenteng nakaupo sa silya na nasa aking unahan. Kasalukuyang nagsasalita ang presidente ng village para sa gaganaping Christmas Party sa darating na pasko ngunit, iba naman ang pinag-uusapan ng mga ito. "Narinig ko nga rin sa isang amiga ko, binubugbog pala 'yang si Mrs. Martinez. Naku! Napakaganda at napakamahinhin pero may pinagdadaan pala." wika naman ng isa. Hinampas pa nito ang kasama habang nagtatawanan ang mga ito na para bang may nakakatawa sa kanilang pinag-uusapan. "Alam mo, 'yang si Mrs. Ramirez din. Niloloko ng asawa. Nakita ko kamakailan, umiiyak nang mag-isa sa park. Nakakaawa!" Tumikhim ako. Tumikhim ako para agawin ang kanilang pansin at hindi naman ako nabigo. Agad na nanlaki ang kanilang mga mata pagkakita pa lamang sa akin. Napangiti din ito ng pilit na hindi man lamang umabot sa mga mata ng mga ito. 'Plastic!' hiyaw ng aking isip. "It's very rude to talk about others life behind their back. Why not, talk to them in private. Malay niyo, makatulong pa kayo!" mariin kong sabi sa mga ito. Natawa ang dalawa ng alanganin. Hindi rin mapirmi ang kanilang mga mata na nakatitig sa akin. Bakit ba may mga taong mahilig mangialam sa buhay ng iba? Bakit may mga taong natutuwa pa sa kamiserablehan ng iba? Why don't they mind their own business? It is easier that way. "Pasensya ka na, Doktora." hinging paumanhin ng mga ito sabay napayuko. Halatang napahiya ang mga ito sa kanilang ginawa. Tumango ako at lumipat na lamang ng bagong upuan. Pinili ko ang bakanteng silya na ilang dipa lamang ang layo mula sa entablado. Nakinig ako sa bawat plano at mga suhestiyon ng iilan kong kasamahan sa home owners ngunit, saglit lang ay hindi ko maiwasang sulyapan ang aking mga kasamahan isa-isa. Curiosity filled within me while watching them from afar. Nagsusumigaw din sa aking utak kong totoo ba ang paratang sa mga ito. Kung totoo bang niloloko ang mga ito ng kanilang mga asawa. Napailing ako kapagkuwan. Ano bang pinag-iisip ko? Na katulad ko ay niloloko din ang mga ito? Na miserable din ang buhay ng mga ito? Mas lalo akong nanliit sa sarili dahil sa naisip. How low of me thinking misfortune to others. Nakakatawa at nakakaawa ang isang katulad ko. Isang babaeng nang-aamot nang pagmamahal mula sa taong nangako ng walang hanggan sa altar, kasama ko. Napangiti ako ng mapait para sa sarili. Pinilit ko ring pakalmahin ang unti-unti na namang pagsikip ng aking dibdib. Sino nga ba ang niloloko ko? Aasa pa ba akong mahalin ng aking asawa? Ang pangako ni Atlas sa harap ng altar ay hanggang salita lamang. Walang ibang kahulugan. Dahil alam na alam ko naman na hindi niya ako mahal. Napakasakit, para sa katulad kong namanhid na nang hapdi at pasakit. Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang meeting. Mabilis akong tumayo para lisanin na ang lugar ngunit, tinawag ako ng presidente. Wala akong nagawa kundi ang makihalubilo sa aking mga kasamahan. Habang nagpapalitan ng salita ang mga ito sa harap ng eleganteng tea table ay nakikinig lamang ako. Sasagot kong tatanungin at kung minsan pa ay tatango na lamang. Pinagmasdan ko rin ang mga ito sa malapitan. Napagtanto kong ang chismis ng iilan ay may basehan. Kitang-kita ko at damang-dama ko. "Pasensya na kayo, hindi talaga makakadalo si Zandro sa party bukas. Hindi na rin ako dadalo. Alam niyo naman.. kung nasaan ang asawa nandoon din tayo." natatawang wika ni Pepper, isa ding miyembro ng asosasyon. Napailing ako sa nakita. Kaya mang takpan ng isang plastic na ngiti ang lungkot. Ngunit, hindi maaring pekein ang damdaming isinisigaw ng mga mata.  Lungkot, hirap at pasakit. Hindi lamang ako ang may pinagdadaanan. Maging ang mga kasama ko ay ganoon din.  Nagmamadali akong nagpaalam pagkatapos. Ni hindi ko na hinintay na may sumagot pa sa akin. Dire-diretso ang lakad ko patungo sa aking kotse na nakapark di kalayuan. Nang makalapit ay agad ko itong pinasibad patungo sa direksyon kong saan alam kong masasaktan lamang ako. Hindi kalayuan sa village ay narating ko ang aking pupuntahan, ang Dreame Café. Hindi ko na pinansin ang mga naroon at dumiretso na kaagad ako sa opisina kanugnog ng counter. Nakita ko kaagad ang babaeng aking hinahanap. Si Trina, ang kabit ng aking asawa. "Anong sadya mo?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Agad kong ikinuyom ang aking mga palad habang ito naman ay nakangising pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Napapailing pa ito na tila pa hindi makapaniwala sa nakikita. "Gusto kong hiramin si Atlas, bukas. May pupuntahan kami. My family gathering kami at kailangan nandoon siya." sagot ko sa tanong nito kanina. Natawa si Trina sa aking sinabi. Pumapalakpak pa ito na parang tuwang-tuwa. Ngunit, alam kong sa likod niyon ay isang sarkastikong tono. Na may halong galit at panliliit. "Hindi ko alam kong manhid ka ba Olive o bulag. Ayaw n ayaw sa'yo ni Atlas pero pinilit mo pa rin. Ngayon naman pati oras ko gusto mo na ring kunin? Akin si Atlas bukas! Schedule ko kaya magtiis ka sa kahihiyan!" Sa lahat ng sinabi nito tanging ang huling pangungusap lang ang tumatak sa akin. Schedule. Para kaming mga bata na nagpapatentiro sa laro ng kapalaran. Naghihintay kung kailan magiging taya. Kung sino ang dapat mauna o kung para kanino ang laban. Ako ang totoong asawa. Ako ang pinakasalan. Ako ang nakikihati sa oras at panahon. Ako rin ang nasasaktan. Isa akong psychiatrist ngunit hindi ko kayang gamutin ang sarili kong sakit. Hanggang kailan ko kayang tiisin ang sakit? Hanggang saan ang kaya kong panindigan? Ilang luha pa ang kaya kong ibigay? @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD