Chapter 2: The Secrets

1364 Words
Hottest version of The Hottest Bed in Town, they are the hottest men.  Hottest content so read at your risk. Mag-ingat. Nakakapaso. Book 3: Chapter 2: The Secrets Masakit kay Frangie na makitang pinapahirapan ang loob ng bunsong kapatid na si Arwynn. Pero sa nakalipas na labindalawang taon ay binago na siya ng mga pangyayari at mga sikretong kanyang nalaman. Mga sikretong unti- unting nagpabago sa kanyang mga pananaw at sa kanilang brothers' code. Mahirap pero nagagawa na niyang tiisin ang kapatid at hindi na niya ito pinagtatanggol sa lahat ng pagkakataon. He was actually triggered at the moment. ………. Naalala niya tuloy ang gabing iyon... Walong taon na ang nakakaraan. Nagbakasyon siya sa Pilipinas. During summer at winter break kapag may oras ang kanyang Uncle Armand ay bumibisita sila ng Pinas. Tatapusin na niya ang high school sa Canada. Isa pa’y tuluy-tuloy pa rin ang kanyang treatment. At least ten years ang verdict ng mga doctor upang tuluyang mawala ang mga trigger ng kanyang epilepsy.  “Franjie tandaan mo mahal na mahal ka ni Uncle Armand.” Saad ng tyuhin bago siya pababain ng sasakyan pagkagaling sa airport. “Ako lang ang tunay na nagmamahal sayo. Kung mahal ka nil asana dinalaw ka nila kahit minsan di ba? Pero hindi nila ‘yun ginawa. Naka-recover na ang mommy mo sa sakit niya pero hindi ka pa rin niya naisipang dalawin. Kasi mas mahal niya si Arwynn. Ang daddy mo naman negosyo lang at pera ang mahal. Just be yourself. Wag mo silang intindihin. For sure hindi ka nila maiintidihan because you were raised in a liberated country. Hindi ka na nila kilala pa. Pero mahalin mo pa rin sila. They are your parents after all. Ang wag kang papayag ay ang malamangan ka ni Arwynn. Ilang taon silang magkakasama. Siguradong siya na ang paboritong anak. Ampon pa man din ‘yun.” Tumatango lang siya habang matimang nakatitig sa mga mata nito. “Mahal na mahal din po kita Uncle Armand.” "Ikaw Frangie come here!" Pagtawag sa kanya ng ina. Nakakunot ang noo nito. Tila pagagalitan na naman siya. Lagi siya nitong pinapagalitan magmula noong makabalik siya para magbakasyon. Kumpara kay Arwynn ay tila mas mahal nito ang kanyang kapatid. Ngunit hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa ina. Pilit niya itong inintindi. Mahal niya pa rin ang ina.  "Ano po yun mommy?" Tanong niya rito. "One of our neighbors told me na muntik mo nang suntukin ang anak niya! Ikaw basagulero ka talaga eh no? Anong klaseng buhay ba ang meron sa Canada?!"  "Filomena! Hindi mo naman kailangang pagsabihan ang anak mo!" Biglang umawat ang kanyang ama. Tila nakita nito ang nangyari. "He already explained to me. Binu-bully kasi siya ‘nung mga bata nang naglalaro sila!"  "Dinidisiplina ko lang si Franjie. Hindi pwedeng kapag nainis siya ay manununtok nalang siya basta-basta. Parang ikaw noon nalasing ka lang nanamantala ka na ng kahinaan ng iba. Hindi ako papayag na matulad sayo ang anak ko. Kung kaya kong baguhin ang dugong nananalaytay sa kanya ay gagawin ko.” Hindi na niya kinaya ang sinabi ng ina. Ten years old na si Frangie. Nakakaintindi na siya. Hindi na siya bata. Tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Bakit mom?! Dugo rin naman kita ah! Dugo mo rin ako! Bakit ganyan ka sa akin?!"  “Yun na nga eh! Kung alam mo lang kung paano ka nabuo. Dahil sa mga maling desisyon at padalos-dalos na gawain ng iba dyan!” Galit na galit ito. Tila ayaw talaga sa kanya ng sariling ina. "Sabihin mo sa akin mom! Sabihin mo sakin para malaman ko!" "Tama na Filomena! 'Wag mong idamay ang bata! Nakinabang ka rin naman ah nang sabihin ng mga magulang mo na ipakasal ka sa akin? Nagpapakasasa ka sa kayamanan ko at ng pamilya ko! You're even managing the Paradise Suites at ginagalingan mo naman! You're living a life na hindi basta- basta makukuha ng ibang babae! Gumaling ka sa sakit mo nang dahil sa pera ko!" Muling pumagitna ang kanyang ama. Hindi niya naiintindihan kung saan nanggagaling ang hugot ng dalawa. "Sa tingin mo tuwang- tuwa ako sa pera mo Arturo? Ginagalingan ko para kapag iniwan na kita mapapabagsak kita. Nag- iipon ako para maging mas mayaman ako sayo! Aalis kami rito ng mga anak ko!” Saka ito biglang napahawak sa dibdib. Unti- unting nagbago ang itsura nito. "T- tulungan niyo ako."  Tuluyang nawalan ng malay ang kanyang ina. Kaagad naman itong sinugod sa ospital ng kanyang ama. Naiwan sa bahay si Arwynn dahil masyado pa itong bata.  Habang naghihintay sa labas ng emergency room ay kinausap siya ng ama. "Mahal na mahal kita Frangie. Mahal ko kayo ni Arwynn. Sana ay 'wag mo nang pansinin ang mga sinabi ng mommy mo kanina huh? Intindihin mo nalang siya. Pagod siya sa trabaho."  "Yes po daddy. Mahal na mahal ko po si mommy." Saka lumapit ang doktor sa kanila. "Mr. Pineda malala na po ang asawa ninyo." Bungad ng doktor. "M- malala? Ano pong ibig ninyong sabihin dok?" Tugon ng ama. "Hindi niyo po alam? Stage four na po ang kanyang breast cancer. Bumalik po ang kanyang cancer cells one year ago. Her body was resisting all the medications including the chemo. Hindi na po siya magtatagal. I'm really sorry po." Saka ito umalis. Kitang- kita niya ang pagpatak ng luha sa mata ng ama. Alam niyang mahal nito ang kanyang mommy. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit iba ang pagtrato ng kanyang ina sa sarili nitong asawa. Hindi naman niya kinaya ang narinig. Tumatangis siyang tumakbo papunta sa kwarto ng ina. "Mommy!" Bulalas niya saka ito niyakap. "'Wag mo akong iwan! Magpagaling ka mommy! Mahal kita mom!" For the very first time ay nakita niya itong umiyak dahil sa sinabi niya. "Patawarin mo ako Frangie sa lahat ng pagdidisiplina ko sayo. Patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ina sayo. Tinago ko sa daddy mo ang sakit ko dahil ito ang naisip kong paraan upang tuluyan siyang iwan. Kapag namatay ako. Pero alam mo ba ang tunay na rason kung bakit ako nagpakaabala sa trabaho sa Paradise Suite matapos kong magpagaling noon sa unang bahagi ng cancer ko? Para makaipon para sa future niyo ni Arwynn.” "Hindi niya kami pababayaan mom. Magbati na po kayo ni daddy. Magpagaling ka mom. Please." Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa inang unti- unting nauupos. "Baka hindi ko na ito masabi pa sa iyo at sa kapatid mo. Ampon si Arwynn pero itinuring ko na siyang tunay na anak. Alagaan mo siya huh? Ikaw naman ang bunga ng pananamantala sa akin ng daddy mo." Tugon nito. He got it pero hindi siya sigurado. Hindi niya alam ang buong kwento. Nanginginig si Frangie. "Magkaklase kami ng daddy mo noong college. Magkabarkada. May gusto na pala siya sa akin. Isang gabi nagkainuman. Nalasing daw siya. Hindi na niya alam ang ginawa niya. Pero tanda ko lahat. Pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko. Hayup sya! Tapos ay binili na niya ang parents ko. Sinilaw ng pamilya niya ng pera para ipakasal ako at itali sa miserableng pamilyng ito. Iyon ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa daddy mo at sayo! Bunga ka ng kahayupang ginawa niya sa akin! Nang pansasamantala niya sa akin dahil lasing kaming pareho. Then one day may nagpaampon sa akin. Si Arwynn ang batang 'yon. Fra..." saka ito napahawak sa dibdib. Tila may nararamdaman na naman itong kakaiba. Ngunit wala na sa kanyang sarili si Frangie dahil sa kanyang mga narinig.  "T- tumawag ka ng doktor." Utos nito ngunit halos hindi na niya iyon narinig. He was too emotional. Nagtatakbo siya palabas ng ospital. Sa kalye niya inalabas lahat ng galit at lungkot. Now he knew everything. The reason why his own mother don't loved him. Mas mahal pa nito ang ampon na si Arwynn. Alam naman na niya iyon dati pa nang sabihin ng kanyang Uncle Armand. The next thing na nalaman niya ay patay na ang ina. Nang atakihin pala ito noon ay tuluyan na itong binawian ng buhay. Bagay ba sinisi niya sa kanyang sarili. ......... "Ampon ka lang Arwynn..." tugon niya sa tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD