Chapter 2

5000 Words
Nagpupumiglas pa si Abigail habang hinahatak ko siya palabas ng bar. "Bitawan mo nga ako Christian, bakit ka ba nandito?" sigaw ni Abigail. "Do you really not know why I'm here? Nandito lang naman yung girlfriend ko at nakikipagsayawan sa ibang lalaki what do you think your doing Abigail? You're not even answering my texts and calls and you know that I am not used to go out and went to crowded places but you still push me to my limits." galit na sambit ko sa kanya. "Why would you care? You did not even say any word when I confronted you about your stares at Anna, tapos biglang nandito ka at binabalik yung galit mo sa kin." she replied. "Alam mo Abigail what you saw was true pero hindi na ba pwedeng tumingin sa paligid ko? Alam mo na may alitan pa tayo bago mo pa ako akusahan ng kung ano-ano, you know what I was thinking na kaya ka nagkakaganito dahil may iba ka." sambit ko na ngayon ay galit na galit na. "Talagang pag-iisipan mo pa ako ng ganyan, I can't believe you Christian." she said while crying. "Really? but what about this photo of you kissing another man." sabi ko habang pinapakita ko ang litrato nila ng lalaki sa cellphone ko. "That's not what you think it is Christian, it's Nate kaibigan ko yan at nakilala ko siya sa Timog and we were just drunk that time and.." I cut her off and said "And you're not expecting that someone took a picture of it ganon ba?" now she looks really guilty and can't even find the right words to say para malinis yung konsensya niya. "Christian baby, it was nothing lasing na siguro ako niyan kaya hindi ko na alam na may nangyaring ganyan baby I swear I really don't know what happened." sabi niya habang umiiyak. "You know what naniniwala naman ako sayo kasi alam kong mahal mo ko." tumatango-tango siya habang nagsasalita ako "Pero another video was sent to me, kung ma de-deny mo pa ba to ay hindi ko na talaga alam Abigail this video happened last night at alam ko kagabi after ng event sa school ay hinatid kita sa inyo and this is not just a video of you kissing someone but it is you having s*x with someone else Abi now tell me lasing ka pa rin ba nito Abigail?" I added at nakita ko sa kanya ang pagkagulat siguro'y iniisip niya kung saan at kanino ito galing. She can't find any words to say and she can't even look at me in the eye pagkatapos kung ilantad sa kanya ang mga nalaman ko, kilala ko si Abi kapag nagsisinungaling siya. "I'm sorry Christian I didn't mean it nagalit kasi ako for what I saw in that event kaya tinawagan ko si Nate para may mapagsabihan ako, uminom kami ng beer at pagkatapos noon may nangyari sa amin hindi ko alam na he was filming me or I don't know if it is a trap or something but..." I cut her off again "but somehow you like what he's doing?" nagulat ako nang tumango siya at sinabing "Yes, because Nate was there for me nakakasama ko siya sa mga gusto ko na hindi mo nagagawa Christian." and now she's blaming me. "Hindi ko kasalanang naging mapusok ka, huwag na huwag mong isisi sa akin ang mga bagay na alam mo simula pa lang na hindi ko ginagawa ang mga ginagawa mo. Kasalanan mo dahil nagpadala ka and I can't believe na nagawa mo akong lokohin Abigail of all people bakit Ikaw pa?". Umiiyak si Abigail at pilit na kinukuha ang kamay ko. "Please Christian I'm so sorry hindi ko sinasadya at hindi ko intensyon na lokohin ka, patawarin mo ako please tinigil ko na ang namamagitan sa amin ni Nate please baby patawarin mo ko please." lumuhod siya sa lupa habang humihikbi paulit ulit sinasabing nagsisisi siya at sana'y patawarin ko siya. "Alam mong hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari Abigail, I already text kuya badong na ipasundo ka tumayo ka na diyan I have to go." sabi ko at aalis na sana pero hinawakan niya ang mga paa ko "No Christian please baby don't leave me please." tinanggal ko ang kamay niya sa mga paa ko at sumakay sa kotse ko, pinaandar ko ito ng sobrang bilis dahil sa galit ko. Nang nakarating ako sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto at umiyak. I was just crying the whole night habang iniisip kung bakit nagawa sa akin ni Abigail yun ang laking bagay para sa akin ang panlolokong ginawa niya sa akin na she even denies it many times to me na walang namamagitan sa kanila at lasing lang siya noong unang may nangyari sa kanilang dalawa but it doesn’t happen once it happens a lot of times. I am so disappointed for what she did to me, we’ve been together for three years and I can’t remember kung saan ako nagkulang siguro dahil hindi ako lumalabas o gumigimik kagaya ng mga madalas niyang ginagawa but I thought she understand that side of me. Kaya nagtaka ako kung bakit nagawa niyang isumbat yun and she even considered it as one of my shortcomings. Hindi ako pumasok ng school kinabukasan dahil alam kong pupunta sa room namin si Abigail para kausapin ako at humingi ng tawad. Napansin siguro ni mommy ang pagkatamlay ko this day kaya hindi niya napigilang hindi magtanong “Anak, are you okay? kanina pa kita tinitingnan at hindi mo ginagalaw ang pagkain mo may problem ba anak?” concern na sabi ni mommy. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang ginawa ni Abigail for sure hindi na nila magugustuhan o nanaising makapasok at makalapit pa ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko me and Abigail did not talk seriously about what she did kasi all I think about know is to avoid her kasi ayoko at hindi ko tanggap na nagawa niya yun sa akin. Isang pagkukulang para sa partner mo ang hindi mo siya masamahan sa mga gusto niya dahil yun ang mga bagay na hindi mo gusto at yan mismo ang nangyari sa amin ni Abigail. Isang araw bumisita ang parents niya sa bahay namin at sinabi sa mga parents ko na aalis raw ng bansa si Abigail para doon na mag-aral at akala ko hindi nila napapansin ang pagbabago ngunit nabanggit din ng mga magulang niya kung may alam daw ba ako sa naging plano ni Abigail. Nasaktan ako sa narinig ko dahil hindi ko alam na aalis pala siya na bakit may biglang pag-alis na plano siya, hindi niya man lang ako sinabihan o kahit mag text nalang siya. Ayoko yung naging plano niya dahil hindi ko naman siya hahayaang mag desisyon lang para sa sarili niya paano naman ako? Paano naman kami? Hindi niya man lang ba inisip na masasaktan ako sa posibleng maging desisyon niya tapos bigla na lang siyang magdi-desisyon na sa abroad mag-aral. Pagdating ko sa bahay nila pinapsok ako agad ng mga katulong nila at kumatok yung yaya nila para magkunwaring ready na ang pagkain niya, maya-maya pay bumukas na ang pintuan at laking gulat niya ng makita ako. “Ahmm, what brings you here? unang salitang binungad niya sa akin. Hindi agada ko nakaimik dahil gusto ko siyang yakapin pero umiral pa rin ang pride ko. “I heard you’re going out of town, yan ba ang nakikita mong paraan to avoid what you did to me?” sabi ko sa kanya. “No Christian, what I did to you was unforgivable at hindi ko naman tinatanggi dahil kahit ako mismo sa sarili ko pinandidirihan ko ang mga nagawa ko dahil napaka-bobo ko para gawin ang mga bagay na iyon sayo. But still, I got tempted and even did worse nakipagtalik ako sa ibang lalaki na ginusto ko naman because I think of you with him na sinasamahan mo ako sa mga gusto ko pero maling-mali yun at araw-araw pinagsisisihan ko yun Christian.” ramdam ko sa mga hikbi niya na nagsisisi siya sa nagawa niya dahil sa bawat sambit niya ng mga salitang yun ay siyang patuloy na pag-agos ng mga luha niya. Umupo ako sa sahig dahil nakaupo siya doon habang umiiyak. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kaya nagyakapan na lang kaming dalawa habang naririnig ko ang mga sambit niya “Patawarin mo ako Christian kahit hiwalayan mo ko bilang kabayaran sa mga nagawa ko kahit masakit para sa akin ay tatanggapin ko.” patuloy pa rin sa pag-iyak habang sinasabi niya ang mga katagang ito. “Hindi naman kita hihiwalayan eh, naiintindihan ko na rin ngayon ang punto mo hindi madaling patawarin ka dahil masakit para sa akin ang ginawa mong panloloko sa akin ngunit kung ang pag-alis mo ang makakatulong upang mapatawad mo ang sarili mo ay hindi kita pipigilan Abigail besides I will support you sa lahat ng mga gusto mo.” sagot ko sa kanya pabalik. Hindi ko kayang mawala sa akin si Abigail dahil naging malaking parte siya ng buhay ko iniisip ko na lang na siguro pagsubok lamang ito ng panginoon sa aming dalawa. She really went to Australia the next day at naiwan na akong mag-isa. I missed the way she annoys me dito sa bawat sulok ng bahay namin ang kulit kasi ng babaeng yun. Long distance relationship was not that easy kasi minsan yung mga sched namin ay magkaiba we only talk for like 2 hours lang araw-araw. I thought magbabago na si Abigail sa pagpupunta niya ng bars but got even worse nang nandoon na siya sa Australia she become more liberated. I did not confront her about it dahil baka isumbat na naman niya sa akin ang salitang sinabi ko na susuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya. The more na sasabihan mo siya the more she rebels kaya I let everything pass. Isang araw yan yung araw na hindi ko makakalimutan dahil may nag sent sa akin sa email ko ng mensahe and not just a message but there is an attached photo of my dear girlfriend and another man making out at the bar. A memory flashed into my eyes at bigla ko na lang natapon ang cellphone ko at pinagsusuntok ang dingding ng kwarto ko sa galit. Not again Abi, not ever. Anna’s POV Sabado ngayon ngunit nandito pa rin ako sa school dahil may tinatapos kaming output na kailangan agad ng President for a regional seminar, this week was a hell week for me wala man lang akong pahinga. But somehow nagiging okay nalang din dahil may mga kasama akong maiingay at hindi ka talaga mabo-bored kapag kasama mo sila. Maraming beses kong nakikita yung lalaking hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano ang pangalan, pero napapansin kong kapag mag-isa siya ay sobrang tahimik niya pero during his basketball games ay okay naman siya sa mga team-mates niya. May issue kasing pumutok about him and his girlfriend dahil sikat ang girlfriend niya sa school bilang member ng cheerleading team. Hindi naman ako nakiki-marites pero naririnig ko kasi ang mga ka co-officers ko na minsan ay pinag-uusapan silang dalawa. Hindi naman ako interesado sa relasyon ng kung sino-sino pero napapansin ko kasi minsan na tumititig siya sa direksyon ko. Napakabilis lang ng araw at lunes na naman naglalakad ako papunta sa next subject ko ng biglang tumunog ang alarm ko kaya dali-dali akong umakyat ng hagdan dahil male-late ako kapag hindi pa ako tatakbo. Pagkatingin ko sa baba ng hagdan ay nakita ko ang subject teacher namin na paakyat pa lang kaya hindi na ako kinabahan na mahuli sa klase niya mas nauna pa rin ako sa kanya kung iisipin. Bawal kasing ma late sa klase niya. Ms. Sanchez enters the room at siya ay nagsalita “Today, I am going to group you by pair for your final project in my subject. I want you to do a task na kung saan you are both going to get to know each other lahat ng dark secrets at kung ano pa ay dapat ninyong alamin sa isa’t-isa, Am I clear?” sumagot naman kaming lahat ng “Yes po Ma’am.” Binabanggit na ni Ms. Sanchez ang bawat pairs at hindi ko inaasahan na ako at ang lalaking hindi ko kilala kung sino ang pangalan nun ang kapares ko so siya pala si Mr. Castillo? Ba’t parang ka apelido niya pa yung Presidente ng school o kaya kamag-anak niya. Hinawakan ko kaagad ang ulo ko dahil hindi ko alam kung ano at papaano ko siya i-aaproach hindi naman kami nag-uusap o kahit nagkaroon man lang ng interaksyon. Kung bakit naman kasi sa lahat ng tao ay siya pa ano ba naman yan. Iisipin ko na lang na isa siya sa mga under kong students sa school na kailangan kong i-approach para matapos na kaagad ang gawain. Pagkatapos ng time ni Ms. Sanchez ay tumingin ako sa direksyon niya mukhang wala yata talaga siyang balak na lapitan ako at kausapin tungkol sa task na gagawin namin, kaya naman pursigido ako na ako na lang ang lalapit sa kanya but hahanap ako ng magandang timing yung hindi nakabusangot ang mga mukha niya kutis aircon pa naman. Madali lang natapos ang lahat ng classes namin at napapansin ko talagang wala sa mood si lalaking mysterious, siguro hindi maganda ang gising nito kaya ganyan siya ngayon. Napag-isipan kong hindi ko na lang siya kakausapin about sa tasks namin sa susunod na araw na lang siguro. Martes ngayon at alam ko ito ang unang araw na kailangan magsimula na kami sa task namin. Napansin kong wala pa siya sa upuan niya siguro’y late siya sa araw na to. Sana hindi masama ang gising niya para hindi niya mabuntong sa akin o mahawa ako sa busangot niya hindi pa naman ako pwedeng maging bad mood sa ngayon dahil period days ko ngayon madali lang akong magalit kapag may gumagawa ng rason para magalit ako. Second subject na namin ngayon pero wala pa ring nakaupo sa upuan niya ano ba naman huwag mong sabihing hindi ka papasok sa araw na to, Lord please wag naman sana siyang mag absent today sabi ko sa sarili ko dahil feeling ko sasabog talaga ako ngayon gusto kong magalit ng sobra-sobra. Umuwi ako sa bahay na sobrang inis na inis ako sa lalaking yun dahil hindi siya pumasok ngayon, naisip ko rin hndi niya naman alam na kakausapin ko siya ngayon kaya I’ll just let this pass for now pero hindi lang sana talaga ako madamay kapag babagsak siya o kung may balak ba siyang hindi makipag-pair sa akin sana sabihin niya para makapagpalit pa ako. Hay bakit ba ko nag o-overthink hindi pa nga kami nagkakausap. The next day, I saw him in the bleachers hindi na ako naghintay pa ng kung ano-ano dahil baka hindi ko nanaman siya makita sa susunod na araw kaya nilapitan ko na siya. I sat on his side at napansin niya kaagad ang presensya ko so I took that as a sign na magsasalita na ako. “Ahm Hi, ako pala si Anna and magkapares tayo sa task na gagawin natin sa subject ni Ms. Sanchez kaya I am hoping na we can start doing it or kung ayaw mo naman akong maka-pair ay pwede naman nating pakiusapan yung mga classmates natin to exchange.” Sabi ko sa kanya na parang wala naman siyang narinig dahil tinititigan niya lang ako, I feel so weird kasi parang hindi naman ata siya nakikinig sa mga sinabi ko kaya I decided to stood up, I was about to take steps when I heard him say “We can start later.” at bigla siyang tumayo at naglakad papaalis. Ako sana yung aalis eh pero okay na rin yun dahil at least we can finally start our tasks. Mapapakiusapan naman pala ang lalaking yun hindi naman pala siya yung tipong sobrang harsh. Binalita ko yun sa mga kaibigan ko at kahit sila nagtaka kung bakit sobrang mysterious talaga ng lalaking yun kahit sa social media ay wala kang makukuhang impormasyon about sa kanya at sa kung saan man siya galing. I wonder what his life status be. Nagbibiro pa yung mga kaklase ko na baka anak siya ng Presidente kaya mysterious yung mga informations niya pero mukhang hindi naman baka kamag-anak lamang niya. Last subject na namin ngayon at bigla nalang tumunog ang bell bilang hudyat na uwian na. Nilapitan ko si Mr. Castillo at sinabing “Are we gonna start our task now? Kasi sabi mo kanina later so ibig sabihin now is the right time para gawin na natin yun.” sumagot naman kaagad siya ng “Oo sa study center na lang muna tayo.” Gusto kong tumalon sa galak pero ayaw kong isipin niya na parang bata ako kumilos. We went to the study center at nilabas ko na yung papers at pen ko. He looks so good kapag malapitan no wonder why marami ang nagkakagusto sa kanya lalo na yung mga juniors. Since alam ko naman na hindi nag i-initiate ang lalaking to kaya ako na lang ang unang nagsalita. “Can we start now?” tanong ko sa kanya at imbes na sumagot ay tumango lang siya so I guess it’s a sign for me to proceed. “We’ll magsisimula muna ako sa mga basic informations muna so ano muna ang pangalan mo?” sumagot naman siya agad “I am Christian Gayle Castillo.” Tumatango-tango ako habang sinusulat ko yung pangalan niya. Nagulat ako dahil ko ako lang muna nag mag tatanong ngunit may cooperation din naman pala tung lalaking to at tinanong niya rin ako kung ano ang pangalan ko so sinagot ko rin siya ng “Ako nga pala si Anna Concepcion Delos Reyes.” Pagkatapos nun ay nagtanong lang kami alternately ng mga basic informations dahil para light lang muna ang malalaman namin sa isa’t-isa. Pagkatapos ng mga basic informations na nalaman namin sa isa’t-isa natapos na rin namin yung part na yun kaya umalis na kami sa student center at palabas na kami ng school. Nagpasalamat ako sa kanya at aalis na sana ako when he suddenly said “Ihahatid na kita gabi na baka ano pang mangyari sayo besides I have my car.” Nagulat ako sa offer niya hindi naman pala siya masungit after all besides maganda ang offer niya sa akin makakalibre ako ng pamasahe pero dahil pinoy tayo sinagot ko siya nang “Ay huwag na okay lang sanay naman ako mag commute.” Kunwari pa ako eh gusto ko namang ihatid ako para makalibre at sinabi niya naman na “No I insist, sumakay ka na.” yan tama yan Christian ang bait mo naman. Ang ganda ng sasakyan I can really tell na his not just a simple man kasi napaka yaman ng dating niya kumpara sa mysterious nerdy types na nakikita ko sa tabi-tabi. Mayaman tong Christian na to, no wonder why mysterious ang dating niya or let me change it as him being lowkey sa kung anong mayroon siya. Hindi rin naman siya mayabang na mayaman na nakikita mo sa mga teleserye, alam ko naman na mabait tong si Christian siguro kapag tinotoyo siya kaya nagiging masungit. Nakarating na nga ako sa bahay namin hindi ko pinahinto ang sasakyan ni Christian sa tapat mismo ng aming bahay dahil alam niyo na ang mga marites ay nakaabang lang sa tsismis at baka sabihing nagka sugar daddy na ako malalagot talaga ako ni papa siya pa naman ang kapitan dito sa amin. Nagpasalamat na ako kay Christian dahil hinatid niya ako ng ligtas, mayamaya pa ay umalis na siya saktong pag alis niya ay siyang pagdating din ni papa galing sa barangay. Nagmano agad ako kay papa at pumasok na sa bahay upang makapagbihis at kumain. Isa na naman itong araw na to sa mga araw na nakakapagod at hindi ko alam kung anong araw lang ako magkakaroon ng pahinga. Pagkatapos kong kumain ay nagsipilyo muna ako bago pumasok sa kwarto ko, kinuha ko yun cellphone ko para mag open ng social media ko wala namang news na bago pero may mga issues na trending nanaman kadalasan yung mga vloggers lang naman yung nagpapasikat ng kung ano-anong mga issues para may pag piyestahan ang mga tao. I watched videos like vlogs but I also read and write stories during my vacant times. Hindi lang naman libro sa libraries yung binabasa ko nagbabasa din ako ng mga novels kasi malay mo ma apply ko lahat ng yun sa magiging jowa ko. Paano nga ba ako magkaka-jowa hindi ko naman sinasagot yung mga nanliligaw at nagbabalak manligaw sa akin, ewan ko ba hindi ko lang kasi maintindihan dahil mixed signals din naman ang binibigay sa akin na kesyo kunwari ako yung gusto pero may ine-entertain ding iba. Well, boys are boy’s mas madali silang makaramdam ng temptasyon kaysa sa aming mga babae. Besides ayoko pa namang mag jowa kasi priorities ko yung pag-aaral sa ngayon. Ang laki pa ng pangarap ko sa mga magulang ko at syimpre para sa sarili ko na gusto ko munang makatulong sa lahat ng binigay nila sa akin, masuklian lahat ng pagmamahal at pagsasakripisyo nila para sa akin ay tiyaka ko na siguro isusunod ang pansariling kaligayahan ko. The next day, this is the second day ng task namin ni Christian at this time hindi ko pa alam anong susunod ng basic informations kaya siya na lang ang paiisipin ko. Mukhang his good at getting to know each other dahil may jowa siya he probably knows what will be the next step. Nagsusulat ako para sa invitations na need for our upcoming school program ng biglang lumapit sa akin si Christian “Anna, I think hindi muna tayo magpo-proceed sa task natin kasi may basketball practice kami ngayon at gabi na kami makakauwi maybe we can do it the next day na lang okay lang ba sayo?” syimpre considerate naman akong tao so sinagot ko siya. “Yeah sure, medyo busy rin kasi kami sa SBO.” Akala ko aalis na siya pagkatapos nun pero nagsalita ulit siya “If you want we can exchange numbers or contact each other in social media for other queries, it could somehow save the time na hindi natin ginagawa ang task natin.” mukhang magaling siya sa time management magandang ideya nga yung naisip niya “Sige, magandang idea ang naisip mo Christian.” kaya naman we exchange numbers and add each other in social media. Pagkauwi ko sa bahay busy ang family ko dahil sa susunod na lingo darating yung mga kamag-anak namin dahil reunion namin. Alam ko napakarami naming kamag-anak ang magda-datingan kaya magiging maingay ang mundo namin dito kapag nakarating na lahat ng mga pinsan at kamag-anak namin. “Anak, puyde bang gumawa ka ng tarpaulin para sa family reunion natin? Kung busy ka naman anak ay okay lang magpapa layout na lang ako.” sambit ni mama. “Okay lang ma, send mo na lang sa akin ang theme ng event.” sabi ko kay mama. Tumango siya at nagpasalamat sa akin. Pagka akyat ko ng kwarto may biglang nag pop up na message sa akin at pagtingin ko galing yun sa numero ni Christian, weird pero sabi dun sa text “Take care, don’t stress yourself too much I love you.” na wrong send ata si mysterious guy akala niya ata sa jowa niya na send ang message na to, infairness may sweet side naman din pala si Christian. I stalk his social media account and saw his photos with his girlfriend, maganda naman pala yung jowa niya kaya pala cheerleader kasi ang ganda ng dating. They have a pictures ng mga bata pa sila so ibig sabihin childhood friend nila ang isa’t-isa at sila rin ang nagkatuluyan. What if ganyan rin ang mangyari sa akin? naku naman Lord wag naman sana yung childhood friend kong si bulldog kasi hindi yun naliligo. I don’t see a family pictures sa photos niya sobrang private ata ng personal life niya o baka nag iingat lang siya dahil may kaya yung pamilya niya. I continue stalking his account and I can really say na hindi talaga siya yung rich guy type na mayabang o kaya pinalalandakan sa lahat na may pera sila. He’s too humble para sa estado niya which is a good thing kasi ibig sabihin hindi niya tinitingnan yung sarili niya na mataas sa iba o sa kung sino man. Busy ako sa pag ma-marites sa buhay ni Christian ng biglang may tumawag sa akin, nagulat ako ng nakitang si Christian ang tumatawag hindi ko alam kung ano ang gagawin ko maybe he finds out na I’m stalking him oh no please don’t. Huminga ako ng malalim at sinagot yung tawag niya “Hello?” sabi ko. “I’m sorry to call you this hour pero I just wanted to say sorry because I missent something to your number pasensya na Anna hindi na mauulit.” he said. Nagso-sorry din siya hindi ko mapigilan yung mga unti-unti kong nalalaman sa characteristics niya. “Okay lang yun Christian, there’s nothing to get worried about.” sagot ko sa kanya, and after that I ended the call kasi okay lang nama sa akin infact busy nga ako tumitingin sa mga photos nila together. I did not scroll much of his social media informations dahil inaantok na ako. Kaya naman I decided na matutulog na ako. Nag goodnight na nga ako kay Lord at nagpasyang ipikit ang aking mga mata. Kinaumagahan nakita kong busy si mama sa paggawa ng mga lumpiang shanghai dahil marami ang umu-order sa luto niya. Kahit kami nga ay hinding-hindi kami nagsasawa sa mga luto niya hindi dahil bias kami pero dahil sobrang quality at talagang masarap talaga. Kumain muna ako dahil nakapagluto na si mama ng lumpia sobrang sarap na sarap nga ako kaya naparami ang kain ko at hindi ko namalayan na late na pala ako kaya dali-dali akong tumakbo sa cr dahil hindi pa ako nakaligo see alam niyo na kung ano ang epekto at kung gaano talaga kasarap yung luto ng mama ko. Pagdating ko sa cr namin ay dali-dali akong naligo, ano ba naman yan Anna sa sobrang enjoy mo nakalimutan mong may pasok pala. Late na nga ako kay Ms. Sanchez kaya I decided na hindi na lang ako papasok kasi mapapagalitan talaga ako kapag nakita niyang papasok pa lang ako ng room. Umupo na lang ako sa student center at nagbabasa ng notes ng may biglang umupo sa harap ko, pag tingala ko nakita kong si Christian pala yun. “Bakit ka nandito? Late ka rin?” sabi niya. Ibig sabihin late rin siya? Ang galing mo naman Lord hindi mo talaga gusto na ako lang mag-isa kaya nagpasama ka pa ng isa. “Oo eh, na late kasi ako dahil nag enjoy ako sa lumpiang shanghai ni mama hindi ko napansin ang oras, how about you? Late ka rin?” tanong ko sa kanya pabalik. “Oo kasi matagal akong nakatulog kagabi kaya matagal akong nagising.” sagot niya. Isang nakakabinging katahimikan ang maririnig mo sa pagitan namin nililigpit ko na ang mga gamit ko at tatayo ng bigla siyang nagsalita. “Tumatanggap ba ng orders ang mama mo?” sabi niya na pinagtataka ko “anong ibig mong sabihin?” sagot ko sa kanya, sumagot naman agad siya ng “I was talking about her lumpiang shanghai, I wanted to buy kung pwede or tumatanggap siya ng orders. ” Yun naman pala akala ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Oo naman, ilan ba order mo?” sabi ko. He raised his two hands as a sign of 10 orders kaya naman nagsalita ulit ako “Ang dami naman niyan kung ikaw lang yung kakain, bawat order ay may laman na 10 pieces so ibig sabihin 100 pieces ang bibilhin mo?” tanong ko na may halong pagtataka, mukhang mayaman pero sobrang takaw. “Yes, 100 pieces then dalhin mo na lang bukas at sayo ko babayaran.” sabi niya at naglakad paalis. Maaga lang naman natapos yung klase namin at napag-usapan na rin namin ni Christian na magcha-chat na lang kami tungkol sa tasks namin kaysa sa dito kami sa study center mag-usap at uuwi ng gabi, masyadong hassle na yun for the both of us. Kaya nakauwi ako ng maaga at kinausap ko kaagad si mama tungkol dun sa order ni mysterious guy. “Mama, yung kaklase ko nga pala ay gustong mag order ng lumpiang shanghai mo bukas daw niya kukunin.” bungad ko kay mama bag ako nakapag-mano. Ang sayasaya ni mama ng sinabi ko yun kaya nagtanong siya “Ilan ba ang order niya anak?”, sinagot ko kaagad si mama “100 pieces po.” sabi ko na ikinalaki ng mga mata ni mama. “Ano ba yan Anna birthday party?” sabi ni mama, sinabi ko naman na maski ako ay nagulat sa dami ng order ng taong yun pero dahil pera na rin yun sinunggaban na agad ni mama at gumawa na siya para lulutoin na lang bukas. Pagkagising ko nakita ko ngang abala na si mama aba’y talagang pursigido si mama sa business niyang to ah, actually libangan lang ni mama ang pagluluto kaya hindi niya inaasahan ang order ng ibang tao kasi taga-rito lang sa amin ang mga customers ni mama. Pagkatapos kong mag prepare dahil pupunta ako sa school ay siya ring pagkatapos ni mama magluto ng order ni mysterious guy. “ito na anak, tingnan ko lang talaga kung hindi o-order ulit yang classmate mo dahil sobrang sarap ng gawa kong iyan.” confident na sabi ni mama at totoo yun kapag hindi umorder ulit si Christian ay iwan ko na lang talaga. Napakagaling pa naman ni mama magluto ng kahit na ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD